“Sir Cerces?” Napatigil siya sa pagtipa sa kanyang computer at napatingin kay Messie—ang isa sa mga estudyante niya. Kahit pagod at nagawa niya pang ngumiti. Tinanggal niya ang salamin na suot at minasahe ang kanyang nose bridge. “Yes, Messie? May problema ba?” sabi niya. “I think you need to rest sir,” sabi ni Messie sa kanya. Tipid lang ulit siyang ngumiti. “You know I can’t. Kailangan matapos na natin ang research na ito. Sa Saturday na ang presentation ng research,” sagot niya. Napatingin siya sa kanyang paligid at nakita na ang ilan niyang staffs ay mga nakahiga na sa sofa at sahig, mga natutulog. Kita niya ang pagod sa mukha ng bawat isa pero kailangan nilang matapos ang thesis para sa esearch conference na gaganapin sa darating na sabado. “Kahit saglit lang, sir. Mahirap na p

