“HONEY…”
Inirapan niya si Ryan. “Stop calling me honey, Ryan.”
Tumawa ito nang mahina. “Sorry, bingi ako sa pagkakataong ito.”
Tumabi ito ng upo sa kanya. Nasa plastic bench siya malapit sa pool. Doon ipinadala ni Ryan ang kapeng ipinahanda nito sa katulong. Nakakaisang tasa na siya samantalang si Ryan ay mas piniling maglangoy. Nasasuot din siya ng pampaligo at pinatungan lang niya ng roba. Kaso, nang maupo siya roon ay parang nawalan na siya nang ganang maligo.
She saw Ryan dove smoothly. Napatanga na lang siya rito at nagkasya na lang na panoorin ito. Ewan niya kung naka-ilang lap na ito ng freestyle strokes sa Olympic size pool na iyon. She lost counting because she was mesmerized at his body and his movement.
He swam like a pro. Alam niya dahil hilig naman niyang manood sa TV ng mga swimming competition. But Ryan seemed different. At hindi niya tiyak kung iyon ay dahil nakikita niya ito nang malapitan.
He was well-built. Alam na niyang may ipagmamalaki itong pisikal na katangian but seeing him now, she felt she was still awed at his magnificence. He was tan all over. Wala itong itinagong taba sa katawan, wala ring nag-alsang muscles. He was lean and trim. Tila kaysarap haplusin ng buong katawan nito.
And he was almost naked. His trunks was string bikini and she could see the gradual formation of hair from his navel to his… She swallowed. Hindi niya gustong umaktong prudish. She was a widow and had enough experience in sexuality. Oh, well, iyon ang paniniwala niya. Her s*x life suffered at times but she knew she had known enough when it comes to intimacy.
“Masarap ba ang pagkakalaga ng kape?” tanong nito sa kanya.
Iminosyon niya dito ang coffee pot. “Magsalin ka sa tasa mo para malaman mo.”
“Ouch!” pabirong wika nito. “Gusto ko lang maglambing mukhang mapapahiya pa ako.” He grinned at ginawan ng kape ang sarili. “Hon, pakiabot naman ang sugar.”
“Sabi nang huwag mo akong tawaging “honey”, eh.”
“Fine, Evelyn May.”
“And please don’t call me that!” May timbre ng pagkapikon sa tinig niya. “Call me Eve. Everybody calls me Eve.”
Napailing ito subalit amusement naman ang pumuno sa mga mata. “Ano ba ang masama sa Evelyn May? Pangalan mo iyon pero mukhang kinasusuklaman mo. Look, I’m Ryan. Sa edad kong ito, Ryan pa rin ang pangalan ko. I don’t complain. Kahit na nga ba minsan, I become the expense of a joke. Si Ryan sira-yan!” And he laughed.
Umungol lang siya. “Ayoko ng pangalan ko, nababaduyan ako.”
“Uh-huh? Eh, miss, naitanong mo ba sa nanay mo kung bakit Evelyn May ang ipinangalan sa iyo?”
“Oo. Month of May ako ipinanganak. And she’s Evelyn. Masyado akong mahal ng nanay ko kaya kulang na lang gawin niya akong junior niya.”
“Iyon naman pala, eh. Dapat proud ka. Mahal ka na mahal ka ng nanay mo.”
“Basta, gusto ko Eve lang ang pangalan ko.”
Humigop ng kape si Ryan but he held his gaze on her. Tumikwas ang sulok ng labi niya, she didn’t like him looking at her under the rim.
“Ayaw mo bang tawagin kitang Honey?” he asked enticingly.
“Eve. That’s how I wanted to be called.”
“Eve,” he said indulgently. “On the contrary, I think I would find myself enjoying calling you Eve.” Ibinaba nito ng puswelo ng kape at dumukwang sa gawi niya. “Eve, the first woman God created. Eve, the woman God wanted Adam to love.” He leaned closer. “Eve, woman. Very feminine yet sexy.” He leaned until his mouth touched the border of her ear. “Eve, I am your Adam.”
“Wala ka talagang kuwentang kausap kahit kailan,” flat ang tinig na wika niya. hindi niya gustong ipamalay dito na malaki ang epekto sa kanya ng paglapit nitong iyon.
“What?” Ryan said in shock. “Ako, walang kuwentang kausap?” Natapik nito ang noo at sumandal sa backrest. “Jesus! Eve, I’m trying to be poetic!”
She smiled subalit segundo lang ang nagdaan at nauwi iyon sa tawa. “Poetic? Hindi bagay sa iyo, Ryan,” she said teasingly.
“Fine!” Padarag na bumaling ito sa kanya. “Ito, sigurado akong bagay sa akin.”
SINAPO ni Ryan ang magkabilang pisngi niya and claimed her lips in one searing kiss. Sa sandaling iyon ay hindi niya alam kung iiwas o kikilos o hihinga. Her reflexes were chasing recklessly through her body. Her mind was spinning, her insides were soaring. She had been absolutely disoriented by his kiss.
He kissed her fiercely, his tongue plowing deep with undisciplined passion. Kusang umaarko ang leeg niya. At tinanggap naman iyon ni Ryan bilang pabor sa sarili nito. His lips followed to plunder her neck and throat before invading her mouth again.
Naramdaman ni Eve ang pagkalas nito ng buhol ng suot niyang roba. In almost an instant, he found her breast and kneaded it possessively. When his thumb touched her peak through her bikini bra, it hardened quickly. Napaungol siya sa masarap na sensasyon.
She gasped when she felt his lips closing that aching peak. Hindi niya namalayang tinigilan na ni Ryan ang pangangahas sa mga labi niya. But when she moaned, it wasn’t a moan of protest but torment. She was tormented by inundating desire he had stirred in her.
Dumiin ang mga dulo ng daliri niya sa balikat nito. “Ryan,” she sobbed.
Tumigil ito sa ginagawa nito at nag-angat ng mukha sa kanya. “Do you like this?” he asked in a raspy voice.
“Yes… no!” Itinulak niya ito at tumuwid ng upo. “We better stop this!” At halos manginig ang mga daliri sa pag-aayos ng suot. Nag-iinit ang mga pisngi niya sa natuklasang ayos ng kanyang bra. Her one breast was exposed, and oh, it was glistening with his kiss! At sa isipin ding iyon ay hindi na niya matukoy kung ang pag-iinit ng pisngi niya ay dahil sa pagkapahiya o dahil ramdam pa rin niya sa katawan ang pagkapukaw ni Ryan sa kanya.
“Ako na,” he said softly.
He moved her hands away at ito ang gumawa ng dapat sana ay gagawin niya. He moved back her bra in place. At habang hindi naman siya makapaniwala sa nakikitang kilos nito ay nakikita rin naman niya sa mga mata ni Ryan ang mismong nararamdaman niya. His desire was still visible in his eyes. But the way he tied the sash of her robe, alam din naman niyang tapos na ang pangangahas nito.
And suddenly she was bewildered.
“There,” mahinang sabi ni Ryan at inabot ang kamay niya. “Kung gusto mong umakyat na, you can go. At huwag mong isiping itinataboy kita. I see confusion in your eyes. I don’t want to rush things.”
Napalunok siya. “Ikaw? Maiiwan ka rito?”
Amused na napangiti ito. At sa pagkagulat niya ay dinala nito ang kamay niya sa harapan nito. He was hard and hot as burning steel! Kinontrol niya ang sarili na pangahasang haplusin iyon. God, she used to love that amazing thing! And now, she felt she was captivated again.
“I know you understand this, Eve,” he said in a thick voice at inilayo na rin doon ang kamay niya. “And unless you are willing to ease my monumental ache, you better leave me now.”
Dapat ay makuha na niya ang ibig nitong sabihin. Dapat ay kumilos na siya nang walang tanong-tanong pa. Pero hindi siya tuminag sa kinauupuan. Dahil naisip niya agad, kung gagawin niya iyon ay parang ipinakita na rin niya dito na duwag siya. At hindi dapat na ganoon. Pagtatawanan lang siya nito kapag umakto pa siyang inosente.
“Ano ang gagawin mo, Ryan? Take the matter into your own hands?” pangahas na tanong niya.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay ito ang napatanga sa kanya. Different emotions dawned on his face. From anger to annoyance to amusement. Then he laughed. “You amazed me, woman.” At pagkuwa ay muli itong dumukwang sa kanya. He closed the distance between their lips. At sa mismong mga labi niya ay nagsalita ito. “Gusto mo ba talagang malaman kung ano ang gagawin ko?” he asked in an erotic tone.
“A-ano?” tanong niya na kinabahan din. At sa buong pagtataka niya ay lumayo sa kanya si Ryan at tumindig na. And she became breathless. She knew how virile he was. But seeing him now with his marvelous arousal, pakiramdam niya ay nakontrol na rin ni Ryan ang kanyang paghinga. She wanted to look away. Subalit sa wari ay mas malakas ang magnetong taglay niyon upang manatiling doon nakatuon ang tingin niya.
“Kung fifteen years old ako, kahit hindi mo sabihin ay iyon nga ang gagawin ko. But I’m a man now! A thirty-three-year-old man. Hell, I won’t settle for anything less pleasurable than a woman who would sheathe me tight in her warmth.”
Her throat went dry. “Ryan.”
“Go, Eve!” he growled. Pero sa halip na tiyaking susunod siya sa gusto nito ay ito pa ang naunang tumalikod. At nang mag-dive ito sa pool, nakita niya kung paano nito ibinuhos ang frustration sa pamamagitan ng paglangoy.
- itutuloy -