Dalawang linggo din na nanatili lang si kendra sa silid nya habang nagpapagaling. Hindi sya iniwan ng binata at madalas ay doon ito nagta trabaho. Sobrang bagot nya pero ayaw sya nitong payagang lumabas. Kaya laking gulat nya na ngayong gabi ay yayain na sya nitong lumabas kahit pa gabi na. "Where are we going?" tanong ni Kendra kay Stan ng sunduin sya nito sa silid nya. "It's a surprise honey." "That's why you need to cover my eyes?" "Yeah, dont worry hindi kita papabayaang masaktan." Ilang minuto ang lumipas ng huminto sila. Naririnig nya ang hampas ng mga alon kaya sigurado syang nasa dalampasigan sila. "We're here!" Saad ni Stan at tinanggal na ang mga kamay sa mata nya. Tumambad kay kendra ang napakagandang ayos sa paligid. Romantic dinner for two under the moonlight and by

