Part 14

1485 Words
MAAGANG nagising si Eve kinabukasan. Sanay siyang may agenda ang bawat araw niya kaya ngayon ay parang naninibago pa siya dahil naka-bakasyon siya. Wala pang alas siete ay nakapaligo na siya. Tumanaw siya sa swimming pool at bahagya pang nadismaya nang makitang walang tao roon. Ang inaasahan pa naman niya ay naroroon si Ryan kung talaga ngang hilig nito ang maglangoy. Pero naisip din niya, anong oras na nga ba nang umakyat si Ryan nang nagdaang gabi? Alas onse na nang mahiga siya. Dahil bukas ang bintana sa gawi ng pool, umaabot pa sa pandinig niya ang labusaw ng tubig. Para ngang iyon ang naging pampaantok niya kaya hindi niya naramdamang namamahay siya at nahimbing pa ng tulog. May ngiting gumuhit sa mga labi niya. “Frustrated pa rin kaya hanggang ngayon si Ryan?” mahinang tanong niya. Se would never forget last night. She would never forget how his kiss stirred his senses. And she would never forget how hard and hot he felt. Naipilig niya ang ulo. Umagang-umaga ay iyon ang tinatakbo ng isip niya. Ibinaling niya sa iba ang takbo ng isip. But she knew they are now ensnare in the web of seduction game. Nagpasya siyang bumaba. Tutal rin lang at naumpisahan na niya at umaayon naman ang kilos ni Ryan sa plano niya, sasamantalahin na niya ang pagkakataon. Pababa siya sa hagdan nang makita ang papa nito. “Good morning po!” nauna na siyang bumati dito. “Good morning, hija. Nakatulog ka ba nang mahimbing?” “Yes. Si Ryan po?” “Ah, nasa palengke, kasama ang mama ninyo.” Here we go again. Kahapon, “papa ninyo”. Ngayon, “mama ninyo”. At hindi niya maintindihan ang sarili. It warmed her. Ramdam niya ang sinserong pagtanggap sa kanya ng mga magulang ni Ryan sa kanya. At higit doon, ramdam niyang tanggap na tanggap siya ng mga ito bilang magiging miyembro ng pamilya. “Tumawag si Riva. Ag batang iyon at nasa NAIA na pala. Nakakuha rin pala siya ng ticket kagabi rin. Iyon na lang daw ticket papunta dito ang aayusin. Baka bago mananghali ay naririto na iyon. Mabuti pa’y mag-almusal ka na, Eve. Malamang ay mamaya pa babalik si Ryan. Siya na rin daw ang susundo sa airport, eh.” Dinala siya nito sa breakfast nook. “Dalawang klase ng almusal ang inihanda ng mama ninyo. Hindi kasi masabi ni Ryan kung sanay ka sa heavy breakfast o kape lang. Bahala ka na riyan. Ako ay sumabay na kanina sa kanila bago sila lumakad.” “Paano nga po pala si M-Mama kung namalengke siya? Sino ang maghahatid sa kanya?” “Marami namang tricycle diyan. Si Ryan lang naman ang namilit sa kanya na ipagmaneho pa siya. Saka may kasamang katulong ang mama ninyo. Walang problema.” Mama ninyo. Mama ninyo. Dapat ay makulili na ang tenga niya sa terminong iyon pero sa halip ay tila natutuwa pa siya. “Kain po kayo uli,” alok niya. “Sige na, hija. Mahilig ka ba sa stuffed pusit at ginataang alimango? Paborito naming dalawa ni Riva iyon. Tiyak na iyon ang pagkain natin mamaya.” “Pusit ho at alimango?” kulang na lang ay mamilog ang mga mata niya. “Weakness ko iyon!” Humalakhak si Romeo at tila naglaho ang pileges sa noo nito. “Kapamilya ka nga, Eve. Galit sa pusit at alimango ang mga tao dito.” Hindi niya namalayang natapos siyang mag-almusal. Nakabantay sa kanya ang lalaki at hindi naman niya iyon minasama. They talked about different things. Naroong mapunta sa pulitika at sa negosyo. At hindi rin naman sila nagkakalayo ng paniniwala sa isang paksa. Inaya siya nito sa game room nang makakain na siya. “Marunong ka bang mag-billiard, Eve?” tanong nito sa kanya habang inaayos sa table ang mga bola. “Po? Hindi po, eh.” “Ito ang sports ko, eh. Kung gusto mong matuto, tuturuan kita.” “Di, sasama naman ang loob ko kung sa halip na ako ang magturo sa kanya ay ikaw?” Sabay silang napalingon ng lalaki sa bumungad sa game room. “RYAN,” she breathed. “Bakit naririto ka na? Akala ko ba’y susundo ka sa airport?” tanong naman ni Romeo dito. “Tumawag si Riva. Mamaya pa raw after lunch ang flight na nakuha niya.” “Ang mama ninyo?” “Nasa kusina. Limang kilong pusit yata iyong gagawin niya.” “D-doon na lang ako. Gusto ko ring matutong gumawa ng stuffed squid.” At humakbang na siya. Inabot siya ni Ryan sa bewang at isiniksik sa katawan nito. She felt warm. And secured. At hindi niya maintindihan kung bakit ang ganoong kilos nito ay kailangan niyang bigyan ng pansin. Much more ng i-analyze sa mismong sarili ang epekto na iyon. “Dito ka na lang, hon,” masuyong sabi ni Ryan. “Ayaw mo bang panoorin ang laro namin ni Papa?” “Oo nga, hija,” sabad ng matanda. “Manood ka. Ako ang nagturo diyan.” “Yes, master. Pero hindi ba, madalas na kung sino ang tinuruan ay siyang mas magaling pa?” baling dito ni Ryan. “You spent most of your time in the boardroom, son. Kinakalawang ka na.” Tumawa nang mahina si Ryan at bumaling sa kanya. Without asking any permission, niyuko nito ang bibig niya at humalik. “Pampabuwenas, honey. Gusto kong ipakita sa matandang ito kung sino sa amin ang kinakalawang na.” Kumuha ng tako si Ryan at nginisihan ang ama. Siya naman ay naiwang tila itinulos roon. She was stunned with his kiss. It was chaste yet she felt some shivers caressed her spine. Nakalimutan na niyang binalak niyang pumunta sa kusina. Nag-enjoy siyang panoorin ang laro ng mag-ama. Ngayon niya naiintindihang iba nga si Ryan kapag nasa bahay. He seemed relaxed. Kita ang rapport ng mga ito. Bagaman may kantiyawan, lutang pa rin ang respeto ni Ryan sa matanda. Tig-isang panalo na ang dalawa. Sa pangatlong set ng laro, naunang tumira ang matanda. Pagkatapos ng apat na bolang naibuslo nito, sumablay ito sa pang-lima. “Umupo ka na, Pa. Akin nang lahat ang mga natira,” ngisi ni Ryan. Nakangiting nagkibit lang ng balikat si Romeo. “Pampabuwenas nga uli, hon,” ani Ryan sa kanya nang lumapit. He leaned down and made a brief kiss on her lips. “Hindi ka na nakakatuwa, ha?” she said sweetly, her voice dripping with warning. At kinindatan lang siya nito! There was a silly grin on his lips nang lumapit ito sa billiard table, and winked at her again bago nito tinira ang bola. She wrinkled her nose. Naiinis siya sa kilos na iyon ni Ryan pero parang kinikiliti naman ang lahat ng kaloob-looban niya. Damn, kinikilig siya! She was twenty-six at biyuda, hindi niya matanggap na kikiligin pa siya na parang high school! Nakasimangot siyang pinanood ang pagtira ni Ryan. He looked so charming. Hindi niya alam kung saan nito itinapon ang executive, masculine look. Napakakaswal nitong tingnan sa hapit na gray shirt at kupas na maong. She was seeing him now in his boyish fashion. Napabaling ang tingin niya kay Romeo nang bigla itong mapatayo buhat sa kinauupuan. “Shoot that ball number eight, son. Then, maniniwala akong hindi ka pa kinakalawang.” Kumunot ang noo niya at palihim na napangiti nang mapakla. Nasabing nanonood siya ng laro subalit wala naman doon ang isip niya. Once more, she was mesmerized at him. Mas napatuon ang kamalayan niya kay Ryan kaysa sa laro nito. Napatayo na rin siya upang masabing inaalam din niya ang takbo ng laro. Pero hindi naman niya talaga naiintindihan ang bilyar. Ano ba ang malay niya kung mahirap tirahin ang posisyon ng bolang iyon. “Don’t blink, Pa,” buong kahambugang wika ni Ryan at tumira. Ang lakas ng naging tawa ni Romeo. Nabayo pa nito ang gilid ng mesa sa labis na katuwaan. Nakatanga naman siya. Kitang-kita niya, pumasok sa hole ang bolang kulay puti. Nagtatanong ang mga matang tumingin siya kay Ryan. Isinusuksok nito ang tako sa pinagkuhanan nito kanina. “Tapos na?” inosenteng tanong niya. “Oh, yeah. I lost,” tila masama ang loob na wika n Ryan. “Tara na nga sa kusina. Doon na lang makapagpalipas ng sama ng loob. Tiyak, may naluto na si Mama.” “Paano ka natalo? Na-shoot naman ang bola, ah?” Parehong umalingawngaw ang tawa ng dalawang lalaki. “Hon, hindi ang bolang iyon ang dapat ma-shoot. Bye, Pa. Enjoy your momentum.” “Kulang ka lang sa practice, Ryan. Isang laro pa,” kantiyaw nito. “Ayoko na. Mas gusto ko pang yumakap na lang dito sa honey ko.” At hinapit na naman siya nito. Parang wala itong balak na bitiwan siya na hanggang sa nakalabas sila ng game room ay walang makadaraang hangin sa pagitan nila. - itutuloy -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD