"Pasensya na po," hinging paumanhin ko sa librarian pagkatapos kong itayo ang upuan na sinipa ni Jax.
Hindi na rin ako nagtagal. Naghakot na ako ng mga gamit dahil wala na rin naman pumapasok sa isip ko at hindi ko na ito maitutuloy pagkatapos ng naging usapan namin ni Jax.
Nagsinungaling ako dahil wala naman akong balak kay Harry at lalo naman sa pinsan niya. Naalala ko nga lang iyon nang makita ko siyang kumain ng pagkain na tinanggihan niya noon kay nanay.
Hindi ko naabutan si Jax sa labas pero nang mapatanaw ako sa ibaba nakita kong nag-aabang doon si Miss Abadiano. Kanina pa lumabas si Jax dahil sinadya kong bagalan ang pag aayos ng gamit. Kung kikitain niya ang guro dapat kanina pa siya nandiyan. Napailing ako. Nagbuga ng hangin at nagpatuloy sa paglalakad para makauwi.
"Nagkaproblema sila sa mga soccer player. Hindi maisasali sa gaganaping event sa Manila," kabababa pa lang ng bag ni Irene kinaumagahan iyon na ang bungad niya.
Hinila niya ang kanyang upuan. Ganoon rin si Cathy. Nakapaikot na ngayon ang mga upuan namin. Hindi pa naman nagsisimula ang klase at kalat kalat pa ang mga upuan ng mga kaklase namin. Maingay at abala sa tsismisan ang lahat mapababae man o lalaki.
Ako lang yata ang nag-iisa sa loob ng classroom na nagbabasa bilang advance study. Kaparehas sa tuwing nag-uusap sila. Nakayuko lang ako at kahit hindi ko naman gustuhin na makinig, wala akong magagawa dahil nasa gitna nila ako ni Cathy.
"Nagalit ba si coach Roiland?"
"Hindi magagalit iyon kay Jax! Manghihinayang, pwede pa! Sayang talaga! Gusto ko pa naman manuod! Pero kung hindi maglalaro si Jax, hindi na lang din ako sasama sa Manila!"
Sabay kaming natawa ni Cathy. Naiwan ang ngisi sa labi ko nang sulyapan ko siya. Nagbaba ako ng tingin at bumalik sa pagbabasa. Alam kong pareho kami ng nasa isip ni Cathy kaya hinayaan ko na na siya na ang magsatinig.
"Hindi ka sasama? Bakit ka pa sumasali sa praktis ng cheering squad? Kayo nga ang may free rides papuntang Manila dahil kayo ang taga cheer sa basketball at soccer team!"
Sumimangot si Irene. Hindi ako sigurado kung seryoso siya sa sinabi niyang hindi siya sasama at sasayaw kung hindi makakasama sila Jax. Bagsak ang balikat niya at malungkot ang mukha.
"Kaya nga sana mapapayag nila si Jax!"
Tamad na nagpangalumbaba si Cathy at mahinang pumalatak.
"Mas mabuti na rin na hindi. Kahit naman makasali sila sigurado akong disqualified kaagad ang team niya."
Muli nilang nakuha ang kuryusidad ko. Nasa libro ang kamay ko subalit na kay Cathy na ang mga mata ko. Medyo na-curious ako kung bakit niya nasabi iyon. Kaya nang magtanong si Irene, nakatitig lang ako sa kanya at naghintay rin sa isasagot niya.
"Bakit?"
Salitan niya kaming tinignan ni Irene. Bahagyang hinahangin ang buhok ko dahil sa ceiling fan na nakatutok sa amin. Ibinitaw ko ang isang kamay sa libro at hinuli ang aking buhok upang ipunin sa aking kaliwang balikat.
"Nag-aaral si Kuya sa Manila. Nabanggit niyang marumi maglaro ang dapat na makakalaban nila Jax. Mapapaaway lang iyan sa loob ng pitch. Kapag nangyari iyon, talo agad."
Hindi ko inalis ang tingin sa kanya dahil kahit ako'y kumbinsido na mapapaaway nga si Jax. Na-imagine ko nang maitutulak siya ng kalaban, sadya man o hindi nasisiguro kong mapapaaway talaga siya.
"Palagi mo na lang jina-judge si Jaxsen! Hindi mo pa nga siya nakitang maglaro sa totoong game!"
"Nagsasabi lang ako ng totoo, Irene. Sa loob at labas nga lang ng school palaging napapaaway. Hindi ba't nito lang muntik na ngang makulong iyan? Kung hindi mayaman iyan sigurado akong ipapakulong iyan ng Mayor kahit pa sabihing tatakbo iyan ngayong halalan. Dahilan na lang iyon ng Mayor dahil kahit pa sabihing Mayor siya, mas mayaman pa rin ang mga Valiente at Dawson sa kanya."
Ayaw pumayag ni Irene. Panay iling niya habang nagsasalita si Cathy.
"Hindi naman siguro siya mapapaaway-"
"Hindi mapapaaway? Mabunggo nga lang iyan sa balikat napapaaway na! Paano pa kaya kung pagtutulungan siya? Siya ang pinaka magaling maglaro sa kanila bukod sa siya rin ang team captain kaya siya ang pupuntiryahin! Kung ako ang coach nila, ang gagawin kong captain ay 'yong hindi mainitin ang ulo para malaki ang pag-asang manalo!"
"Eh 'di mag-coach ka na lang! Huwag ka na mag-aral!"
Kanina pa pinag-uusapan ng mga kaklase ko. Pagkaupo sa tabi ko nina Irene at Cathy iyon din ang topic nilang dalawa. Ngayon nga, nagsisimula na naman silang magtalo at mag-away. Ang narinig ko'y tinanggihan ni Jax ang coach nang alukin siya nitong mamuno sa mga kagrupo niya sa paparating na multi sports events na gaganapin sa Manila. Hindi siya mapilit dahil ayon sa coach. Ang sabi raw ni Jax, kapag ayaw niya, ayaw niya.
Marami naman pwedeng pumalit na team captain pero mas nakikinig kasi sa kanya ang mga kagrupo niya at mas takot ang mga ito dito. Hindi tuloy masimulan ang ensayo at wala pang maipanlalaban ang school namin dahil nga ayaw ni Jax. Sa track and field, basketball, at swimming competition mayroon na silang mailalaban. Sa soccer na lang ang wala.
Nanghihinayang ang coach nila dahil ngayon lang maisasali ang soccer sa patimpalak, hindi pa matutuloy. Hindi man lang naisip ni Jax na kung para sa kanya ay aksaya lang iyon ng oras, para sa mga coach, guro, estudyante, at sa buong school malaking bagay iyon. Makasarili talaga at hindi iniisip ang ibang tao. Tama bang isagot na kung ayaw niya, ayaw niya? Dahilan lang iyan ng mga laki sa layaw na batang hindi mapakiusapan!
Habang nagtatalo ang dalawa, natahimik ako. Lumilipad ang isip ko sa huling caption ni Jax sa pinadala niyang litrato. Gusto ko sanang basahin ulit kaya lang binura ko na iyon. Nahihirapan akong maniwala sa sinabi niyang gusto niya ako. Paano kung lahat ng mga babae niya sinabihan niya no'n? Nasaan sila ngayon? Hayun sila at umiiyak. Mga naghahabol.
Pinilit kong gawin normal ulit ang araw katulad noong hindi ko pa nakakasama si Jax. Katulad noong hindi niya pa ako nahahalikan at hindi pa nahahawakan. Subalit mahirap pa lang gawin na magkunwari lalo at sa iisang school kami nag-aaral. Malaki man ang mundo, maliit pa rin ang mundo na ginagalawan namin sa ngayon.
Nasa isang puno kami malapit sa field. Hinahagad kami sa praktis lalo at mayroon pa rin nagkakamali. Nalalapit na ang patimpalak sa Manila at hindi iyon nagugustuhan ng nagtuturo sa amin. Pulit ulit kami.
Nakatukod ang mga kamay ko sa aking tuhod. Nakabaluktot ang katawan at hinahabol ang hininga matapos ang huling set. Pawis na pawis ako at hindi nakapagdala ng sariling tubig. Kaya naman nang matanaw ko si Harry na nautusan kong bumili ng tubig at pahiramin ako ng pamunas niya'y tila siya nagdilang anghel dahil sumaktong dumating siya kung kailan kailangan ko iyon.
