“MA’AM, may kliyente na naman yata tayo!” excited na wika sa kanya ni Jenna.
“Aba’y papasukin mo. Iyan ang buhay ng business natin,” masiglang sabi niya.
“Juice ko, ma’am, ang guwapo! Baka maghahanap pa ng fiancée, magpiprisinta na ako! Nag-iisa lang, eh.”
“Luka-luka!” wika niya at kinuha ang compact mirror. She checked herself. Gusto niyang matiyak na presentable ang anyo niya sa pagharap niya ng prospective client. She powdered her nose. Nakita niyang may lampas ang pagkakapahid niya ng lipstick kaya inayos niya iyon. Nang hindi masiyahan, tumayo na siya sa harap ng malapad na salamin na nagsisilbi ring dekorasyon ng isang dingding.
She was wearing a red dress with white prints. Medyo nag-alangan pa siyang isuot kanina dahil halos isang buwan pa lang ang lumilipas buhat nang magbabang-luksa siya kay Ramil. Kaya lang nasasabik na rin siyang magsuot ng mga damit na masisigla ang kulay. Para sa kanya, sapat na ang isang taong pati bihis niya ay hinayaan niyang nakaluksa. Hinagod niya ang suot na damit. Tiniyak na maayos ang pagkakalapat niyon sa katawan niya at muling pinagmasdan ang sarili.
“Maganda ka na,” wika ng isang tinig na totoong ikinagulat niya.
“Ikaw?” biglang lingon niya at kagyat na nabura ang ngiti sa kanyang mga labi. Ang pumalit sa tila tumatawa niyang mga mata ay ang kakaibang talim.
“Good afternoon, Evelyn May.”
“Mrs. Herrera,” may iritasyong pagtatama niya at itinaas ang baba.
Tumaas ang sulok ng mga labi ni Ryan Olivares. “A year ago, hindi kita kukuwestyunin kung bakit gusto mong magpatawag na Mrs. Herrera. But now that Ramil is dead—”
“How could you say that!” mainit na wika niya. “Mukhang tuwang-tuwa kang namatay ang asawa ko.” At bigla ay nagkaroon ng ibang ekspresyon ang mukha niya. “Oh, ikaw nga pala ang dahilan kaya siya namatay.”
“Of course not!” maagap na wika nito sa tonong ikinagulat niya. Tila nabura ang karisma ng mukha nito at napalitan ng seryosong ekspresyon. “Hindi ko ikinatuwa na mawalan ng masipag na empleyado,” sabi pa nito sa pormal na tinig. “At mas lalong hindi ko sasadyain na mamatay ang kapwa ko nang dahil sa akin!”
“Oh, really?” puno ng pagtuyang wika niya. “Hindi ka ba nanghihinayang? Ramil was working like a dog. Kulang na nga lang ay doon na siya tumira sa opisina mo. Hindi ba, pati araw ng Linggo ay inagaw mo sa oras namin?”
“Only if it was necessary,” katwiran nito,
Itinaas niya ang kilay. “Siyanga? Kaya pala almost every week, nasisira ang plano namin dahil sa “necessary” na iyan.”
“Eve,” he shot her a hard look at mabilis na idinugtong: “And don’t dare tell me to call you Mrs. Herrera. Kahit i-spell mo sa akin ang katagang iyan, I will call you Eve or Evelyn May.”
“Huh?” naniniryang wika niya at pinagkrus ang mga braso sa tapat ng dibdib.
“Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit ko naririto?”
“At bakit ka nga ba naririto?” papilosopong sabi niya. “Hindi mo ba alam na galit ako sa iyo? Akala mo ba, kahit magpalipas ka ng isang taon, huhupa ang galit ko sa iyo?”
“I’m here for business,” seryosong sabi nito. “My parents will be celebrating their fortieth anniversary. Gusto nilang magpakasal uli. Actually, since they renewed their vows on their silver anniversary, nagpapakasal na sila talaga every five years.”
“And then?” kapos sa interes na wika niya.
“I’m aware of your business, Eve. Ito ang inirekomenda ko sa kanila.”
“Talaga, ha?” may sarkasmong wika niya at minsan pang umarko ang kilay. “Bakit naman mukhang malaki ang tiwala mo sa Romantic Events? May kakilala ka bang naserbisyuhan na nitong negosyo ko?”
“Marami,” he said flatly. “By the way, my parents are in Kalibo. Doon sila naka-base. Iniisip pa nila kung saan sila magre-renew ng wedding vows. Puwedeng dito sa Manila at puwede rin sa probinsya. Either way, I’m telling them na hindi na nila kailangang pang mamroblema this time. I want to commission you to plan their wedding.”
“PAANO ka naman nakakasigurong papayag ako? In case you don’t realize yet, I’m angry with you. Ikaw ang dahilan kung bakit maagang namatay ang asawa ko.” Ikaw ang dahilan kung bakit hindi kami nagsama ng kasing-ligaya ng inaasahan ko! Ikaw ang dahilan kung bakit kahit sa mga gabing si Ramil ang dapat maging laman ng puso’t isipan ko ay hindi ko magawa dahil naroroon ka rin!
His eyes narrowed, nasa buong ekspresyon na hindi nito ikinatuwa ang kanyang sinabi.
“Look, noong una ay nakadama nga ako ng guilt sa pagkamatay ni Ramil. But then it was an accident. At wala akong kinalaman doon.”
“Kaya siya nagmamadali, ayaw niyang maghintay ka. Kasi nga “ayaw na ayaw” mong pinaghihintay, di ba?” ulos niya.
“Oh, yeah, ugali ko iyon,” pabalang na sagot nito. “Ayoko talagang pinaghihintay ako. Pero hindi ko sinabi sa kanyang paliparin niya ang sasakyan niya para lang makarating sa akin. Defensive driving is common sense. Hindi ko iniutos na ibangga niya sa poste ang kotse at patayin niya ang sarili niya.”
“Ang kapal ng mukha mo para sabihin iyan!” she snapped.
“I’m very sorry for your husband’s death, Eve. Pero iyong ibaling mo sa akin ang sisi, that’s unfair,” mababa ang tinig na wika nito pagkuwa.
Nilampasan niya ito at naupo sa kanyang silya. Her knees was threatening to buckle at hindi niya gustong bigyan ng kahihiyan ang sarili kung bigla na lang siyang mauupos doon. Noon at ngayon, hindi pa rin niya maintidihan kung ganito na lang ang epekto sa kanya ng lalaking ito. Sa kabila ng galit niya, hindi pa rin niya maiwasang hindi mapansin ang taglay na personalidad nito. At dahil pakiramdam niya ay isa siyang gamu-gamo na sumusugba sa apoy, lalo ring nag-aalab ang galit na nararamdaman niya para sa lalaking ito!
“My parents anniversary will be two months from now,” kaswal na sabi nito pagkuwa. “Siguro naman sapat pa ang panahong nalalabi para sa kanilang kasal. Hindi naman ito kasing-en grande na kagaya ng mga first timer na magpapakasal.”
Hindi niya alam kung tatawanan na lang ang biglang pagbabago ng tinig nito. Hindi siya makapaniwala kung paano nito nagawang business-like ang tono gayong ramdam niya ang tensyong nabuhay at namamalagi pa rin sa pagitan nila.
She cleared her throat and smiled nonchalantly. “Mr. Olivares—”
“Ryan,” agaw nito. “Please call me Ryan.”
Ikinibit lang niya ang mga balikat. “I don’t address my prospective client in such way kung hindi pa rin lang kami nagkakasundo sa isang transaksyon. That’s a very personal manner and I don’t believe we have arrived at that point yet.”
“Damn you, Eve!” pigil ang pagdagundong ng tinig na lapit sa kanya ng lalaki. Tumigil ito sa mesang tapat ng kanyang mesa at itinukod ang parehong kamay doon. Bago ito muling nagsalita ay dumukwang pa ito sa kanya at kulang na lang ay mag-abot ang kanilang mga mukha. “Two years ago, kung sinoman ang makakakita sa atin sa madilim na parte ng bahay na iyon ay hindi masasabi na impersonal tayo sa isa’t isa. We kissed like lovers who can’t get enough of each other, Eve. O nakalimutan mo na?”
Sinampal niya ito. “Hindi ako tumatanggap ng tao rito para insultuhin lang ako!” Kulang na lang ay mapaiyak siya sa galit. Ramdam niya ang pangangatal ng kalamnan kaya’t gusto man niyang magsalita pa ay sandaling nanahimik siya. “Get out, Mr. Olivares. And don’t go near me again!” sigaw niya uli nang makabawi.
“Hah!” bulalas nito at hinagod ang pisnging dinapuan ng kanyang mga palad. “Kahit sa anong sitwasyon, para ka pa ring tigre. Hindi pa rin nawawala ang katarayan mo,” amused na wika nito at pinagmasdan ang kanyang mukha. “Tingnan ko nga kung hanggang saan ang taray mo?”
Kung gaano kabilis na sinampal niya ito ay ganoon din kabilis na nagawa ni Ryan na kabigin ang batok niya upang mahalikan siya nito. She opened her mouth to protest. Pero sa halip ay parang ginawan pa niya ng pabor ang lalaki.
His tongue delved deep in her mouth, mabilis na gumalaw doon na parang bagyong nananalasa. At galit na galit si Eve. Galit na galit siya sapagkat kahit marahas ang paraan ng halik nito ay nakakapukaw pa rin iyon sa mga natutulog na ugat ng katawan niya. Gusto niya itong itulak subalit kahit na anong dikta ng isip ang gawin niya ay hindi magawang dumaloy ng mensaheng iyon sa mga kamay niya.
And suddenly, his kiss began to change its tempo. Sa wari ay napagod iyon at bumagal sa paggalaw. And even then, the sensation never left her. She knew his mouth became still but it remained fused on hers. At nang kumibot ang mga labi niya upang ihiwalay sana sa mga labi nito ay saka naman iyon muling naghabol.
He gently nipped her lower lips. His tongue licked her lips from seam to seam. At naramdaman din niya ang isang dulo ng daliri nito na tila nanunudyong humagod sa pinakatulay ng kanyang tenga. Libo-libo ang masarap na kilabot na gumapang sa kanyang katawan. She made a kind of moan she never knew would escape her lips.
Noon naman tinapos ni Ryan ang paghalik sa kanya.
“Our transaction is sealed,” tila nagdidiwang na sabi nito at umunat ng tayo.
Labis naman sa pagkapahiya ang pumuno sa kanya. Bagaman buhay pa ang mga dulo ng ugat niya sa emosyong nagawa nitong antigin sa kanya, mas gusto naman niyang panaigin ngayon ang isipin.
“There was never a transaction,” malamig na wika niya.
Tumaas ang sulok ng labi ni Ryan. “Oh, kulang pa pala ang halik na iyon? Akala ko pa naman ay nakapag-down payment na ako.”
Naningkit ang mga mata niya. Nahagip ng tingin niya ang paper weight at inisip na ibalibag na lang iyon sa mukha nito. Pero sa halip ay dinampot niya ang intercom.
“J-Jenna, ihatid mo na sa pinto si Mr. Olivares,” she said calmly. “Ito na ang huli nating pagkikita,” puno ng pagkasuklam na wika niya sa lalaki at ibinaling sa papeles na nasa mesa ang atensyon.
“You’re wrong, honey. Ito ang simula ng marami nating pagkikita,” he said sweetly.
Nang bumukas ang pinto at iluwa niyon si Jenna, isinenyas lang niya sa assistant niya na ihatid na palabas ang lalaki. Sumunod naman nang maayos si Ryan. Pero bago ito ganap na mawala sa paningin niya ay iniwanan pa siya nito ng isang mocking salute.
“Damn you!” gigil na wika niya at nabayo ang mesa.
- itutuloy -