“ANO BANG itsura ng ex mo?” tanong ko. Nasa isang restaurant kaming mag-asawa, it’s our time alone. Kapag linggo kami lang dalawa ang lumalabas at naiiwanan si Violet. Either my parents or Jolene’s parents will be with our daughter. Ewan pero nakasanayan na ng mga magulang namin na bisitahin kami tuwing week end. Parang nag-uusap pa nga ang dalawang mag-asawa na magsalitan ng pagbisita sa aming mag-asawa. “Bakit mo naman naitanong?” balik tanong ni Jolene. “Wala lang, parang na-curious ako kung anong itsura ng Ex mo.” Tumawa naman si Jolene. “Ako ba curious sa mga ex mo?” I stop eating and look at her, like I’m not expecting what she had told me. Hindi naman sa gusto ko na naman ng away, pero totoong curious lang talaga ako sa ex niya. “I’m willing to answer you if you’ll ask me,”

