“YUCK, Kuya, ang baduy ng taste mo,” kantiyaw dito ni Riva nang marinig ang suhestyon nito sa pinaplano nilang kasal. Nasa library sila at nakikisabad si Ryan sa usapan nila.
Ilang araw na buhat nang dumating si Riva. Isang taon lang ang tanda niya sa babae. At unang kita pa lang nila ay parang may bonding na agad sila. Magkasundong-magkasundo sila nito.
“Mommy, I want more cookies!” tili ni Geneva na nagtatakbo palapit sa kanila.
“Oh, my angel,” yakap dito ni Riva. “Go to your granny. Ask her for some more.”
Nalukot ang mukha ng cute na bata. “She said I had enough.” Bumaling ito kay Ryan. “Uncle, you promised me chocolate. I want it now.”
Tumawa si Riva. “Eve, ano na ngang color scheme ang gagamitin natin sa kasal nina Mama? Ano ba ang symbol ng forty years?”
“Ruby if I’m not mistaken,” sagot niya.
“Ruby? Di, red. Bagay ba ang red sa kanila?”
“Depende naman kasi sa concept para bumagay ang isang kulay,” tugon niya.
Sa tabi nila ay naglalambingan ang mag-uncle. Nakikita niya kung gaano kalambing si Ryan sa bata pero mas hulog ang isip niya sa paksa nila ni Riva. After all, kaya siya naroroon ay upang pag-usapan iyon.
“Actually, red ang favorite color ni Mama. I’m sure, papayag iyon kung gagawin nating red ang color motif. Iyong concept, siguro traditional na lang. Alam mo naman ang may-edad na, hindi nila gustong maging adventurous sa ganoong okasyon.”
For the next minutes, seryoso nilang pinag-usapan iyon They took down notes. At nagsimula na rin siyang mag-draw kung ano ang ideya niya para sa reception.
“This is great!” bulalas ni Riva. “Very classic pero elegante. Gusto ko na yatang ayain si Giovanni na magpakasal din kami.”
Umungol si Ryan. “Tumigil ka nga, Riva. Kung hindi ka nag-apurang magpakasal noon, di sana ngayon ka pa lang ikakasal. Magtiis ka. Hindi pa uso ang wedding planner noong nagkukumahog kang magpakasal.”
Umirap ang babae. “Kasalanan ko ba? Eh, sa in love iyong tao, ano’ng magagawa mo?” Nakangiti itong bumaling sa kanya. “Alam mo bang eighteen lang ako nag-asawa? Naku, ang mga iyan, kulang na lang pumalahaw ng iyak nu’ng ikinakasal ako.”
“Ang bata naman ng eighteen?” bahagyang nakangiwing wika niya. “Twenty-four ako nag-asawa, eh.”
“In love ako, Eve.” She giggled. “Actually, first year high school pa lang ako, in love na ako.”
“Oo, ganyan iyan ka-atat mag-asawa,” ismid ni Ryan.
“Heh! Igagaya mo naman ako sa iyo. Andropause ka na, mukhang hindi ka pa magpapakasal. Hay, naku, Eve, iyang si Kuya kapag hindi ka pa inayang magpakasal before the end of this year, iwan mo na. Bakit ka magtitiis diyan? Ang daming lalaking magkakandarapang magpakasal sa iyo sa ganda mong iyan.”
Nagkatinginan sila ni Ryan. Hindi niya alam kung ano ang mensaheng nasa mga mata nito pero alam na alam niya ang nasa loob niya. Seryoso siyang bumaling kay Riva.
“Nagpakasal na ako two years ago,” sabi niya dito.
Napaawang ang mga labi nito. “Oh, on-the-process pa ang annulment mo?”
Umiling siya. “No. I’m a widow.”
Shock ang pumalit sa nagtatanong na ekspresyon nito. “I’m sorry, Eve. Oh, damn, I can’t imagine that thing to me. Mamamatay din siguro ako kapag iniwan ako ni Giovanni.”
“Mommy, I miss Daddy,” ungot naman ni Geneva na yumakap uli sa ina.
“Later, baby. We’ll call Daddy.” Ginulo ni Riva ang buhok ng bata at hinalikan ito.
She was touched at the sight of them. Isang paghinga ang ginawa niya at nag-iwas ng tingin. She always longed for a child. But now, seeing Riva and her daughter, dama niyang umahon na naman sa dibdib niya ang pag-asam na iyon.
Nasulyapan niya si Ryan na matamang nakatingin sa kanya.
Bigla itong tumikhim at iniabot ang cell phone nito sa kapatid. “Sis, tawagan mo ang daddy ng makulit na iyan. Sige na, samantalahin mo hangga’t may free minutes pa ang line ko.”
Gumuhit ang pagtataka sa mukha ni Riva pero kinuha rin nito ang aparato. Inaya na nito ang bata upang lumabas ng library.
“EVE,” HE called her softly. Tangka siyang aabutin nito ngunit siya ang mabilis na umiwas.
“I’m okay,” defensive agad na wika niya.
“You’re still young. Hindi mo ba naiisip na magkaanak?”
Tumitig siya dito. “Ano ang itatawag sa akin, biyudang-ina?” At bahaw siyang tumawa.
“You could marry again,” seryosong sabi nito. “Eve, I want to marry you.”
Napaawang ang mga labi niya. Seryoso silang nag-uusap. Hindi niya gustong isiping bigla na lang itong magsasabi ng kalokohan. She looked at him at hinanap sa mga mata nito kung nagbibiro lang ba ito o hindi.
