"Sir, maayos naman po ang first day shoot ng print ad para sa bagong project, tuwang tuwa nga po ang buong staff dahil di nila akalain na ang famous super model ang gagawa nun." Bungad sakin ni Mike ng makarating ako sa opisina.
"Mabuti kung ganun."
"Bukas po ang final shoot. Ang gagawin nila ay yung couple shots na."
"Wait! Couple shots? May ganun ba sa sinabi ko?"
"Yes sir, yun po ang na approved na plano as per sa pinirmahan nyong concept."
Wala akong Malala na may ganun. s**t!
"Anong oras at san yun gaganapin?"
I need to do something.
MAAYOS naman at masaya ang print ad na ginagawa ko, mababait ang mga kasama ko at lahat sila ay magaang katrabaho. Some of them have a filipino blood, lalo na ang photographer na si Luis. We get along so well. His so sweet like Dean, I wonder what happen if the two of them meet.
"Hey beautiful, our next shot is you with a partner, playing lovesick couple. I think his here already."
"Ok, let's get this started so we can go out early." He invited me and all the staff for a night out after this, since this is our last shoot.
"Im here, Did I keep you waiting for too long?" saad ng baritonong boses na parang pamilyar sakin.
Agad akong napalingon sa nagsalita at ganun na lang ang gulat ko ng makita ang lalaking madalas gumugulo sa isip ko.
"Mister Clarkson, its an honor that you're here to check on our shoot." Agad na bati ni Luis dito.
"Aside from that, Actually im here for the shoot because im gonna be her partner." Sabay turo nito sakin.
"What? no way." Bigla kong nasigaw kaya napatingin sakin ang mga tao.
"Yes way honey." mahina nitong saad at sabay kindat ng makalapit sakin.
"Ganun po ba, hindi po kasi na advice sakin na napalitan ang lalaking model." Sagot ni Luis.
Agad itong bumaling sakin at ipinakilala ang boss.
"Kendra, this our big boss and also gonna be your partner in this shoot, Mr. Stanlee Clarkson"
"Sir, I would like you to meet the famous supermodel and will be the face of our newest condo Miss Kendra Henson."
Gusto ko mang tanggihan ang pakikipag kamay nya, pero ayaw ko namang magmukhang mataray sa lahat ng tao na nasa paligid namin. Of all people, bakit sya pa ang magiging partner ko.
"My pleasure to see you again miss." saad nya ng tanggapin ko ang pakikipag kamay nya.
Ramdam ko na parang may kuryenteng dumaloy sa amin ng magdikit ang aming mga palad. Hindi ko alam kung naramdaman din nya pero humigpit ang pagkakahawak nya sakin habang titig na titig sa mukha ko. Mabilis kong hinila ang kamay ko ng parang wala ata syang balak bitawan ito. Pero kahit anong hila ang gawin ko ay agad nya itong dinala sa mga labi nya at hinalikan pa bago nakakalokong ngumiti sakin.
I can't believe na sya pala ang may ari ng Clarkson Real Estates. Andito ako ngayon at nag aayos para sa unang lay out na kukunan namin. We are going to wear all white long sleeve top & shorts.
"Ang una pong shot na kukunan ko sir ay sa bedroom" explain ni Luis na tila nataranta at mabilis na inihanda ang camerang gagamitin.
"I need you two to sleep in bed then cover just haft your body with comforter then look at each other as really in love couple having a conversation."
"I think its better if she lay her head on my arm while I hug her"
Ang walang hiya at nag suggest pa talaga!
Alam kong couple shots ito pero hindi ko alam bat hindi ako mapakali lalo na at sya ang kasama ko. Sobrang bango nya na halos mawala ako sa sarili habang yakap nya. Sa dami ng kuha namin na puros magkayakap, ramdam kong naninikip ang dibdib ko sa tuwing ang lapit nya sakin. This is the third time that we meet and yet he has this effect on me.
Kahit papano ay natapos nila ng mayos ang unang lay out kahit pa naiilang si Kendra sa prisensya ng binata.
"Now we will do some shots in pool area" sunod na utos sa kanila ni Luis.
Shes gonna wear a two piece red swimsuit.
"Wow! You're making this day hotter" saad ni Luis paglabas ko.
"Coz its summer, I think i need to go on the beach soon."
"I know some list you can choose, or better yet I will bring you there"
"That's a nice idea, I really love going to beaches"
"Just tell me when you're going to be free so we can plan it."
"Magkwekwentuhan nalang ba kayo dyan o magsisimula na tayo?" agaw ni Stanlee sa pansin ng dalawa.
Kanina ko pa sila nakikitang masayang nag uusap na tila ba matagal ng magkakilala. At may plano pa ang lalaking to magyaya sa beach. Tsk! Pakiramdam ko biglang nag init ang ulo ko sa ideyang magkasama silang dalawa lang.
"Pwede ba wag ka nga masyado dumikit sakin at yang kamay mo kung saan saan ata napupunta." Mahina na bulyaw ni Kendra kay Stanlee upang di marinig ng mga tao sa paligid.
"Honey, this is supposed to be a very sweet shots, dapat lang na hawakan kita."
"Stop calling me that, how dare you. The last time I check, hindi ikaw ang dapat kasama ko dito."
"Well, im the boss, I can do everything, especially that it's concern you." Nakangisi nitong sabi.
"And what's that supposed to mean?" Bigla kong lingon sa kanya na kinagulat ko dahil sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko na dahilan ng pagbilis ng t***k ng puso ko.
"I like it when your body is so near to me like this. I wanna kiss you."
Mabilis nitong pinalibot sa bewang ko ang mga kamay nya at lalo pang nilapit ang sarili sa akin. Ramdam ko ang init ng katawan nyang nakadikit sa balat ko habang unti unting bumababa ang mukha nya palapit sa mukha ko. Hindi ko mapigilang mapatingin sa kanyang mga mata, papunta sa kanyang mamula mulang labi.
"That's a nice shot" sigaw ni Luis na umagaw sa pansin nila.
Doon lamang tila nagising ang diwa ni kendra na nasa shoot pala sila, mabilis nyang naitulak palayo si Stan, feeling nya sobrang pula ng mukha nya. Iniisip ko ba na hahalikan nya ulit ako?
Hindi ko man lang napansin na tapos na ang kuha namin sa pool area. Ano bang nangyayari sakin? Mabilis siyang naglakad pabalik sa dressing room.
I can’t believe na muntik ko na naman syang mahalikan, nakalimutan ko na nasa shoot pala kami at maraming tao ang nanonood. Hindi ko kasi napigilan ang sarili ko lalo na at ang lapit lapit nya sakin. Mabuti nalang at tinawag ni Luis ang pansin namin na tapos na pala nya kaming kuhaan at hindi man lang namin namalayan. Saad ni Stanle sa sarili habang naglalakad pasunod sa dalaga.
Pagkatapos ng mga shots ay binigyan sila ng pahinga habang tinitingnan kung ok na ba ang mga kuha nila.
Ilang minuto ang lumipas at sinabi ni Luis na pack up na sila. Halos lahat ay masaya dahil mas maaga silang natapos.