Chapter 45

1854 Words

Naging mapayapa ang sumunod na gabi kay Emilia kaya naman alas kwatro pa lang ng umaga ay gising na s'ya. Bumaba s'ya ng kusina upang tulungan si Aling Pacing. "Ano'ng menu natin today, Nay?" bungad ni Emilia. "Simple lang, tinolang manok, kaldereta, pancit habhab, inihaw na hito at pork adobo lang naman," sagot ng Mayordoma.  Kasama nito ang dalawa pang katulong na pawang mga baguhan. "Wow, ginutom ako. Ano'ng maitutulong ko para mabilis tayo?" pagboluntaryo ni Emilia. "Maupo ka lang diyan at magkape," sabi nito. "Ano nga? Gusto ko tumulong," saad ng dalaga. "Sige, maghiwa ka," utos nito at inabot ang mga gulay na ipangsasahog sa lulutuin.  Naglinis ng kamay ang dalaga at nagsimulang maghiwa. "Kumusta naman ang buhay sa manila?" tanong ni Pacing. "Okay naman po, palaging busy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD