Shes so busy in the upcoming fashion show for her latest bag collection. Nandito sya ngayon sa Paris. Dalawang linggo na sya dito. Iniwan nya sa mga magulang ni Stan ang kambal para makapag bonding ang mga ito. Ang mga magulang naman nya ay bumalik sa America upang bantayan naman ang mga anak ni Kenzo dahil may conference na pinuntahan ang kuya nya at sinama na naman ang asawang si Ericka. Pero dadalo ang mga ito bukas para sa fashion show. Kasama nyang nagpunta dito si Stan dahil nagpumilit ito at ayaw syang payagan kong wala ito sa tabi nya. Napilitan nga lang itong mag punta ng Japan dahil may emergency sa kompanya nito. Hindi nga sana ito pupunta dun pero napilit nya lang at nangako na kahit anong mangyari ay babalik ito bukas para sa fashion show. "Grabe bez, ito na yata ang pinaka