And he looked too damn serious. At lalo iyong nakalito sa kanya. Inaalok siya nito ng kasal? She should be happy. She should celebrate. Pero hindi niya maintindihan kung bakit tila gusto niyang matakot.
“B-bakit?” she asked softly.
He leaned closer at tiniyak na nakatingin siya sa mga mata nito bago nagsalita. “I love you.”
Hindi niya alam kung namanhid ang buong katawan niya. She was willing herself to feel nothing, her mind to think nothing pero mabilis na nakapasok sa buong sistema niya ang sinabi nito. Worst, her heart believed in him in an instant.
He reached her to embrace her. Pero bago niya ganap na idinikit ang katawan dito ay mabilis siyang umiwas at tumayo. “I’m sorry, Ryan. H-hindi ako handa sa ganitong klase ng paksa.” At parang hinahabol ng sibat na iniwan niya ito.
HINDI niya alam kung sasabunutan ni Eve ang sarili. Hindi siya mapakali sa loob ng ginagamit niya silid. Naroong magpabalik-balik siya ng lakad sa espasyo niyon, naroong mahiga at babangon din naman. Nagawa na rin niyang maligo. Akala pa naman niya, kagaya ng dati na may gumugulo sa isip niya ay ligo lang ang katapat niyon.
Pero nagkamali siya. Hanggang ngayon, naguguluhan pa rin ang isip niya sa proposal ni Ryan.
Gusto siya nitong pakasalan. And much more, ang sabihin nitong mahal siya nito.
“You love me?” aniya kahit nag-iisa.
She wanted to laugh. Hindi ba’t iyon ang gusto niyang mangyari, ang mapaibig niya si Ryan? That was her mission. Make him fall in love with her and break his heart. Ano pa ang hinihintay niya? Bakit hindi niya iyon samantalahin? Ang dali-daling tanggapin ang alok nito. Bakit hindi niya ito paasahing pakakasal siya dito pero iiwan din niya sa huli?
I love you.
Those three words. He said those words without any elaboration, just direct and simple. At dama niyang puno iyon ng katotohanan.
Kay lalim ng paghingang ginawa niya. Ano ngayon ang gagawin niya?
Nahiga siya at tumitig sa kisame. Doon niya pilit na inihanap ng sagot ang tanong niya sa sarili.
“AUNT EVE! Aunt Eve!” matinis na wika ni Geneva ang narinig niya habang kumakatok sa pinto ng kuwarto niya.
Mabilis siyang kumilos at pinagbuksan ito. “Yes, baby?” malambing na wika niya sa bata. Mabilis siyang umuklo ng upo upang makapantay ito. Kagaya kay Riva ay likas na magaan ang loob niya dito.
The little girl made an impish grin. “Uncle told me to give this to you,” wika nito at buhat sa likod ng kamay ay iniabot sa kanya ang isang bulaklak.
Napako ang tingin niya sa bulaklak. Gumamela. Walang kasamang tangkay o dahon. Bulaklak na bulaklak lang mismo at pulang-pula ang kulay. Napapikit siya. Sa iba’t ibang pagkakataon ay kung anu-anong emosyon ang naaantig sa kanya ni Ryan. At hindi rin ito nabigo ngayon.
Sinong lalaki ang magbibigay ng ganoong klaseng bulaklak sa ibang babae? Bukod sa karaniwan na ang bulaklak ay talaga namang… Napailing siya. He seemed to know how to amaze her.
“You don’t like?” untag sa kanya ni Geneva.
Nagmulat siya ng mga mata at nakitang nakalahad pa rin ang maliit na kamay ni Geneva sa harapan niya. Kinuha niya dito ang bulaklak. “I like it, baby. Thank you.” She smiled at her.
Patakbong lumayo sa kanya ang bata.
Naiwan siyang nakatitig sa gumamelang hawak niya. And without much thinking, inipit niya iyon sa isa niyang tenga. She made a deep breath. Wala siyang pakialam kung magmukha siyang tanga sa itsura niya. Lumakad siya at nagpasyang hanapin si Ryan.
“Looking for me?”
Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang bigla na lang itong sumulpot sa harapan niya. Si Geneva ay lumabas din sa mismong kuwarto ni Ryan at yumakap sa hita ng binata. “Cute, Aunt Eve.”
Nasisiyahan siyang nginitian ang bata. Marunong mag-appreciate!
Tinanggal niya sa pagkakaipit sa tenga ang bulaklak. “Talaga nga bang pinabibigay mo ito?” tanong niya kay Ryan.
“Yes. Actually, I was watching you nang katukin ka ni Geneva.”
“Thank you.” Tumaas ang kilay niya. “Teka, bakit naman kailangang gamitin mo pang tulay ang bata?”
Ikinibit nito ang balikat. “Baka kasi iitsa mo lang sa mukha ko kung ako ang magbibigay, eh.” Kinuha nito sa kanya ang bulaklak at ibinalik sa kanyang tenga. “Bagay sa iyo. Sa mga illustrated bible, may ganyang image si Eve. Leaves as her skirt and a flower on her ear. Eve, about my proposal—”
“Saka na lang natin pag-usapan iyan, Ryan.” Niyuko niya ang bata. “Where’s your mommy, baby?”
“There,” turo nito sa ground floor ng bahay.
“I’ll talk to Riva,” seryosong baling niya sa binata. “Pag-uusapan namin ang tungkol sa kasal ng parents ninyo.”
“Eve, I’m serious. Kung papayag ka, puwede nating sundin ang suggestion ni Papa. You know, a double wedding in Boracay.”
“Think of a way of asking me again, Ryan. Baka oo ang isagot ko.” At mabilis na niyang tinungo ang hagdan.
- itutuloy -