Pagkalabas namin ng garden area, halos hindi ko na marinig ang sarili kong iniisip dahil sa ingay ng mga kaibigan ko. Sila yung tipong kaibigan na hindi mo itatanggi kahit nakakahiya, supportive pero grabe kung tumalak. Pakiramdam ko nga dûduguin na ang tenga ko nang sabay-sabay silang magsalita, sa akin lahat nakatutok. Ngayon, pinagsisihan ko na kung bakit kinausap ko pa si Keaton na dapat ay iniwasan ko na lang para hindi ako nagigisa dito. Wala na sana dapat akong pinoproblema ngayon. “Mari, girl, bakit hindi mo sinabi na close kayo ni Sir K?! May relasyon ba kayo?” si Luo. “I love the hidden storyline!” excited pang sabi ni Via. “You’re living a romance novel!” And Shanon. Ako? Pakiramdam ko tao lang ako na nadala ng malakas na agos ng buhay at hindi ko alam kung paano sisigaw n