Malaki ang ngiting patakbo ko siyang sinalubong. Mabilis kong inagaw ang hawak niyang tubig. Pinunasan niya ang pawis ko habang umiinom ako. Nagtataka ko siyang tiningnan na tinawanan niya lang.
"Gusto ko lang asarin si Jax. Ang sama ng tingin sa akin. Ano bang sinabi mo diyan at parang gusto akong patayin?"
"Harry-"
"Kahit hindi ka magsalita. Pansin kong may namamagitan sa inyong dalawa. Hindi ako magtatanong kung ano dahil sarili mong buhay iyan at may sarili kang desisyon."
Ngumiti siya at iniwan ang puti niyang pamunas sa ibabaw ng ulo ko. Bahagya siyang yumuko palapit sa akin na ikinasimangot ko.
"Bilang mas matanda ako ng ilang buwan sayo. Gusto ko lang sabihin sayo na sana alam mo ang ginagawa mo. Laking Manila at Ireland iyan. They weren't conservative unlike us. He's not innocent in terms of being in a relationship like you. Ayokong masaktan ka dahil nakababatang kapatid na ang tingin ko sayo. Kaya kung gusto mo siya-"
"Hindi ko siya gusto!"
Nag-iwas ako ng tingin. Hindi sadyang napatingin ako sa field. Naroon si Jax at nakaupo sa pinaka mababang bleacher. Malaking nakabuka ang mga hita. Pinapaikot niya ang bola sa hintuturo niyang daliri. Masama ang tingin niya sa direksyon namin ni Harry. Pairap akong nag-iwas at muling bumaling sa kaharap.
"Nadala mo na ang pinabili ko! Kung wala ka nang kailangan umalis ka na rito!"
Tinawanan niya ako at pabirong pinanliliitan ng mga mata. Sunod niyang ginawa'y inangat ang kanyang isang kamay upang guluhin ang buhok ko.
"Sige. Hindi mo na siya gusto. Dito muna ako at manunuod ako," sabay akbay sa akin. Halos masakal ako sa malaki niyang braso habang tinatawanan niya.
Hindi niya ako binitawan kahit nakalapit na kami sa mga kagrupo ko. Nanatili ang akbay niya. Ang isang braso ko'y inikot ko na rin sa ibaba ng kanyang likod papunta sa bewang. Sabay naming pinapanuod ang choreographer na pagalitan si Irene at dalawa pa sa mga kasamahan ko. Sila ang kanina pang nagkakamali kanina. Sila muna ang tinuturuan sa ngayon para kapag isinalang ulit kaming lahat mamaya, wala nang magkakamali.
Pare pareho kasi kaming napapagod dahil sa tuwing magkakamali ang isa, damay lahat. Mahangin dito sa labas lalo't katabi pa ang puno. Nasa lilim kami kaya't hindi maaarawan subalit dahil sa walang tigil na pagsayaw, pawis na pawis ako kanina.
"Magluluto ba si Tita Caroline?"
Natatawa kong tiningala si Harry. Saglit akong nag-isip bago umiling.
"Hindi ko alam," iling ko at muling bumalik sa panunuod kina Irene.
Sinisigawan ng nagtuturo si Irene. Namumula na ito sa hiya at napapatingin sa field kung nasaan ang mga lalaki. Kailangang alisin niya iyang pagiging conscious niya. Kung hindi mawawala iyan baka madala niya sa actual performance.
"Aray!" nawala ako sa pag-iisip sa magiging performance ni Irene nang may tumamang bola sa aking ulo.
Medyo malakas iyon pero hindi naman ganoon kasakit. Nakakagulat nga lang na may biglaan na lang lilipad na bola papunta sa gawi namin. Oo't malapit ang field pero imposible naman na tumagos ang bola kung mayroong bakod.
Nabitawan ako ni Harry at napalayo ako sa kanya. Pag ikot ko'y nasa likod ko na ang bolang hawak kanina ni Jax. Nag-angat ako ng tingin para lang makita siyang nakahawak na ang kamay sa chain link fence. Nakalusot doon ang mga daliri niya. Ang madilim niyang mga mata'y nakatutok sa akin.
"Give me back my ball, Clementine."
Nagsalubong ang mga kilay ko sa paraan ng pag-utos niya. Lumagpas ang tingin ko sa kanya at tinignan ang mga kagrupo niyang naglalaro rin ng bola. Kahit malakas pa ang pagsipa at gawing pag-goal, kung hindi sasadyain hindi lalabas ang bola dito. Sumakto pa talaga sa ulo ko?! Ibinalik ko sa kanya ang mga mata. Matigas na ngayon ang ibinalik kong tingin sa kanya. Nagtaas ako ng kilay at pinag-krus ang mga braso.
"Bakit ako ang magbabalik? Ikaw ang bumato rito kaya ikaw din ang kumuha!" may kalakasang saad ko na kumuha sa atensyon ng mga kasama ko.
Alam naman nilang hindi kami nagkakasundo. Normal na sa kanilang makitang nagtatalo kami. Kaya lang, napagtanto ko, paano kung lumapit siya dito at may kung anong masabi? Umangat ang gilid ng labi ni Jax at mukhang napansin na natigilan ako. Alam na ang nasa isip ko.
"Sure," ngumisi siya at umambang tatayo ng tuwid. "Ako na ang kukuha-"
Yumuko na ako at nagmamadaling dinakot ang bola bago pa niya gawin. Pumikit ako ng mariin. Huminga ng malalim at dumiretso ng tayo pagkahawak sa bola. Tiim labi ko siyang tinignan bago tinakbo ang distansyang nakapagitan sa amin. Tumigil ako sa tapat niya. Nagkatinginan kami. Itinaas ko ang dalawang kamay. Nakapaloob doon ang bola at sinubukan kong ihagis upang lumipat sa loob. Hindi iyon pumasok dahil sumabit sa bakod. Pagkasalo ko no'n, nagsalita si Jax.
"Anong pinag-uusapan niyo?"
Hindi ko siya matitigan sa mata. Sa halip ay ginawa kong dahilan ang bola upang hindi ko na kailangan na tumingin sa mga mata niya.
"Nino?" tanong ko kahit alam ko naman kung sinong tinutukoy niya.
"Bakit nakaakbay sayo iyon? Hindi magandang tignan ang gano'n kahit pa magkaibigan kayo."
Dahil tunog galit ang boses niya hindi ko na naiwasang bigyan siya kahit isang sulyap. Nais ko lang makita ang reaksyon niya. Tumugma iyon sa boses niyang galit at malamig. Salubong ang makakapal na kilay. Mariin ang titig sa akin na kasing riin ng pagkakasara ng kanyang mga labi.
"Hindi magandang tignan? We have done more than that, Jax. Ni hindi kita kaibigan-"
"You are not my friend because I don't want to be your friend. Friends don't kiss... Don't finger fuck."
Napalunok ako sa sinabi niya. Hindi ako nagsalita at sinubukan ulit na ihagis ang bola. Sumabit na naman iyon at muling bumalik sa mga kamay ko. Bakit ang hirap ipasok nito? Sa tuwing nanunuod ako ng basketball parang ang dali lang naman mag-shoot.
"Mag-usap tayo. Hindi tayo nagkaintindihan. Kung ayaw mo, hindi kita pipilitin. Pwede naman nating hindi gawin iyon."
Hindi ko nasalo ang bola at nalaglag sa madamong parte dahil nanigas ang mga kamay ko at nagulat sa sinabi niya. Anong sabi niya? Okay lang sa kanya na hindi namin gawin iyon? Bakit? Sa iba niya gagawin? Napakurap ako nang biglang manariwa sa balintanaw ko ang mga naalalang naganap sa kanila ng mga babae niya. He's right! Just because I refused doesn't mean he can't do that to his other women! I'm not the only hole he can enter! Marami sila! Marami siyang pagpipilian kahit hindi ako pumayag!
Nagngingitngit akong umiwas ng tingin at nagsisimula nang manikip ang dibdib. Yumuko ako para kunin ang bola at nang sa ganoon ay maitago ko rin ang pag-iinit ng aking mga mata. Gusto ko siyang iwasan dahil may kakaiba akong nararamdaman. Gusto kong maiwasan iyon na lumala ngunit kung magpapatuloy siya paano ko pa i-iiwas ang sarili ko sa kanya?
Bahagyang nanginig ang mga kamay ko. Natatakot at nanghihina kapag ganitong malapit at naaamoy ko siya. I feel like a hungry therianthrope who can shapeshift into a wolf. It was as if I badly want to grab him because he was the mate moon goddess chose for me.
"I'll pick you up at your room-"
"Magsasayang ka lang ng oras. Hindi kita gustong makausap," pinanatili kong malamig ang boses na sinamahan ng pag-iling.
Bago ko pa maihagis ulit sa kabila ang bola, may umagaw na no'n sa aking kamay. Nasa likod ko si Harry. Isang hagis niya lang gamit ang isang kamay, pumasok iyon sa loob.
"Halika na? Sabay na tayong umuwi?"
Inakbayan niya ako sa harapan mismo ni Jax. Hindi ko na inabalang tignan ang reaksyon niya at tahimik na tumango kay Harry bilang hudyat na maaari na niya akong hilahin paalis sa harapan ni Jax. Kinailangan ko ang tulong niya dahil hindi ko maihakbang palayo ang aking mga paa.
"May klase ka pa?" si Harry nang makalayo kami kay Jax.
"Mayroon pang isa. Magpapalit pa ako ng damit at ipapasa ang research kay Mrs. Emboltura. Mauna ka na. Huwag mo na akong hintayin."
"Baka kulitin ka ni Jax?"
Matamlay akong umiling. Nanghihina ako kahit sa maikling pag-uusap lang namin.
"Hindi iyan. Wala na silang klase at uuwi na rin iyan maya maya."
Sa huli, sumuko ang baklang nagtuturo kila Irene at inihayag na ipagpabukas na lang. Mabilis akong nagpalit ng damit sa takot na maulit ang isang beses na pagpasok ni Jax dito at maabutan akong nagbibihis.
Pagkarating sa klase, lutang ako. Mabuti na lang at nakaugalian ko ang advance study kaya't hindi ako mapapahiya sa klase kahit hindi ako makinig. Nasilip ko ang bintana sa pagtunog ng malakas na dagundong na nagmumula sa langit. Makulimlim at panaka-naka ang pagkulog. Napanguso ako at napatingin sa folder na nasa desk ko. Pagkatapos ng klase'y kailangan ko itong idaan sa faculty lounge upang maipasa kay Mrs. Emboltura.
Bakit ba sunod sunod ang bagyo ngayon? Naapektuhan na ang unang pananim nila tatay dahil na nakaraang pagbaha. Ngayon, may paparating na naman yatang delubyo. Kung hindi paghahandaan, masaklap na naman ang kasasapitan.
"I'm really sorry, Clementine. Ikaw na ang magpasa ha? Babawi ako sayo!"
Nagmamadali si Heart at napapangiwi sa hiya dahil naiisip na abala sa akin ang pagpasa ng group project namin. Samantalang si Irene, walang hiyang lumabas na lang basta basta sa kwarto sa takot na magpasama ako at matagalan siya sa pag-uwi.
"Oo, ako nang bahala. Hindi naman ito mabigat at kayang kaya ko buhatin mag-isa," ngumiti ako. Nagpaalam siya at kumuway pa pagkarating sa pinto saka tuluyang lumabas.
Huling sulyap sa labas upang sipatin ng tingin ang isang gumuhit na kidlat kasabay ng maingay na kulog. The skies were dark and scary. Nagmistulang sumisigaw ang nilalamon ng dilim na kalangitan. Tila galit na kalikasan.
Nagpaalam ako sa ilang mga kaklase na naghihintay ng mga sundo bago ako nagdesisyon na mag-ayos na rin ng gamit para tumulak na sa faculty. Baka maiwanan pa ako ni Mrs. Emboltura at hindi ko pa maipasa ito. Ayokong umabuso dahil lang napagbigyan ako.
Nakakasalubong ko ang mga estudyanteng pauwi na. Palabas sila samantalang papasok ako sa building kung nasaan ang workroom. Kung hindi lang nagsabi si Mrs. Emboltura na late siyang uuwi at naroon siya ng ganitong oras, iisipin kong maging ang mga guro'y nakauwi na. Panay kasi ang bati ko sa tuwing may makakasalubong. Puro sila nagmamadali sa takot na maabutan ng ulan.
Tumingala ako at pagharap muli sa harapa'y nagmadali na ring maglakad. Tatlong katok sa pinto ng faculty lounge ay nakahinga ako ng maluwag nang marinig ang boses ni Ma'am na pinapapasok ako. Nag-aayos siya ng mga papel na tambak sa kanyang lamesa nang pumasok ako. Yakap ko ang folder at parang nahiya naman akong istorbohin siya sa dami ng ginagawa niya.
Ngumiti siya sa akin at itinuro ang isang lamesa para isenyas na ilapag ko na lang doon ang ipapasa ko. Ginawa ko ang sinabi niya. Marahan kong inilapag ang folder sa katabi ng lamesang puno ng papel. Nagkatinginan kami nang mapansin na hindi pa ako lumalabas.
"Yes, Miss Alvarina? Do you still need anything?" maliit ang ngiti niya ngunit hindi maitagal ang tingin sa akin dahil sa inaasikasong papel.
"Wala na po. Ano pong ginagawa niyo Ma'am?" sabay lapit sa lamesa niya.
"Naipagsama sama ko ang mga group projects. Nahirapan tuloy akong ayusin dahil nagkalaglag sa folder nang iwan ko kanina para mag-break."
Problemado ang boses niya kaya hindi na ako nagdalawang isip na lumapit upang mag-alok ng mga kamay.
"Tulungan ko na po kayo Ma'am."
"Naku! Huwag na! Anong oras na at baka maabutan ka pa ng ulan!"
Panay tanggi niya subalit wala naman nagawa nang tumulong ako. Hindi ko kayang umuwi at iwan ang guro ng ganito. Kung uuwi ako hindi ako mapapakali at hindi maiaalis na itanong sa sarili kung tapos na siya sa pag-aayos. Mahirap ang maging guro at nakaka-drain ng lakas.
Hindi ko alam kung tama ako subalit para sa akin ito ang profession na isa sa pinaka mahirap. Kadalasan, kung ano ang mahirap na trabaho, iyon pa ang mababa ang sahod. May pagkakataon na napapagastos pa sila sa mga school supplies at kahit bakasyon ay nag-aaral para may maayos na maituro sa susunod na pasukan.
Natitigilan ako sa tuwing napapalingon sa cellphone ni Ma'am na hindi matigil sa pag-ilaw. Inabot na rin kami ng halos isang oras. Kanina lang, nagsimula na ring bumuhos ang ulan. Nakaupo kami sa magkabilang side ng lamesa. Kahit hindi ako magtanong alam kong asawa niya ang tumatawag.
"Kaonti na lang po ito. Ako na po dito, Ma'am-"
"Hindi na," nahihiyang putol niya. "Bukas ko na lang ito ng maaga aayusin. Anong oras na at baka hanapin ka na ng magulang mo."
"Magpapasundo na lang po ako kay tatay," sabi ko na lang kahit ang totoo, balak kong umuwi mag-isa.
Hindi pa naman gabi at sadyang makulimlim lang ang langit. Mas late pa nga rito ang uwi ng mga estudyante minsan. May ilang mga nagp-praktis at tumatambay. Kapag ganitong makulimlim lang at may bagyong paparating saka lang maagang nasisimot ang mga mag-aaral.
"Sigurado ka ba?" may pag-aalalang tanong niya.
"Opo, Ma'am. Malapit lang din po ang bahay namin dito," ngumiti ako para mapanatag siya.
Hinawakan niya ang mga papel at sinukat kung manipis na ba iyon. Kakaonti na lang iyon at baka nga hindi na ako abutin ng labing limang minuto. Kalaunan, napapayag ko siyang iwan na ako. Itinuro niya lang sa akin ang mga appliances na naroon. Mga coffee maker, water cooler, mini-fridge, at iba pa. Inalok niya sa akin na pakialaman ko ang lahat ng iyon kung sakaling mauhaw ako. Ibinilin niya rin ang tungkol sa pagpatay ng mga ilaw bago ako nagawang iwan.
Tama nga ako na hindi na aabutin ng labing limang minuto. Pagtingin ko sa relong nasa pulso, natanto kong wala pang sampong minuto'y natapos na ako. Kumuha ako ng paper cup at uminom habang nagpapahinga. Malakas pa ang ulan at balak ko na rin magpatila ng kaonti.
Hindi pa nangangalahati ang iniinom na tubig nang narinig kong may nagbukas sa pinto. Naibaba ko ang iniinom para harapin ang pumasok. Noong una, naisip kong si Mrs. Emboltura iyon dahil may naiwan. Handa na akong bumati. Kaya lang sa pag-ikot ko, si Jax ang naroon.
Maingay ang buhos ng ulan dahil sa nakabukas ang pinto. Hinayaan niya lang na nakabukas iyon at hindi isinara. Alam kong bakas sa akin ang gulat. Palatandaan na nga ang nanlalaki kong mga mata. Ang hawak na baso'y muntik ko na ring mabitawan.
"A-anong ginagawa mo dito?" nauutal na tanong ko dahil hindi ko inasahan na nandito pa siya at lalong hindi ko inasahan na papasukin niya ako dito sa loob.
Basa ang kanyang buhok at ilang bahagi ng polo, partikular sa mga balikat niya.
"I told you we're going to talk," his tone of voice was even colder than the rain. Kinikilabutan ako at kinailangan ko pang haplusin ang braso gamit ang malayang kamay.
"Sa labas na tayo mag-usap. Kailangan ko nang isara ito," unti unti akong tumatalikod habang sinasabi ko iyon.
Awang ang labi kong itinapon ang hawak na paper cup. Biglang hindi ko alam ang gagawin at maging ang pag-ayos sa gamit at pagpatay sa ilaw, muntik ko nang makalimutan. Hinarap ko siya pagkatapos bumaha ng kadiliman sa kwarto. Bukas ang pinto at makulimlim subalit sapat naman iyon upang makita namin ang isa't isa.
Kahit sa dilim halata ang kalamigan sa mga mata niya nang harapin ko siya. Hindi ko kayang nasa iisang kwarto kami. Kung kakausapin niya ako, gusto ko nasa labas kami para makahinga ako at makapagsalita ng maayos. Galit siya o higit pa sa galit ang itsura nang padabog siyang umalis sa library. Akala ko pagkatapos ng pag-uusap namin sa library, titigilan na niya ako.
Naglikot ang mga mata ko at hindi kayang salubungin ang titig niya. Wala bang darating na guard dito? Para man lang magkaroon kami ng kasama at magkaroon ako ng dahilan na umuwi, palayo sa kanya. Napasuklay ako sa aking buhok na hindi siya tinitignan.
"Sa... Sa labas tayo-"
Naglalakad ako papunta sa pinto habang nagsasalita. Naputol lang nang awatin niya ako sa braso. Kahit hawak niya, hindi ko pa rin siya tinitignan.
"Lend me your lips..."
Nanlaki ang mga mata ko at doon pa lang nagawang igilid ang ulo upang makita siya. Seryoso ang mga mata niya. Ang mga labi niya'y hindi makikitaan ng kahit kaonting pag-angat sa gilid. Mataman siyang nakatitig sa akin na parang binabasa at tinitimbang ang reaksyon ko.
"Lend you? What do you think of my lips? A thing that you can borrow?" napailing ako at naisip na nasisiraan na siya.
"I'll kiss you like we always do. If you don't kiss me back, I'll stop... Kung hindi ka magpapahalik. Hindi kita titigilan... Your choice, Clementime... Because if you ask me. I'll choose both. I'll kiss you and don't stop..."
Umiling ako at kulang na lang mawalan ng malay dahil sa paninikip ng dibdib. Kailangan ko lang naman gawin ay huwag tumugon, hindi ba? Nagawa ko na iyon dati nang una niya akong halikan. Napigilan ko siya noon at hindi ako tumugon. Nakontrol ko ang sarili at naitulak ko siya. Natigilan ako sa pag-iisip nang hatakin niya ako sa braso upang mas mailapit sa kanya.
"Hindi ko na nagugustuhan ang pag-iwas mo. Decide now if you don't want me to take you right here..." inikutan niya ng tingin ang madilim na faculty at bumalik sa akin. "You have no idea how angry I am and I might do something you don't like, Clementine."