Part 7

1628 Words
SA BUROL ni Ryan ay nakaalalay sa kanya ang mga magulang niya at pati in-laws. Kalmante na siya. Ipinaliwanag sa kanya ng mga imbestigador na mabilis na mabilis ang andar ni Ramil at nagkamali ito ng kabig ng manibela kaya nabangga nito ang isang poste. Sa lakas ng impact ay nabali iyon at sa kotse din nito bumagsak. Napuruhan si Ramil sa ulo na siyang ikinamatay nito. Nagawa niyang pakiharapan ang mga nakikiramay. Pero nang makita niyang pumapasok pa lang sa funeraria ang isang tao ay nagtagis ang mga bagang niya. Puno ng galit ang mga mata niya nang bigla na lang siyang tumayo at lapitan ito. “Ano ang ginagawa mo rito? Dahil sa iyo kaya namatay ang asawa ko!” puno ng akusasyong wika niya. “Eve… nakikiramay ako,” mababa ang tinig na wika ni Ryan. Nilingon nito ang may dala ng bulaklak upang ipasok ang mga iyon pero sinansala niya. “Hindi ko kailangan ng mga bulaklak na iyon. Dalhin mo na iyan pag-alis mo. At kung puwede sana’y ngayon na. hindi kita gustong makita!” mahina ang tinig niya ngunit punung-puno ng diin. Alam niya, ang mga taong malapit sa kanya ay napapakunot na ang noo sa kanila. “I…” “Umalis ka na, utang-na-loob,” maasidong taboy niya at tinalikuran na ito. A year later… “SKY’S the limit, Eve. I only want the best for my daughter,” wika sa kanya ng matronang socialite. Nakangiti siyang tumango. Basta kliyente niya ang kaharap niya, anumang pansarili niyang problema ay nagagawa niyang isantabi. “Eve, okay lang ba kung hindi sa iyo ang damit ng entourage?” tanong sa kanya ng mismong bride. “Pinsan kasi ni Jigo si Rajo Laurel. Siyempre, expected nang si Rajo ang gagawa ng gown ko saka ng sa iba pa.” “Of course, there’s no problem,” sagot niya. “Don’t worry, hija,” sabad uli ng matrona na dili iba’t ang biyuda ng isang dating senador. “Lahat naman ay sa iyo namin ipagagawa. We are impressed on your work sa kasal ng anak ng isa kong amiga months ago. Malakas ang rekomendasyon niyang sa iyo ko na lang din ipaayos ang kasal nitong si Desiree.” “Eve, gusto ko garden wedding, ha?” sabi ni Desiree. “Saka iyong romantic talaga ang setting. Gusto ko, hindi lang ako ang in love sa oras ng kasal ko. I want everybody there to feel the love that I feel.” “Dadalhin ka namin sa summerhouse namin sa Tagaytay, Eve. Doon ang napag-usapan naming venue ng magiging balae ko,” sabad na naman ng ginang. “Kailan ka puwede? Mabuting makita mo na agad ang lugar so you and your staff would come up with a concept at the earliest time possible. Gusto kong handang-handa ang lahat. Gusto ko, kumpleto na ang lahat ng gamit a week before the wedding. Ayokong kung kailan bukas na ang kasal ay saka pa lang may gumagawa ng mga arko at kung anu-ano sa bakuran.” “Libre ako bukas, Mrs. Del Rosario. Kahit anong oras puwede nating dayuhin ang Tagaytay.” “Good. Susunduin ka namin dito ng alas otso, nandito ka na ba ng oras na iyon?” Tumango siya. “Kahit mas maaga pa roon, puwede ako.” “Mom, sa hapon na lang tayo pumunta doon,” ani Desiree. “Eve, gusto ko sa hapon ang kasal ko. Dapat ganoong oras mo rin mapag-aralan ang paligid para sa ma-conceptualize mo nang husto ang gagawin mo. Iyong unti-unting lumulubog ang araw. Di ba, romantic kapag papadilim na? I want burning candles everywhere.” “Anak, mahangin sa Tagaytay.” “May paraan naman po doon,” wika niya. Humabol din sa meeting na iyon si Jigo, ang fiancé ni Desiree. He made himself involved in conceiving ideas kaya naman ginanahan siyang magbigay pa ng suhestyon. Pero mas magaan ang pakiramdam niya nang magkapirmahan na sila ng kontrata. “WOW! Sis in-law, hindi ka na ma-reach, ha?” tudyo sa kanya ng isang babaeng dumating. “Babeth!” tuwang salubong niya sa kapatid ni Ramil. Kahit naman namatay na si Ramil, hindi nagbago ang closeness nila sa isa’t isa ng mga in-laws niya. “Namimilog na iyang tiyan mo, ha? Kailan iyan lalabas?” “Matagal pa ito. Five months pa lang, eh. Malaki lang daw akong magbuntis. Mukhang big time na naman ang kliyente mo, ah? Naiilang na iyong iba kong kakilala. Mukhang hindi raw niya kaya ang serbisyo ng Romantic Events mo. Lately, laman ka ng society pages saka bridal magazines. Noong isang buwan, isang TV host ang ikinasal mo, di ba?” Natawa siya. Nasanay na si Babeth sa lingo nila sa Romantic Events. Kapag sinabing ikinasal niya, ibig lang sabihin niyon ay siya ang naging wedding planner ng isang kasal. “Ano ka ba? Dati pa rin itong Romantic Events, ‘no? Ano ba ang magagawa