“How are you feeling, Mr. Suriaga?” tanong ni Toneth sa kanyang pasyente. Kalalabas lang ng results ng CT-scan, MRI, at lab tests sa kanyang pasyente at alam niyang hindi maganda ang resulta nito. “So far, I’m good naman doc,” sagot nito sa kanya. Katabi nito ang asawa at alam niyang naghihintay ito na sasabihin niya ang resulta. “Doc, kumusta ang asawa ko? May sakit ba siya? Or na over-fatigue lang?” tanong ng asawang babae sa kanya. “I just want to make sure bago ako magbitaw ng salita. I want Mr. Suriaga to go under angiography,” sagot niya. “Angiography?” “It’s a process kung saan tinitingnan namin ang blood vessels ng isang area. May gusto lang akong siguraduhin bago ko sabihin ang resulta,” sagot niya. Pumayag ang mag-asawa sa kanyang gusto at nag-undergo ng angiography ang pa

