Lascivious Casanova 10

2729 Words
"What do you mean? Do I look like a frog to you?" taas kilay na tanong ko. "Gusto mong humalik? Ito ang halikan mo oh!" Ang kamay kong kakahawak lang sa palaka'y itinaas ko at hinilamos sa kanyang mukha. Natawa ang mga kaibigan niyang nakarinig sa usapan namin. Malakas niya akong naitulak at halos maduwal habang pinupunasan ang mukha niyang pinahiran ko ng basang kamay. Napangiwi ako. Dahil sa lakas ng pagtulak niya'y tumalbog ang katawan ko sa sahig. Kapwa masama ang tingin namin sa isa't isa habang sabay na tumatayo. Lalapitan niya sana ako kung hindi lang nakataas ang isang kamay ko at balak ulit na ipahid sa kanya. Napaghiwalay lang kami nang sabihan ako ni Miss Abadiano na maglinis ng kamay. Habang naghuhugas ng kamay ay binalikan ko ang sinabi ni Jax at kung gaano kapungay ang mga mata niya. Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Halata ang pamumula ng magkabila kong pisngi. Tumapat pa talaga sa pagdating ni Ms. Abadiano nang sinabi niya iyon. Malay ko ba kung may LQ sila? Kaya ba nakikipaghiwalay siya kay Maya at ipinipilit niya ritong wala silang relasyon dahil si Ms. Abadiano na ang pinili niya? Baka gusto niyang pagselosin si Ms. Abadiano kaya niya sinabi sa akin iyon? Pero mga kaibigan niya lang yata ang nakarinig dahil sa sobrang hina ng pagkabigkas niya. Kung pagseselosin niya si Ms. Abadiano hindi ba dapat ay basta niya nalang akong hinalikan para makita nito? Napasinghap ako at kinilabutan sa naisip. Napahaplos ako sa aking mga braso nang maisip kung ginawa niya nga iyon. Sasampalin ko ba siya? Siyempre, sasampalin ko! Hinalikan niya ako e! Baka sinabunutan ko pa siya, sinipa, at sinuntok! Matapos magpatuyo ng kamay ay lumapit ako sa pinto para bumalik sa klase. Bago ko pa mabuksan iyon, kusa na itong bumukas at iniluwa si Jax. Padabog niyang isinara ang pinto, ni-lock at tinignan ako. "Hoy! Ano iyan?" tukoy ko sa pinto na isinara niya. Hindi niya muna ako pinansin. Dumiretso siya sa faucet at naghilamos ng mukha. Pinanuod ko siyang maghilamos hanggang sa matapos siya. "Bakit mo ginawa iyon?! Bakit kailangan mong hawakan 'yung palaka?!" Basa ang mukha niya dahil kagagaling lang sa paghilamos. Ang tubig na nagmumula sa mukha niya ay bumagsak papunta sa kanyang leeg at suot na damit. Sa pisngi ko lang naman siya pinahiran ngunit binasa niya maging ang kanyang buhok. Nagmistula tuloy siyang bagong paligo. "Ang sabi mo kasi magaling akong dumakot!" "You know what I am talking about! I'm talking about what happened the other day and not that fvcking frog!" "Palaka ang nasa kwarto! Anong gusto mong dakutin ko ulit, iyan?!" turo ko sa pantalon niya. "At bakit dito ka pa nagpunta? Maraming banyo sa itaas! Kaya nga dito ako gumamit sa ibaba dahil ayokong makasama ka kung maglilinis ka ng mukha!" "Ikaw ba ang may-ari nitong school? Gagamitin ko ang kahit anong banyo na gusto ko!" "Sumasakit ang ulo ko sayo, Jax! Bahala ka na diyan!" maingay ang mga paa kong naglakad patungo sa pinto para iwan siya. Bakit ba ang hilig niyang makipag-away sa akin? Hindi maganda ang resulta sa amin kung magsasama kami sa isang classroom! Mabuti nalang at hindi ko siya kaklase dahil kung nagkataon, baka