Pauwi na ng mansion ang mag-anak at ang ipinagtaka ni Emilia dahil biglang tumigil ang sasakyan sa b****a ng gate ng mansion. Bumaba si Loyd at hindi na agad nakabalik. Kinabahan ang dalaga dahil napakadilim ng paligid. Lumabas ng sasakyan si Emilia at hawak ang isang kamay ng anak ay sabay silang naglakad papasok ng gate. Paglingon n'ya ay nakita n'ya na ganun din ang ginawa ng ibang mga kasama, nakabuntot ang mga ito sa kanya. "Huwag kang bibitaw kahit ano ang mangyari,okay?" sabi n'ya sa anak na noon ay natatakot na. Dahan-dahan silang naglakad at habang papalapit ay maririnig ang unti=unting paglakas ng musika na nanggagaling sa loob. Inikot ni Emilia ang paningin sa paligid at sa kanyang pagharap ay nasilaw s'ya sa ilaw na bumulaga sa garahe. Nagtakip s'ya ng mukha at unti-unting

