Mari's POV Ilang araw na kami dito sa ospital at ngayon lang din nagising si Aling Lolita. Sobrang saya ko dahil gising na siya, pero sa kabila ng tuwa, hindi ko maiwasan makaramdam ng lungkot. Hindi niya halos maramdaman ang kalahati sa katawan niya. Matamlay pa rin ito, namumutla. Pakiramdam ko may mali. Pakiramdam ko may hindi sinasabi sa akin. Kapag naman tinatanong ko si Khalil, wala naman daw. Ganun din si Keaton. Parehas ng sagot. I was doubting and overthinking. There was a time na lumabas ako para bumili ng pagkain at nakita ko si K at Dr. Reyes na seryosong nag-uusap. Dr. Reyes was holding a scan at dinidiscuss niya ‘yon kay Keaton, ngunit nang makita nila ako, agad niya ‘yon itinago. Nagtaka ako. Bakit kailangan itago? May nililihim ba sila sa akin? But I disregard it. Baka p

