Lascivious Casanova 26

2646 Words
"Let go of my arm, Jax!" Pinatigas ko ang boses ko. Nang pumalag ako'y lalong humigpit ang hawak niya. "Kiss me first then I will." He demanded as if he was just asking the waiter for water. Nagpigil ako ng paghinga at nang ibuga ko ang hangin ay pinilit kong galitin ang sarili dahil ngayon pa lang nalulusaw na ako sa marahas na hawak niya't pagbabanta. Pilit kong inaalala at isinisiksik sa isip ang mga bagay na ginawa ni Jax at kung bakit hindi ko dapat ito nararamdaman. I don't want to be his victim. He's skilled player and talented womanizer. Umiyak na ako ng isang beses at ayoko nang mapasama pa sa mga babae na napa-away dahil sa kanya. "This is harassing! Papasukin mo ako dito at hihilingin na halikan kita?" Sarkastiko siyang natawa. "Harassing? If it is, then sue me after you kiss me." Hindi ako makapaniwalang umiling. Pumikit ako ng mariin na mukhang magandang desisyon dahil pagkasarado ng mga mata ko, malinaw kong nakita si Maya at Miss Abadiano. Sa kanila talaga nagsimula ang lahat. Habang naaalala ko kung paano silang dumaing sa ginagawa ni Jax, parang dinudurog din ako. Hindi ko pala kakayanin kung may mangyari sa amin at mabalitaan kong may nangyayari rin sa kanila ng mga babae niya. Humapdi ang gilid ng mga mata ko. Lalo kong isinara ng mariin ang mga mata upang mapigilan ang pag-alpas ng sakit. Mariing nakasara ang aking mga kamay. Kung kailan natanto ko ang nararamdaman ko, mas lalo akong nagkaroon ng lakas ng loob na layuan siya. Mas lalo kong gustong tumigil na siya. Mas lalo kong pinagsisisihan ang mga nagawa naming dalawa. Kung pwede lang sanang ibalik, hindi ko na siya kakausapin. Kahit madalas siyang gumawa ng gulo, ituturing ko siyang hangin. Nang sa gano'n ay hindi ko sana nararamdaman ito ngayon. Kung hindi ako nakialam hindi ko sana inaamin sa sarili ko ngayon na gusto ko siya! Kumalat ang pait sa akin at mabilis na idinilat ang mga mata ko. Nakitaan ko siya nang gulat. Malamang ay nakita niya ang nakapaloob na galit sa mga mata ko. Hinawi ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Ako na ang humakbang palapit sa kanya. Tumingkayad ako at ikinawit ang isang braso sa kanyang leeg. Walang salita na mabilis ko siyang hinila pababa upang paglapatin ang mga labi namin. Hindi siya nakagalaw at mukhang hindi napaghandaan ang ginawa ko. Ang mga kamay niya'y nakabagsak lang sa magkabilang gilid niya. Ilang segundo nang magkalapat ang mga labi namin, hindi pa rin siya gumagalaw para halikan ako. Tiim bagang akong lumayo at tinitigan ang gulat pa rin niyang anyo. Nakadilat siya at may pagtataka. "Are we done?" walang kasing lamig ang boses ko. Napakurap siya. Ang kanyang nakaawang na labi ay ibinukas sara habang umiiling. "No..." "Then kiss me!" sigaw ko at muli siyang hinila pababa. Pagalit ngayon. Ramdam ko ang malakas na pagtama ng labi niya sa akin dahil sa ginawa ko. Sa ikalawang beses nang paglapat ng mga labi namin, mabilis ang naging paggalaw niya. Pumaikot ang kanyang isang braso sa aking bewang at umangat ang isa patungo sa aking batok. Iginilid niya ang kanyang ulo at nagsimula sa malalim ngunit marahan na paghalik. Naisama niya ako nang humakbang siya. Pinigilan kong suminghap nang tumama ang likod ko sa pader. Pigil na pigil akong gumawa ng kahit kaonting ingay kahit kaonting kaonti na lang alam kong bibigay na ako. Sumasabay sa patak ng ulan ang kalabog ng puso ko sa malambing na galaw ng malalambot na labi niya. Tila nagkakarerahan at nag-uunahan sa pagbagsak dahil tila rin nanunukso ang marahan na halik ni Jax. Ngayon lang siya ganito. Sa tuwing hahalikan niya ako para siyang laging nagmamadali. Hindi tulad ngayon na para bang ninanamnam niya at nilalasahan ng mabuti ang mga labi ko. Pumikit ako at natatakot kung gaano ako kabilis nahulog sa kanya. Para akong ulan na isang mabigat na tubig sa ulap at hindi