ko kung may mga kliyente sa alta sosyedad na interesado sa serbisyo ko? Nabubulag ang tumatanggi sa grasya, Babeth.” “Well, tama ka. So, nagke-cater ka pa rin sa small-budgeted weddings?” “Kahit anong budget basta hindi makakasagasa sa mga trabahong nauna ko nang tinanggap, welcome dito. First come, first serve pa rin siyempre. Sino ba ang ikakasal?” “Iyong kaklase ko sa cooking school. Ipinagmamalaki ko kasi iyong kasal ko. Sabi ko hipag ko ang nag-ayos niyon.” “Di, dalhin mo dito. Pag-usapan namin na i-work out ang budget niya.” “On the contrary, wala siyang problema sa budget. Super build up lang ako sa Romantic Events mo. But the way I see your business, big time ka nang talaga.” Napabuntunghininga siya. “Ewan ko ba. Ayoko namang isipin na buhat nang mawala si Ramil ay saka nag-prosper nang husto ang negosyo kong ito. Kung makakapili lang ako, hindi na baleng kagaya pa rin ng dati ang takbo nitong Romantic Events kaysa naman nawala siya.” “Hay naku, sis! Ano ka ba? Akala pa naman namin, okay ka na. Bakit naghihimutok ka na naman yata?” Tumiim ang anyo niya. “Namatay nang wala sa oras ang asawa ko, Babeth.” “Eve, don’t tell me hanggang ngayon sinisisi mo pa rin ang boss niya?” “At hindi ba naman? Malinaw ang sabi sa akin ni Ramil noong huli kaming mag-usap. Nagmamadali siya kaya mabilis ang pagmamaneho niya. Pinababalik siya ng boss niya na ayaw na ayaw daw pinaghihintay.” Lumutang na naman ang galit niya sa lalaki. Huli niyang nakita si Ryan sa burol ni Ramil pero ngayon ay bahagya pa lang na humuhupa ang galit niya dito. Ang totoo, lalo siyang nagagalit mientras naaalala ito. Talagang sinisisi niya ito sa pagkamatay ni Ramil. Pero ang mas nagiging problema niya ay ang kakatwang damdamin niya dito dahil kahit na nagagalit siya dito, kapag bumalik sa alaala niya ang paghalik nito sa kanya noon ay bigla na lang siyang nalilito kung para saan nga ba ang galit niya. “Huwag ganoon,” magaang wika ni Babeth. “Kami nga, tinanggap na namin nang maluwang sa loob na wala na siya. We accepted his fate, Eve. Masakit, siyempre but we all have to move on. Kahit ikaw, kung sasabihin mo sa amin na gusto mong mag-asawa uli, go ahead!” “Hindi ako mag-aasawa. Wala akong balak,” may indignasyong wika niya. “Pero huwag kang magsalita ng tapos. And don’t mind me o kung sinoman sa pamilya namin. We are giving you the freedom to get married again. Biyuda ka na. Wala kang lalabaging kasalanan sa mata ng Diyos at sa batas. Saka look at me, I’m going to be a mother soon. Babae ka rin, kahit hindi mo sabihin, I know nangangarap ka rin kung paano maging isang ina. Paano ka naman magiging ina kung hindi ka mag-aasawa? Well, uso ang dalagang-ina pero iyong biyudang-ina? May term na bang ganoon ngayon?” “Let’s change the topic,” seryosong wika niya kahit na alam niyang kakengkuyan lang ang huling tinuran nito. Motherhood was one thing she did not want to think about. Nagpapalutang lang iyon sa panghihinayang niya na hindi man lang siya nagkaanak bago nawala si Ramil. “So kailan mo dadalhin dito iyang kaklase mo sa cooking school?” “Mamamanhikan pa lang daw sa isang linggo. Pagkatapos noon, hahatakin ko na siya dito.” “Baka naman magmukhang isinusubo mo sa kanya ang Romantic Events? Ayoko namang parang ipinagmamakaawa ang business ko.” Pinasigla niya ang tinig. “Hindi, ah! In case you’re not aware of it, sikat ka na! Nasa bridal directory ka na ng Bride and Home at iba pang bridal magazine. Dumadami na ang nagtitiwala sa service mo from upper level. Aba, baka bukas, mabalitaan na lang namin na anak na ng presidente ng bansa ang kliyente mo?” “Well, kung gusto ba nila ang serbisyo ko, bakit hindi?” At sabay silang nagtawanan ni Babeth. “Mabuti naman at naka-pink ka na ngayon,” anito matapos siyang titigan ng ilang saglit. “Puwede ba, Eve, itapon mo na ang mga itim mong damit? Bagong milenyo na pero ikaw pinanindigan mong ipagluksa si Ramil. Nakakatakot ka nang tingnan, sa totoo lang. Kung hindi ka naka-itim, naka-puti ka. Napaka-boring ng mga damit mo.” “Nakaluksa nga ako, di ba? Fashionable pa rin naman ang tabas ng mga damit ko, ah? Saka all-white naman ang outfit ko kapag may kasal.” “Oo nga. Pero ngayong nakita kitang naka-pink—” “One year nang wala si Ramil.” “Yeah, right. Kaya please lang, pagpahingahin mo naman ang sarili mo sa mga itimang damit. Please?” “Oo na. Bukas, red na ang isusuot ko.” - itutuloy -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD