“O anak, napadalaw ka,” sabi ng kanyang ama nang makarating siya sa mansion nito. Ngumiti siya at niyakap ang ama bago humalik at nagmano. “Good evening, dad,” bati niya. “Kumain ka na ba? Katatapos ko lang kumain. Sana nagsabi ka na uuwi ka tonight para sabay sana tayong nag-dinner,” sabi ng kanyang ama. “It’s okay. Magpapadala na lang ako sakuwarto ng dinner. May gusto lang din sana ako itanong sa’yo kaya nagtungo ako dito,” sabi niya. Nagbihis muna siya ng pambahay niya dahil gusto na niyang maging komportable. Katulad ng sinabi niya ay nagpadala na lang siya nang dinner sa kanyang kuwarto. Halos magningning ang mga mata niya nang makita niya ang isang bowl ng pumpin soup—her favorite. Kaya imbes na simulan na sana ang gagawin niya ay kumain muna siya. “Ano bang itatanong mo ana