na napigilang bumulusok pabagsak. Kinabig niya ako hanggang sa bumunggo ang katawan ko sa kanya. Paunti unti, mas bumibilis at nagiging mapaghanap ang halik niya. Para bang nakapagpadesperado sa kanya ang hindi ko pagtugon. Ginamit niya ang kanyang ngipin upang hilahin ang ibabang labi ko at mapaghiwalay. Nang maibuka niya ang mga labi ko ay mabilis kong naramdaman ang pagpasok ng dila niya sa loob ng aking bibig. Ginalugad niya ng dila ang buong bibig ko at pinaglaruan ang aking dila. Ang init no'n ay kabaligtaran ng nararamdaman ko. Gusto ko na ayaw ko. Susundin ko ba ang gusto ko at hahayaan na lang kung anong kalalabasan o pipigilan ko bago pa ako mapaglaruan ni Jax? Nahihirapan akong pumili habang hinahalikan niya ako. Ngunit sa huli ay mas nanaig ang respeto ko sa aking sarili at nagpasiya na hindi tumugon. "Clementine..." bulong niya sa labi ko. Umungol siya at gigil na kinagat ang aking ibabang labi. Sandali niya pang pinagpatuloy ang maalab niyang halik bago niya binigyan ng oras na huminga ang sarili at matitigan ako. Dahan dahan ay lumayo ang kanyang mukha. Habol niya ang kanyang paghinga at nakapikit. Marahan siyang dumilat. Sa labi ko unang tumama ang kanyang mga mata. Nang umangat ay nabigla siya at bahagyang nanlaki ang namumungay na mga mata nang makitang dilat ako at walang emosyon sa kabila ng nakapanghihinang halik niya. "Tapos ka na? Titigil ka na?" walang pagbabago, malamig ang boses ko. Bumuka ang mapupula at basang mga labi niya. Ang mga mata ay puno ng pagtataka. Napakurap siya ngunit hindi ako binitawan. Itinikom niya ang kanyang mga labi at napalunok. Pansin ko ang pagngalit ng kanyang mga ngipin. Tumigas ang kanyang anyo at kuyom ang mga pangang nagsalita. "I'm not done... I'll be done once you kiss me back..." Hindi siya naghintay na makaangal ako. Muli niyang ibinaba ang kanyang mukha upang balikan ang mga labi ko. Walang kahit anong lambing doon kundi pagiging marahas na lang at pagiging desperado. "Jax..." itinulak ko siya subalit pinigilan niya ang mga kamay ko. Hinuli niya ang magkabilang pulsuhan ko gamit ang kanyang isang kamay at hindi tinigilan ang labi ko. Sinusundan niya iyon sa tuwing ilalayo ko. "Jax! Ano ba!" nagtagumpay akong maitulak siya. Nabitawan niya ako at doon ko pa lang nakita na namumula ang mga mata niya. Sunod sunod siyang umiling at lumapit sa akin. Ang isang kamay niya'y halos bumaon ang mga daliri sa aking braso. Ang isa pang kamay niya'y humaplos sa aking pisngi. Animo'y sa magkaibang emosyon nakadepende ang mga kamay niya. Ang nasa braso ko ay galit ang hawak sa akin. Samantalang ang kamay niyang nasa pisngi ko ay halos takot akong masaktan sa sobrang gaan ng haplos. Napaiwas ako ng tingin nang mabasa ang pagmamakaawa sa mga mata niya. "What's wrong? Hmm? Why don't you kiss me back? I know you want this... Naramdaman ko iyon..." Sinambit niya ang pangalan ko at sinubukang hulihin ang aking mga mata. Nag-iwas ulit ako ng tingin nang mahuli niya iyon. Bakit kung kailan gusto ko siyang layuan saka siya naging ganito kalambing? "One more, please... I have to kiss you more... Or maybe kissing isn't enough? Do I have to touch you?" Marahas akong umiling dahil kung gagawin niya iyon nasisiguro kong matutunaw na ang binuo kong galit. Itinulak ko siya sa dibdib palayo at hinarap. Parehas kaming mabilis ang paghinga. Nasa mga mata niyang hindi niya ako maintindihan habang pinipilit kong magalit sa kanya. "Ang sabi mo titigil ka na?! Wala kang isang salita?! Tigilan mo na ako, Jax!" Bago pa niya ako ulit mapigilan sa braso, tumakbo na ako palabas sa faculty room. Narinig ko ang sunod sunod na pagmumura niya na tinalo ang malakas na ulan. Sumasabay sa malakas na kulog ang malakas niyang pagtawag sa pangalan ko. Tuluyan nang bumagsak ang luha ko at humalo sa tubig ulan. Kahit hindi ko siya lingunin alam kong basang basa na rin siya. Wala akong makita sa sobrang lakas ng ulan subalit patuloy ako sa pagtakbo. Gusto ko lang na makalayo ako sa kanya at tahimik na hinihiling na sana'y lunurin na ng malakas na ulan ang nararamdaman ko. Nakalabas ako sa arc na walang nakasalubong kahit isang tao. Hindi ko alam kung gaano na kami kalayo sa school nang mahabol niya ako. Napapikit ako nang hatakin niya ako sa bewang. Mabilis na bumalot sa akin ang init ng yakap niya mula sa aking likod. "Please stop! You don't have to avoid me! If you don't want us to do that, we can just kiss and make out! I promise I won't ask you more than that!" Pasigaw ang boses niya at sinisiguradong maririnig ko sa gitna ng maingay na buhos ng ulan. Umiling ako at mariing kinagat ang ibabang labi. Ang dalawa kong kamay ay nasa braso niya, pilit kong kinakalas iyon. Subalit para akong nakakadena at nakakandado sa matikas na braso niya. "Ayoko nang makipaghalikan sayo! Ayoko na ng make out! Layuan mo na lang ako!" "Bakit? Kung ayaw mo, okay lang. Just please talk to me and stop being angry." Umiling ako at pilit ulit na kumawala kahit imposibleng makatakas sa yakap niya. "Ang sabi mo titigil ka?! Sinungaling ka pala?! Sabagay! Kaya nga nakipagkita ka kay Miss Abadiano at ginawa niyo iyon dahil sinungaling ka!" Matagal siyang hindi umimik. Lalo akong nasaktan sa pagtahimik niya. Nang luwagan niya ang yakap sa akin ay sinubukan kong kumawala ngunit bago pa iyon ay muli na niyang hinigpitan ang pagkulong sa akin. Matigas siyang nagmura at kahit malamig ay ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa batok ko. "Hindi ba pwedeng kalimutan na lang natin iyon? Matagal na iyon-" "Matagal na?! Sinungaling ka! Nakita ko kayo kaya hindi kita pinuntahan! Ang kapal ng mukha mo na yayain ako! Katatapos mo lang sa kanya 'tapos gusto mo rin gawin sa akin iyon?!" Wala ulit akong narinig mula sa kanya. Hindi niya ba inasahan na malalaman ko iyon? Akala niya makakalusot? Akala niya hindi ko sila makikita? "Oh f**k!" sigaw niya na parang may napagtanto. "What the f**k are you talking about, Clementine?!" "Nakita ko kayong nagpunta sa building! Kung hindi ako maagang nagpunta hindi ko pa malalaman! Ganyan ka ba kahilig?! Nagagawa mo iyon ng maraming beses sa iba't ibang babae sa loob lang ng isang araw?!" I punched his arm and tried to get out of his grasp. Nanginginig ang mga labi ko dahil sa pag-iyak at lamig ng ulan. Kahit anong tangka ko hindi niya ako pinapakawalan. "Damn..." Tumama ang mainit na hininga niya sa aking leeg nang magsumisiksik ang basang mukha niya sa leeg ko. "Shit... That's your reason? Kaya iniiwasan mo ako?" Suminghap ako at humikbi. Hindi ko na nagawang sumagot. Umiiyak na lang ako. Nagugulat ako sa sarili ko. Ni minsan hindi ako umiyak. Hindi ako mabilis magdamdam. Marahan siyang nagmura at mas niyakap ako. "And why the f**k* are you crying?" Nagmura ulit siya at nagpatuloy. "Do you like me now, Clementine? Are you jealous? Inakala mong may nangyari sa amin kaya ayaw mo na? Iyon ba ang dahilan, huh?" "Bitiwan mo ako!" "I won't until you admit that you like me too! Dahil ako, gustong gusto kita-" "Huwag ka nang magsinungaling!" "I told you I'm not lying! Damn it! I don't think I'm capable of liking someone but I did! Nagagandahan na ako sayo noon pa! But I just realized now that I like you! That I want you, Clementine!" Suminghap ako at niyuko ang braso niyang mahigpit ang yakap sa bewang ko. Sigurado akong bumabagsak ang masaganang luha ko roon subalit hindi ko nakikita dahil nahahaluan na iyon ng tubig ulan. Naramdaman ko ang pagdiin ng kanyang labi sa aking leeg. Ramdam ko ang init at lambot no'n kahit malamig dito sa labas. "I want you so much believe me... Kung nag-aalala ka na gagawin ko iyon sa iba, hindi ko gagawin iyon. Matagal ko na iyon na hindi ginagawa. 