"Shaun?" Nginitian niya ako pero halatang napilitan lang lalo na no'ng makita niya kung sino ang nasa likuran ko. "May nangyari ba?" Nilapitan ko siya. Mukhang pagod, eh. Maski ang mga mata. Parang pasan ang buong mundo. "Bakit ganyan ang itsura mo—" napasinghap ako nang salubungin niya ako ng yakap. Naantala ang kamay ko sa ere bago siya niyakap pabalik at hinagod ang kanyang likod. "Hindi ako nakatulog ng maayos," mahinang sagot niya. "Nanaginip na naman ako. Paggising ko, basang-basa ako ng pawis. I was screaming your name, pero naalala ko, wala ka na pala doon." Sumbong niya at hinigpitan lalo ang pagkakayap sa akin. Kaya pala napasugod siya rito. Napabuntong hininga ako. Ito 'yong dahilan bakit hindi ako makaalis-alis noon sa condo niya. Lagi siyang nananaginip ng masama. May ti