hindi pa ako maka-graduate dahil sa mga gulong dala niya! Sa pangatlong beses na pag-ikot sa door knob tsaka ko lang napansin na hindi iyon bumubukas. Tinignan ko ng mabuti ang lock. Hindi iyon natatanggal kahit anong pihit ko. "Jax!" sigaw ko nang medyo mataranta dahil hindi ko talaga mabuksan. Nilingon ko siya at nahuli kong matalim ang titig niya sa likod ko. Hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mabuksan ang pinto! "Bakit?" galit pa rin ang tono niya. "Hindi ko mabuksan!" Napaayos siya ng tayo nang makitang nagsasabi ako ng totoo. Inisang hakbang niya ang pinto at inalis ang kamay kong nasa door knob upang kamay niya ang ipalit. Nilagyan niya ng pwersa ang pag-ikot sa door knob at malakas na hinila ngunit hindi man lang iyon nagalaw. Matigas na kahoy iyon at kung sisirain niya'y baka siya pa ang masaktan. Hindi rin mumurahin ang door knob na galaw galawin lang ay pwedeng matanggal. Mayroon itong lock sa labas at sa palagay ko'y na-lock iyon kasabay ng pag-lock ni Jax sa loob. "Call your friends!" utos niya matapos sumuko at bitawan ang door knob. "Paano? Nasa akin ba ang cellphone ko?!" hindi pa niya ibinabalik ang cellphone ko at kahit nasa akin iyon ay hindi ko naman dadalhin iyon sa banyo! "Ikaw ang tumawag sa mga kaibigan mo dahil kung ako, wala akong magagawa diyan!" Nagpamulsa siya pagkaharap sa akin. Akala ko'y huhugutin niya ang cellphone sa bulsa niya. Kalaunan nga lang ay napansin kong nakasuksok lang ang mga kamay niya roon at masama ang tingin sa akin. "Wala kang dala?" Hindi siya sumagot. Nagbuga siya ng malalim na paghinga at naglakad palapit sa sink para sumandal. Bahagyang nakabaluktot ang katawan niya. Basa pa rin ang kanyang buhok at pagalit ang titig sa door knob. "Anong gagawin natin?!" kabadong tanong ko. Patapos na ang klase at baka walang makapansin na wala kami. "Wala? Hintayin na may magbukas?" kibit balikat niyang nakapamulsa pa rin. "Paano kung walang magbukas?!" Anong dahilan iyon! Siya ang lalaki kaya dapat siya ang mag-isip ng paraan para makalabas! Malayong malayo siya sa mga prince charming na nasa mga palabas! "Kung walang magbubukas, dito tayo matutulog-" "Ayoko! Kung gusto mong matulog dito, ikaw nalang!" "Bakit? May alam ka bang paraan para makalabas?" sarkastiko ang paraan ng pagtatanong niya. Tinalikuran ko siya at ako nalang ang nag-isip ng paraan. Ilan minuto kaming tahimik nang mapa-angat ako ng tingin at makita ang bintana. Mataas iyon at hindi ko abot kaya't nilapitan ko si Jax na nakatitig sa pinto. Napatingin siya sa akin nang tumigil ako sa harapan niya. "Ano?" masungit at iritado pa rin siya. "Sumilip ka sa bintana. Kung may makita kang tao, humingi ka ng tulong." Tamad niyang sinulyapan ang bintana na sinasabi ko. Pairap siyang tumingin sa akin at umiling. "Ikaw ang may gustong makalabas kaya ikaw ang humingi ng tulong-" "Mataas! Hindi ko abot!" "Problema mo iyan, Clementine. Ikaw naman ang nagsimula nito-" Hindi ko na siya pinatapos sa litanya niya at basta basta siyang hinigit sa kanyang braso. Binitawan ko lang siya nang nasa tapat na kami ng bintana. "Humingi ka ng tulong!" "Ayoko nga-" Hindi ko na napigilan na paliparin ang paa ko. Nalukot sa sakit ang mukha niya nang