'Yung mga nakita mo, huli na iyon." "Hindi ako naniniwala..." nanginig ang boses ko at bahagyang pumiyok. Mahina pa rin akong humihikbi subalit tumigil na ako sa pag-iyak. Hindi na rin ako pumapalag at hinayaan ko siya nang iikot niya ako paharap sa kanya. Ikinulong niya ang magkabilang pisngi ko gamit ang kanyang malalaki at magagaspang na mga kamay. I couldn’t look at him but when he lifted my face our eyes met. Napatingin siya sa bahagyang nakabuka kong mga labi at nang ibalik sa aking mga mata ay maraming emosyon na ang nakapaloob doon. Namumungay at kahit bumabagsak mula sa mahahabang pilik mata niya ang tubig ulan ay halos hindi siya kumurap para matitigan ako. "Hindi iyon katulad ng iniisip mo. Nag-usap lang kami." Humikbi ako at umiling. Dinudungaw niya ako at hinayaan kong makita niya ang namamagang mga mata ko dahil sa pag-iyak. "Kung nag-usap lang kayo bakit sa parehong building mo siya dinala?" Hindi ko alam kung bakit siya ngumisi kahit umiiyak na ako sa harapan niya. Kinagat niya ng mariin ang ibabang labi niya bago sumagot. "She ask me five minutes to talk. Napaaga ako kaya akala ko mamaya ka pa darating. Hindi ko alam na gusto niya pala na may mangyari sa amin kaya doon niya piniling makipag-usap. Tinanggihan ko siya at bumalik ako kung saan tayo dapat magkikita." "Walang nangyari sa inyo?" Nangingiti siyang umiling. "Wala. Walang nangyari dahil sayo ko iyon gustong gawin." Kumurap ako nang may dumaan na tubig ulan sa mata ko. Tinitigan ko siya. Hinihintay niya kung ano ang susunod na reaksyon ko. "Bakit sa akin mo lang gustong gawin iyon? Dahil gusto mo ako?" Tumango siya. Napalabi siya dahil sa pagpipigil ng malaking ngisi. Bumabagsak ang tubig ulan sa aming mukha. Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata. Kahit nabasa ng ulan hindi maipagkakailang sobrang gandang lalaki niya. Samantalang ako, hindi ko na alam kung anong itsura ko. "Paano? Hindi ako naniniwala." Hindi ako makapaniwala na magugustuhan niya ako. Mahirap lang ako at sa mga nakita kong babae niya'y kabaligtaran ako ng mga iyon. Sobrang dami niyang babae na nakilala. Sa party palang ni Levi ang dami na niyang pagpipilian kaya paanong ako ang magugustuhan niya? "Maniwala ka na simula ngayon. Dahil nagsasabi ako ng totoo na gusto kita..." Pagkasabi no'n ay ibinaba niya ang kanyang mukha upang alayan ako ng mapusok na halik. Ang dalawang kamay ko ay kinuha niya at iniyakap sa kanyang leeg. Pumikit ako. Nang humalik ako pabalik, malakas siyang nagmura. Naging mapusok ang galaw ng aming mga labi. "Damn..." Mura niya at tumigil sa paghalik. Pinagdikit niya ang mga noo namin. Kapwa kami nakapikit at awang ang mga labi. Humahampas sa mukha ko ang mainit at mabango niyang hininga. "I always wonder what your lips taste like. Now that I have tasted it many times and you kissed me back, there is no doubt that your lips are the most sweetest and softest lips I have kissed... So please Clementine I'm begging you... Please tell me you like me." Nanginig ang labi ko hindi sa lamig kundi dahil inaamin ko. Noong unang beses ko siyang makita sa mansyon nila'y may kakaibang hatid na sa akin. Kung hindi niya natalsikan ng putik ang damit ko at kung hindi tinanggihan ang pagkain na niluto ni nanay noon siguro'y isa ako sa mga nagpapantasya na mapansin niya. Mahina akong tumango. "Gusto kita Jax... Gusto rin kita." Dumilat ako at nahuli ang ngisi niya. Nakadilat pala siya at nakatitig sa akin. Sinasalamin ng mga mata namin ang parehong emosyon. "Gusto mo ako?" Tumaas ang kilay niya't nagpipigil ng ngiti. Nag-init ang pisngi ko. Nakakaisang tango pa lang ako'y hinuli na niya ang labi ko. Sa gitna ng malamig na tubig ulan at tumututol na kalangitan tuluyan na akong magpapaubaya. Tinupok at nilamon ako ng init ng halik niya. Naamin ko na sa kanya at sa sarili ko na gusto ko siya kaya wala nang dahilan para hindi ko isuko ang sarili ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD