ILANG araw nang restless si Eve. Buhat nang dumating sa opisina niya si Ryan Olivares ay nagulo na ang sistema niya. Hindi humuhupa ang galit na nararamdaman niya sa lalaki. Naniniwala siyang si Ryan ang dapat sisihin sa pagkamatay ni Ramil. At sa tuwing maaalala niya kung paano nito pangahasang halikan siya na naman ay lalo pang nagagatungan ang galit na iyon.
And she knew, hindi siya matatahimik hangga’t hindi siya nakakaganti. Naniniwala siyang kailangan niyang gawin iyon upang matigil na rin si Ryan Olivares sa kapalaluan nito. Hindi umuubra ang katarayan niya kaya kailangan ay mag-isip siya ng ibang paraan.
Matagal siyang tumitig sa wedding portrait nila ni Ramil. Maganda ang kuha nila roon. Larawan ng maligayang bagong kasal. Pero sa mga mata niya, alam niyang naroroon ang munting pag-aalinlangan. Pag-aalinlangan na muntik nang ikasira ng relasyon nila ni Ramil.
At iyon ay dahil na rin kay Ryan. When he kissed her that night, hindi man niya gusto ay naikumpara niya ang halik na iyon sa maraming beses na pinagsaluhan nila ni Ramil. And it clouded her choice. Kailanman ay hindi siya natukso sa ibang lalaki, maliban sa kaisa-isang pagkakataong iyon.
But she did her best in her married life. Isinumpa niya sa sariling minsan lang mangyayari ang ganoon. Pero ang naging kaligayahan niya sa isang taong pagsasama nila ni Ramil ay kulang sa inaasahan niya. Dahil na naman kay Ryan. Kahit na idepensa nito ang sarili, kahit na ibalik nito kay Ramil ang sisi kung bakit hindi naging maayos ang pribadong buhay nila ng namatay niyang asawa, hindi pa rin magbabago ang paniniwala niya na si Ryan Olivares ang dahilan ng pagsubsob ni Ramil sa ga-bundok na trabaho. Na naging dahilan din kung bakit ito namatay.
I hate you, Ryan Olivares! I hate you!
At ang ginawang paghalik sa kanya ng lalaki sa pangalawang pagkakataon ang siyang dumilig sa galit na naitanim na niya para dito. She never wanted to see him anymore. Kaya naman isang malaking sorpresa sa kanya na bigla na lang itong dumayo sa kanyang opisina.
Para halikan siya?
Iilang beses man niyang ipaalala sa sarili ang proposal ni Ryan upang gawin niya ang kasal ng mga magulang nito ay hindi iyon ang pinaniniwalaan niya. He came to see her because he wanted to kiss her. Isang kabastusan. Isang kapangahasan.
Ows? tila tudyo ng isang bahagi ng kanyang utak.
At tuwing mayroong bahagi ng utak niya na tila kumokontra sa galit na nararamdaman niya para kay Ryan, lalo siyang nagagalit. Lalo siyang nagnanais na makaganti. Dahil hindi niya matanggap, na bagaman hindi niya maunawaan kung ano ang talagang agenda sa kanya ni Ryan Olivares ay para naman siyang ice cream na natutunaw sa mga yakap at halik nito!
“Gaganti ako!” mariing wika niya sa sarili.
Then suddenly alam na niya kung ano ang gagawin.
“KANINO ko utang-na-loob ang pagtawag mong ito, Evelyn May?” bakas ang katuwaan sa tinig ni Ryan nang ipasa ng sekretarya nito ang kanyang tawag.
“Wala,” kaswal na tugon niya. “I was thinking about your parents wedding. Like other business people, kaya kong ihiwalay ang pansarili kong dahilan sa negosyo. Let’s talk about business, Mr. Olivares. I want to know kung ang Romantic Events pa rin ang choice mo para mag-ayos ng kasal na iyon. I have some concepts here na maipiprisinta sa mga magulang mo.”
“Well, you’re really talking about business,” amused namang wika ni Ryan. “Before you go on, I want you to call me Ryan. Come on, Eve, I want to hear my name from your lips.”
“Ryan,” balewalang tugon niya.
“It sounds so cold. Hindi bale, darating din ang araw na mag-iiba ang tono niyan. I have so many things in mind to make you whisper my name like a purring cat.”
“Mr. Olivares…” May nabuong pagkapikon sa tinig niya pero siya na rin ang rumenda sa sarili. Ipinaalala niyang mayroon siyang misyon.
Umalingawngaw ang tawa ng lalaki. “Sinasabi ko na nga ba at hindi ka lang pala mataray. Pikon din. Let’s get down to business. How about lunch?”
“Hindi business ang lunch,” pakli niya.
“Come again?”
“Hindi business ang lunch.”
“Loud and clear,” anito. “Honey, in case you haven’t experience it yet, maraming business ang natatapos sa isang lunch date. Alas onse na pala. You better get ready. I’ll pick you up. I’ll be there in twenty minutes.”
“Am, okay,” she said demurely. Nang ibaba niya ang telepono, isang misteryosong ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi. “Mission number one: accomplished,” nasisiyang wika niya sa sarili.
Kumilos na siya upang ayusin ang sarili. Inutusan niya ang errand boy niya na kunin sa kotse ang baong damit niya.
“Ma’am, mukhang change outfit kayo, ah?” pansin sa kanya ni Jenna.
“May pupuntahan ako, eh,” sagot niya dito.
“Date?”
Ngumiti lang siya at tumuloy na sa sarili niyang CR sa mismong opisina niya. Isang halter blouse ang ipinalit niya sa sabrina cut na suot niya. Malaki ang hawig niyon sa suot niya noong una niyang makilala si Ryan. At dahil desidido siya sa gagawin niyang pagganti sa lalaki, sinadya niyang humanap ng blouse na makakatiyak na makakakuha ng atensyon nito.
She took off her bra. Bagaman hindi siya sanay na walang suot na bra, kaya naman niyang dalhin ang sarili kapag hinihingi ng pagkakataon—kagaya ngayon na imposibleng maitago ang kanyang bra sa mababang ukab ng likurang bahagi ng kanyang blouse. Desente pa rin naman siyang tingnan sapagkat may manipis na pads ang tapat ng kanyang dibdib.
Itinaas niya ang kanyang buhok upang lumitaw ang kanyang batok at likod. She retouched her day make-up at tanging lip gloss ang ipinahid sa mga labi. Nang matapos ayusin ang sarili ay nasisiyahang nginitian niya ang sariling repleksyon. Confident siya na magandang-maganda na siya. Kung nahahalina man si Ryan sa kanya noon na hindi naman niya sinasadya ay mas lalo itong maa-attract sa kanya ngayon. Bago siya tuluyang lumabas ay nagwisik pa siya ng Beautiful.
“You’re stunning!” salubong na bati sa kanya ni Ryan.
Nangunot ang kanyang noo. “Nandito ka na?” At sa sarili ay itinanong niya kung gaano nga ba siya katagal na bumabad sa harap ng salamin.
“Ma’am, pinapasok ko na po siya dito sa office ninyo,” sabad ni Jenna na mabilis ding lumabas matapos niyang tanguan.
“I brought this for you,” wika ni Ryan na noon lamang niya napansing itinago sa gawing likuran nito ang isang kamay. Isang long-stemmed rose ang iniabot nito sa kanya.
Hindi niya napigil ang pagtaas ng isang kilay. “Para saan iyan?”
Ngumiti si Ryan. “Sa tanong mong iyan, lumakas bigla ang loob ko. I’m now sure na pinatawad mo na ako. Eve, I’m sorry. I know may nasabi akong hindi maganda noong huli tayong magkita. I’m sorry.”
Napaawang ang mga labi niya at napatango na lang. Masyado nang na-focus ang isip niya sa plano para kay Ryan kaya nabalewala na rin niya ang inihihingi nito ng paumanhin.
“Okay. Basta next time, ayoko nang mag-insultuhan pa tayo.”
He smiled again. “Promise. Let’s call it a truce. Puwede ba tayong magsimula na hindi na natin iisipin ang nakaraan?”
He said that in a very friendly way. Na para bang napakasinserso nga nito. pero hindi niya gustong isipin ang sinseridad nito kung peke o hindi. Ang nasa isip niya, pabor ang offer nitong iyon sa kanyang plano.
“Okay,” she said at last.
“Ready?” tanong sa kanya ni Ryan.
“Yes.”
Palabas ng opisina ay nakaalalay pa si Ryan sa kanyang siko. Nang mapadaan siya sa mesa ni Jenna, alam niyang magkahalong pagtataka at panunudyo ang ekspresyon nito. Ngumiti lang siya dito. At sa likod ng isip niya, nais niyang tumawa nang malakas.
- itutuloy -