I want somebody to share, share the rest of my life
Share my innermost thoughts, know my intimate details...
NAGMULAT ng mga mata si Eve at napakunot ang noo. Ilang saglit siyang nakiramdam, inalam kung hindi ba iyon nangyayari sa imahinasyon lang. At makalipas ang maikling segundo ay nakatiyak nga siya. Mayroong kumakanta malapit sa kanya!
Bumangon siya at nilapitan ang direksyon kung saan nanggagaling ang tinig. Malapit na siya sa pintuan patungo sa may veranda nang may maaninag siyang bulto sa kabila ng French door. Lalo nang lumalim ang kunot ng noo niya at napabilis ang hakbang.
“Ryan!” wika niya sa magkahalong pagtataka at pagkagulat.
Nakaupo ito sa isang silya na hinila para mapunta sa tapat ng silid niya. He looked at him at ilang saglit na tumigil sa pagkanta. Then he smiled. At saka muling ibinuka ang mga labi.
“I want somebody who cares for me passionately… with every thought and with every beat… Someone who’ll help me see things in a different light… All the things I detest I will almost like…”
Hindi siya makapagsalita. Nakatingin lang siya kay Ryan na nakatitig sa kanya habang tila kasing-simple lang ng paghinga ang ginagawa nitong kanta. He was sprawled on the chair lazily, ang isang kamay nito ay nakataob sa bandang tiyan. Tila may itinatago roon na kung ano.
Patuloy pa rin ito sa pagkanta. And he could sing so well. And good Lord, she was mesmerized! Higit sa anupamang klase ng paghalik na iginawad nito sa kanya; higit sa damdaming lumukob sa kanya nang alukin siya nito ng kasal; higit sa emosyong naantig nito sa kanya ng bigyan siya nito ng isang bulaklak ng gumamela ay halos mapugto ngayon ang kanyang hininga.
“I don’t want to be tied to anyone’s string… And I’m carefully trying to see of those things… But when I’m asleep I want somebody…Who will wrap her arms around me and kiss me tenderly…”
She was mesmerized, she was enthralled, she was enchanted. Ah, kukulangin ang lahat ng adjectives na nasa isip niya para bigyang pangalan ang emosyong bumabaha ngayon sa dibdib niya.
“Did you like my song?” he asked softly.
At minsan pa ay napatanga siya dito. Hindi na niya namalayang tapos na ang pagkanta nito. She knew that song. She had always been in love with that song. Kabisado na niya ang lyrics niyon. But it was entirely a different thing when Ryan sang that to her. Nabigyan iyon ng ibang kahulugan. Mas malalim, mas totoo.
She sighed. Her heart swelled with emotions she didn’t know how to describe.
Tumindig si Ryan at lumapit sa kanya. “Magsalita ka naman,” malambing na wika nito.
Umawang ang mga labi niya subalit hindi agad lumabas ang mga salita roon. She sighed again. “B-bakit mo iyon ginawa? I mean, sino maysabi sa iyong kumanta ka?” Naikumpas niya ang isang kamay tanda na hindi niya magawang hawakan nang buong-buo ang sistema niya. “Anong oras na ba? Baka nakakabulahaw ka na sa ibang natutulog?”
“Eve,” pabulong na wika nito na tila ba ninenerbyos. “H-hinaharana kita.”
And she was stunned again. Hinaharana? Sa panahon ng high-tech at Internet sa pamamagitan ng cell phone? She wanted to burst out laughing. Pero hindi rin niya ginawa. Ryan was serious. Too damn serious para pangahasan niyang gawing biro ang eksenang iyon.
A few seconds passed. Nakatingin lang ito sa kanya na waring naghihintay ng reaksyon niya. She swallowed. “Why, Ryan. Bakit mo ito ginagawa?”
He smiled with a hopeful look in his eyes. “I realized that thing you told me. Na ligawan ka. Pero hindi naman ako sanay manligaw, Eve. I mean, I could get the woman I want without much effort. Kahit kailan, hindi ako dumating sa puntong kailangan kong manligaw.”
“Ganito ang naisip mong paraan?”
“Well, yes. I know I shocked you. Naisip kong napakabaduy naman na haranahin ka. But I always liked that song, Eve. Pero kahit kailan ay hindi ko naisip na mayroong babaeng puwede kong pag-alayan ng kantang iyon. Until you.”
Kulang na lang ay damhin niya ang dibdib niya. Nalulunod na siya sa maraming emosyong idinudulot sa kanya ni Ryan. Hindi siya magtataka kung bigla na lang aalsa ang dibdib niya sa labis na pamamaga ng puso niya.
“And I really intend to marry you, Eve. Kung kailangang haranahin kita uli ay gagawin ko para tanggapin mo ang alok ko.” Itinaas nito ang isang kamay at inilahad ang palad sa kanya. “My mother’s engagement ring, Eve. Hiningi ko ito sa kanya upang ibigay sa iyo. Will you marry me?”
Bumaba ba ang tingin niya sa singsing. It was a simple band, not flashy, not even elegant. Ang isang batong nakatumpok sa gitna niyon ay kulay green, maliit lang at hindi eskandalosong tingnan.
Walang kibong kinuha ni Ryan ang kamay niya at isinuot sa kanyang daliri.
Wala ring salitang nais mamutawi sa bibig niya. Matagal nang hubad sa simbolikong singsing ang daliri niya. Nang mawala si Ramil, ilang buwan lang ay hindi na rin niya isinuot ang wedding ring niya. Itinago niya iyon kasama ng engagement ring niya at iba pang memorabilia nila ni Ramil.
And seeing now the simple emerald ring on her finger, gusto niyang matuwa na matagal nang nahubaran ang daliri niya ng mga naunang singsing.
“Perfect,” usal ni Ryan. “I know this would suit you.” At nag-angat ng mukha sa kanya. “Eve, this is not expensive. But I’m giving this to you for sentimental reasons. Hindi kami ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig. My father was a self-made man. Masuwerte na nga raw na napagsikapan niya noon na bigyan si Mama ng ganitong singsing.”
“Ryan—”
“Hear me out first, honey,” he said. “I want my marriage lasts just like my parents.” Iyon din ang dahilan kung kaya’t hiningi ko kay Mama ang singsing niya. Kapag pumayag kang pakasal tayo, we’ll use the very first wedding rings they had.” Tumingala ito at nagbuga ng hangin paitaas. “In my very own way, I’m a romantic sentimental fool, Eve. Pagbigyan mo ako sa mga kalokohan kong iyon. Pangako, babawi na lang ako sa ibang mga pagkakataon. Say your birthday and our anniversaries. I would even bring you to Tiffany and Co. kung ikalulugod mo.”
“Ryan, hindi pa ako pumapayag magpakasal sa iyo,” she cried in mixed-up emotions.
Banayad nitong hinaplos ang pisngi niya and touched her lips with the pad of his thumb. “Don’t say no, Eve. I’m begging you.”
Napalunok siya. Sa itsura ni Ryan, tila ito iiyak kung hindi niya pagbibigyan ang nais nito.
“I love you, honey. I love you.” Slowly, his lips descended on hers. His kiss was oh, so gentle yet sweet and arousing at the same time. At kung hindi pa sapat ang harana, kung hindi pa sapat ang rebelasyon nito, that kiss made his proposal so convincing at hindi na siya kailangang magpakipot pa.
“You won, Ryan,” she said softly nang tapusin nito ang masarap na halik na iyon.
Nagliwanag ang mga mata nito. “You’re going to marry me?” tila batang nangungulit na wika nito.
Ngumiti siya. “Yes.”