sipain ko siya sa binti. "Sinipa mo ako! Lalong ayoko sumunod-" Inulit ko pa ulit. Sinipa ko ulit siya. "Kung hindi ka susunod magdamag kitang sisipain, Jax! Kung ikaw, gusto mong matulog dito, ibahin mo ako! Kailangan nating makalabas bago pa mag-uwian ang mga estudyante!" Kahit anong gawin namin na sigaw at hampas sa pinto, walang makakarinig sa amin. Nabaha ang mga classroom dito sa ibaba at walang magagawi rito na mga estudyante at guro. Pero kung sa bintana, maaaring may mapadaan. "Paano ko gagawin kung hindi ko rin abot?!" pabulyaw niyang sagot at itinuro ang bintana. Mataas iyon at kahit matangkad siya'y hindi niya nga pwedeng masilip. Maliban nalang kung may hawakan at pwede siyang maglambitin. Kaya lang, wala! Salamin lang na bintana ang naroon at nakasara pa! "Put your legs on my shoulder. Open the window and ask for help-" "No way! Makikita mo ang panty ko!" "Pipikit ako! Okay? Just do it if you want to get out of this damn bathroom!" Aburido niyang ginulo ang kanyang basang buhok at patalikod sa akin na naupo. Nang hindi ako gumalaw, galit niya akong binalikan ng tingin. "Ano?! Gusto mo bang lumabas o ayaw mo?! Kung hindi mo ako sasakyan, hindi tayo makakaalis dito!" Naka-isang linya ang mga labi at kilay kong lumapit sa malapad niyang likod. Umayos siya ng upo. Hindi ko alam kung paanong sakay ang gagawin ko sa kanya. Kailangan ko bang bumukaka? Kaya lang, didikit sa batok niya ang... pinamulahan ako. Pwede naman sigurong umupo nalang ako sa balikat niya, hindi ba? "Ano?! Tatayo na ako! Huwag nalang natin gawin ito!" Bago pa magbago ang isip niya, sinakyan ko na siya. Napapikit ako ng mariin dahil naka-skirt ako at medyo maikli kaya kahit gustuhin ko, hindi ko matakpan ng maayos ang panty ko. Okay lang ito, wala naman siyang mata sa batok at hindi niya ako masisilipan kung hindi niya sasadyain na sumilip. Pagkasakay ko'y maingat siyang tumayo. Mariin ang kagat ko sa aking ibabang labi dahil humawak siya sa mga binti ko. Alam ko naman na para sa akin iyon, para hindi ako mahulog. Iba nga lang ang naiisip ko kapag siya ang gumagawa, palagi kong nahahaluan ng kabastusan. Dahil sa tangkad niya'y mabilis kong naabot ang bintana. Nabuksan ko ngunit hindi ko naman masilip ang labas. Ngayon ko lang na-realize na ang palpak yata ng banyo na ito? Una, mayroo lock sa labas ng pinto! Ikalawa, itong bintana na napakataas! Kahit nahihirapan ay sinubukan ko pa rin na maabot ng mga mata ang bintana. Malutong na nagmura si Jax sa pagdikit ng panty ko sa kanyang batok. Mariin na dumiin iyon sa batok niya. Kanina, iniiwasan ko pa na dumikit doon. Wala lang pagpipilian ngayon, dahil kung mag-iinarte ako, masasayang ang pagsakay ko sa kanya. Humigpit ang hawak niya sa binti ko at pansin ko ang pagbilis ng kanyang paghinga. Nang yukuin ko siya'y namumula siya. "Walang tao, Jax... basurahan..." Malungkot akong nagbuntong hininga. Walang dadaan dito sa labas ng bintana. Tambak pala ang mga basura rito na nabaha. Mayroon pang mga upuan at sirang lamesa. Mga libro at kahit may putik ay napansin ko ang mga pina-print na quizes at exams. Kung lilinisin ito, sigurado na bukas pa. Ibinaba niya ako at tumalikod. Bumalik siya sa sink, sa pwesto niya