FIXING HER 60 CHAPTER 60 NAKAUWI NA rin sa wakas, after a two weeks staycation in hospital. Okay na naman ang pakiramdam ko noong mga nakaraan araw. Pero mapilit ang mga anak Kong mag-stay Pa ako sa loob ng hospital. Kaya pinagbigyan ko na sila kahit na inip na inip na ako. "Bakit nakatayo na naman kayo daddy?" tanong ni Violet. Malalim na mapabuntong hininga ako bago naupo ulit. Halinhinan nila ako kung bantayan, maging ang mga apo ko taga-bantay ko na rin. "Balak ko sanang magpunta ng banyo," sagot ko pero ang totoo gusto ko Lang lumabas at magpunta ng sementeryo. Dalawang linggo ko nang hindi nabibisita ang asawa ko. Kailangan Kong pumunta doon para humingi sa kanya ng opinion kahit Pa alam ko naman na hindi niya ako sasagutin. Nakasanayan ko na kasing magpunta sa puntod niy

