“Akala ko... nakaka-move on na ako,” bulong ko sa sarili habang hawak pa rin ang kamay ni Shaun. Pero hindi ko rin maikakaila na ramdam ko ang bigat ng mga matang nakatingin sa akin, lalo na mula kay Keaton. At doon ko siya narinig. Si Yumi. “Ah, ayan pala siya,” malakas na sabi ni Yumi, sapat na para marinig ng ilan sa mga taong malapit. Nakatayo siya sa tabi ni Keaton, pero tumigil ito sa pakikipag-usap sa mga bisita para tumingin sa direksyon ko. Lumingon ako kay Shaun, mahigpit pa rin ang kapit niya sa kamay ko, pero bago pa siya makapagsalita, muli akong nakarinig kay Yumi. “Ang tapang mo rin pala, Mari. Akalain mo nakapasok ka sa ganitong lugar?" puno ng pang-iinsultong sabi niya tila gusto akong ipahiya. “At kasama mo pa talaga si Shaun? Wow. From kasambahay to… what? Girlfrien

