Pagkatapos na pagkatapos kausapin ni Keaton ang doktor, agad kaming tumayo ni Khalil mula sa bench para alamin kung anong kalagayan ni Aling Lolita. Habang naglalakad, bakas sa mukha niya na parang hindi maganda ang sinabi sa kanya ng doktor. I could feel my heart beating so fast. My breath was hitching. Hindi ako mapakali. Nag-o-overthink ako kanina pa magmula no’ng sabihin sa amin ni Shaun ang nangyari. Nang makalapit na siya sa amin, namulsa siya at diretsong tumingin sa akin. “Stroke,” isang salita lang, pero pakiramdam ko tumigil ang paghinga ko at halos dumaosdos na sa sahig. Kung hindi pa ako nahawakan ni Khalil ay lalagapàk ako sa sahig. “She’s stable now, but according to the doctor, her blood pressure suddenly spiked, which caused her stroke. For now, they’ll continue monitorin