kanina. Ganoon din ang ginawa ko. Bumuntung hininga ako at tumigil sa gitna ng banyo, tama lang ang layo para hindi kami magkalapit. Nagkiskisan ang mga ngipin ko nang maisip na kasalanan niya itong lahat! "Bakit may pa-lock lock ka pa kasi ng pinto?!" tunog naninisi na tanong ko. Ang malamig na mga mata niya'y lumipat sa akin. "Sino ba sa atin ang naghawak ng palaka? Kung hindi mo hinawakan iyon at hindi mo ako pinahiran sa mukha, wala tayong dalawa rito!" Napahampas ako sa noo at laglag panga na nakatingin sa kanya dahil parang ako pa yata ang sinisisi niya! Humakbang ako ng tatlong beses at tumigil sa harapan niya. Gusto ko siyang sipain sa binti ngunit alam kong hindi makakatulong kung sasaktan ko siya ulit dahil sa inis. "Ikaw ang naunang mang-asar! Gumanti lang ako dahil sinabihan mo akong magaling dumakot!" Tumayo siya ng tuwid. Magkaharap na kami ngayon at isang hakbang na lang ang pagitan. "Magaling naman talaga! Hindi ba't napagkamalan mo pa ngang desk lamp yung-" "Hindi ko sinasadya iyon! Bakit paulit ulit mo pang pinapaalala?! Kanina ka pa pagpasok ha! Hindi, kahapon pa! Siguro may gusto ka na sa akin kaya inuulit ulit mo at hindi mo makalimutan, ano?!" Hindi makapaniwalang tinignan niya ako. Medyo mayabang ang dating ko doon. Alam ko rin naman na wala siyang gusto sa akin. Gusto ko lang na tigilan na niya. Kung sasabihin ko na may gusto siya sa akin baka hindi na niya ulitin iyon dahil aasarin ko siyang may gusto siya sa akin. Mahina siyang natawa. Napalunok ako at napa-atras nang humakbang siya palapit. Ganoon ang ginawa namin hanggang sa maramdaman ko ang tiles ng banyo sa aking likod. Nag-iwas ako ng tingin nang pagpantayin niya ang mga mukha namin. Malakas ang loob ko kanina, ngunit kung ganito kalapit, tumitiklop ako. Hindi pa ako kahit kailan na-corner ng lalaki sa ganitong pwesto. "Baliktad yata, Clementine? Baka naman ikaw ang may gusto sa akin-" "Wala akong gusto sayo!" maagap na sagot ko at dinirekta ang tingin sa mga mata niya. Para akong maduduling at bigla akong nahilo sa sobrang lapit niya. Sa opisina nang Don, niyakap ko pa ang mga braso ko sa kanyang leeg. Madilim doon kaya ayos lang kahit halos magsanib na kami ng katawan. Ngunit kung ganitong maliwanag, hindi pala ayos dahil kitang kita ko kung ano ang mga nagustuhan ng mga babae sa kanya. Mga mata pa lang niya, nakakatunaw na, nakakapang hina ng tuhod. Umawang ang mga labi ko at tinignan ang isang kamay niya na ipinatong niya sa tiles, sa gilid ko. Pwede naman akong umiwas at lumabas sa kabila ngunit hindi ko ginawa dahil kung gagawin ko iyon, mapapatunayan niya na may gusto ako sa kanya. Na hindi naman totoo. "Kung wala ka talagang gusto sa akin... sige nga... tignan natin..." sabi niya sa marahan at paos na boses. "Paano? Saan titignan?" walang ideya na tanong ko. Salitan kong tinignan ang mga mata niya. Ngumisi siya at sinulyapan ang medyo nakaawang na labi ko. Pagbalik niya ng tingin sa mga mata ko, seryoso na ang tingin niya katulad kanina sa classroom nang pumatong ako sa kanya. "Hahalikan kita... kapag hinalikan mo ako pabalik... may gusto ka sa akin." Pinigilan kong mag-init ang aking magkabilang pisngi. Mariin kong isinara ang nakaawang kong mga labi at umiling. Tinaasan niya ako ng kilay at mayabang na tinignan. "Ayaw mo? Kung gano'n... inaamin mo nang may gusto ka sa akin-" "Sige! Papayag ako! Hindi ako hahalik pabalik sayo dahil hindi kita gusto!" Matapang ang boses ko at nakataas ang kilay. Subalit ang tambol ng dibdib ko'y nagkakarerahan na lalo at hindi pa nabubuksan ang pinto. Halik lang naman, 'di ba? Oo, sabi niya halik lang! "Okay... are you ready? I'll kiss you now..." Napasinghap ako sa pagdampi ng isang kamay niya sa bewang ko. Ang isa ay nanatili sa gilid ko upang hindi ako makatakas. Para akong lalagnatin nang mapatingin sa labi niya nang basain niya ng dila iyon. Pinadaanan niya iyon ng ngipin at base sa pagbakat ng ngipin niya roon ay sobrang lambot no'n. Pakiramdam ko'y kapag lumapat sa labi ko iyon ay tuluyan akong mawawalan ng malay. Tinagilid niya ang kanyang ulo at bahagyang ibinaba ang kanyang mukha. Narinig niya ang malakas na singhap ko nang ipaikot niya ang kanyang isang braso mula sa bewang ko papunta sa aking likod at marahas akong hinigit para maidikit sa katawan niya. Naitulak ko siya sa dibdib at hinayaan ang mga kamay kong nasa pagitan namin. "Kinakabahan ka?" nang-aakit ang boses niya. "Hindi..." mahinang bulong ko. Naaamoy ko na ang hininga niya at nasisiguro ko na ganoon rin siya sa akin. Nakaramdam ako ng ilang sa pwesto namin. Hindi ako bad breath ngunit nakakahiya na ipaamoy sa kanya ang hininga ko gayong ang bango bango ng sa kanya. "Kinakabahan ka, Clementine? Ayaw mo na ituloy?" "Gusto ko," nanlaki ang mga mata ko sa isinagot ko. "Gusto ko para mapatunayan sayo na hindi kita gusto!" Ngumisi siya. "Hindi rin kita gusto," paos na bulong niyang nakatitig sa mga labi ko at tuluyan nang ibinaba ang mukha palapit sa akin. "Clementine!" Gasinulid nalang ang layo ng mga labi namin nang maitulak ko siya palayo dahil narinig ko ang boses ni Harry. Nagmura si Jax at napahilamos sa mukha. "Clementine, nandiyan ka ba?" "O-oo, Harry! Nandito ako!" Lumayo ako kay Jax at lumapit sa pinto. Nakita ko ang paggalaw ng door knob at ang mabilis na pag-click no'n tanda na nabuksan nila ito mula sa labas. Sunod sunod na pumasok sila Irene, Cathy, Harry, at mga kaibigan ni Jax. "Nakulong ka? Mabuti nalang at tapos na ang klase! Hindi ka naman uma-absent kaya nagtaka kami! Tinignan namin ang mga banyo sa itaas pero wala ka! Si Harry ang nakaisip na baka nandito ka sa ibaba dahil hindi pa napapalitan ang pinto rito!" Si Irene ang nagpaliwanag. Hindi pa niya napansin si Jax. Nang magawi ang tingin niya sa lalaking nakasandal sa tiles kung nasaan ako kanina'y pinanlakihan niya ako ng mga mata. "Magkasama kayo?!" tanong niya ulit. Hindi ko na siya sinagot dahil tumawa ang mga kaibigan ni Jax at lumapit sa kanya. "Mabuti at kasama mo si Clementine! Kung hindi, baka hindi ka namin hinanap kasi hindi ka naman talaga pumapasok!" Mimura sila ni Jax nang magtawanan sila. Umayos siya ng tayo para lumabas ngunit bago pa tuluyang makalabas sa pinto, binigyan niya ako ng huling sulyap. Tumikhim ako at napakurap. Nang maglaho siya sa paningin ko, nakagat ko ang ibabang labi ko. Muntik na niya akong mahalikan! At ang malala pa, pumayag ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD