Chapter 5

1660 Words
Maagap na nagising ang dalaga. Maaga naman talaga s'ya nagigising ngunit iba ngayong araw. Napaka-espesyal ng araw na ito para sa kanya. Ito ang unang buwan mula nang naging magkasintahan sila ni Miguel. Sa unang buwan nila ay naging masaya ang kanilang relasyon kahit sila pa lang ang nakakaalam. Naging mahirap lang dahil hindi sila maaring magsama in public ngunit walang kaso 'yun sa kanya. Kung ang kapalit naman ay ang katiwasayan ng kanilang relasyon. Tiningnan n'ya ang isang box na naglalaman ng regalo para sa lalaki. "Sana magustuhan mo ang regalo ko," tahimik na usal ni Emilia. Nadaan s'ya sa isang cellphone shop kahapon habang busy ang mga kaibigan sa pamimili ng kanilang mga gagamitin sa school. Naisip n'yang bumili para sa boyfriend upang maging madali ang kanilang communication. Nais n'ya itong sorpresahin dahil magiging malaking tulong ito sa paghahanap nito ng trabaho at kahit pa magkalayo sila ay may means of communication pa rin. "Nay Pacing, aalis po ako ngayon baka hanapin ako nila Papa," paalam ng dalaga at hindi lumilingon na lumabas ng mansion. "Teka, hndi ka ba kakain? Ano 'yang dala mo?" tanong ng mayordoma sa napansin na dala-dala ng alaga. "Ah regalo ko po sa isang kaibigan," sagot n'ya at tuluyan ng lumabas ng bakuran. "Batang to, ang aga maglayas. Pero bakit hindi n'ya dinala ang sasakyan n'ya?" napailing ang matanda ngunit walang magawa kundi hayaan na muna ang alaga. Bitbit ang isang bag na naglalaman ng pagkain at box na kanyang pang-regalo. Pawisan ang dalaga nang makarating sa kwadra ng kanilang mga alaga. Inikot n'ya ang lugar saka nakita ang hinahanap. Nagpapakain na ito ng mga alaga. "Pssst," pagpapansin ng dalaga. Lumingon ang binata at daling lumapit ito. "Ano'ng ginagawa mo dito? Baka may makakita sa'yo," tahasang tanong nito. Hindi ito galit sadyang nag-aalala lang. "Sumilip lang ako, hihintayin kita sa kamalig," pagbibigay alam n'ya sa boyfriend. Kumaripas ng takbo ang dalaga at naiwang napailing ang binata. "Kailangan matapos ko mga gagawin ko rito upang masundan s'ya," bulong n'ya sa sarili. Nagpakain s'ya at hinanda ang inumin ng mga alaga nilang baka, kambing, kabayo at iba pang hayop na nasa pangangalaga n'ya. Magtatanghalian na saka natapos ang binata, dala ang extra shirt at tumungo s'ya sa kamalig upang duon na magbihis. Naabutan n'ya na naghahanda ng pagkain ang girlfriend. Napangisi s'ya, nakasuot ito ng saya na hanggang tuhod. Nang dumaan ito kanina ay nakapantalon pa ito. "Happy first monthsary!" masayang bungad ng dalaga na napansin na dumating na s'ya. "Happy monthsary din!" natatawang sagot n'ya. "Bakit natatawa ka?" sumimangot ng bahagya ang dalaga. "Hindi gaya ng iniisip mo," sagot n'ya rito. "Paanong hindi? Eh parang pinagtawanan mo ako," sabi pa nito. "Hindi ah, natatawa ako sa sarili ko dahil nawala sa isip ko ano'ng petsa ngayon. Ang ganda mo dyan sa suot mo," paliwanag at papuri n'ya. "Sus, bolero!" kunwaring nagtatampo na sabi ng nobya. "Nagsasabi ako ng totoo," giit n'ya rito. Hinubad ng binata ang damit na basa ng pawis kaya naman tanaw ni Emilia ang namimintog na mga muscles ng nobyo at tumatagaktak na ang pawis nito. Kahit naiilang ay tinulungan n'yang punasan ang basang katawan nito. Napapalunok s'ya sa bawat hagod n'ya sa katawan ng lalaki samantalang nanunukso ang mga ngiti at titig ng nobyo. "Huwag kang ganyan!" pagbabanta ni Emilia. "Bakit? Wala naman ako'ng ginagawa ah," natatawa s'ya sa nagiging reaction ng dalaga. Namumula ang pisngi nito sa pagkapahiya. Hinapit n'ya ito sa bewang at napakapit naman ito sa kanyang leeg. "I love you, ang ganda mo sa suot mo," bulong ng binata at pilit na pinipigil ang nararamdaman. "I love you more," sagot ng dalaga. Hindi napigilan ng binata ang sarili at binigyan n'ya ng mariin at matamis na halik ang nobya. Sweet first kiss. Halik na sa katagalan ay lalong kasasabikan. Lumalalim ang halik ng binata. Parehas na kulang sila sa karanasan ngunit nagawa nilang mapasaya ang bawat isa . "Tara na, lantakan natin ang mga pagkain na dala mo bago pa ikaw ang mapag initan," pagbibiro nya. Kumalas ang dalaga at hinampas ito sa balikat. Kailangan nila magpigil hangga't hindi pa dumadating ang tamang panahon para sa kanila. Ito ang unang pagkakataon na kumain sila ng sabay bilang magkasintahan. "Masarap, sino ang nagluto?" tanong n'ya rito. "Si nanay Pacing," sagot ng dalaga. "Ganun ba, mabuti hindi s'ya nagtaka na may mga nawawalang pagkain sa mansyon," biro n'ya rito. "Hindi naman, hahahaha," natatawang sagot ng dalaga. Sinubuan pa n'ya sa pagkain ang dalaga. Tahimik silang kumakain ng pananghalian sa loob ng kamalig na sila lamang ang nakakaalam. Si Miguel ang nagligpit ng kanilang pinagkainan habang nakamasid lamang ang dalaga. Naupo s'ya sa sahig na gawa din sa kawayan. Si Miguel ang may gawa ng kamalig mula sa mga puno at kawayan na matayog na nabubuhay sa di kalayuan. Ginawa nila ito upang maging pahingahan mula sa tunay na mundo. Dito sila mas makapag-isip at makapagpahinga mula sa mapanira at magulong komunidad. Malalim ang iniisip ng dalaga nang lumapit ang binata at naupo ito sa tabi n'ya. Umakbay pa ito habang nakatitig sa kanya. Mga mata nito na inaarok ang laman ng isipan n'ya. Kinuha n'ya ang isang box mula sa bag. "Para sa'yo," nakangiting inabot n'ya ang kahon. "Ano ito?" nagtatakang tanong nito. "Just open it," untag n'ya rito. Binuksan ito ng binata at hindi makapaniwala sa nakita. Matagal na s'yang nag-iipon upang makabili ng cellphone na magagamit n'ya sa kanyang paghahanap ng trabaho at regalo din n'ya sa sarili sa nalalapit na pagtatapos. "Hindi ko alam ang sasabihin ko pero salamat, parang hindi ko matatanggap ito. May ipon din ako upang pambili ng cellphone," sabi n'ya sa dalaga. "Kailangan tanggapin mo 'yan kung ayaw mo na magalit ako. Bigay ko ito para sa iyo. Ang ipon mo ay para sa iba mo pang kailangan. May pagagamitan ka pa sa pera mo at alam ko mas malaki pa ang kailangan mo ngayong magtatapos ka na," udyok ng dalaga. Walang magawa ang binata kundi tanggapin ang bigay na regalo ng dalaga. "Hindi ko alam ano'ng magagawa ko upang makabawi sa iyo." sagot n'ya rito. "Tanggapin mo ang bigay ko dahil gusto ko na maging parte ng tagumpay mo. Nais ko na sa maliit na bagay ay may maiambag ako upang mapasaya ka at hindi ka mahirapan." Mahabang pahayag ng dalaga. "Ang swerte ko bukod sa maganda, mabait, supportive at mapagmahal ang nobya ko. Promise, babawi ako!" pangako ng binata kay Emilia. "Isa lang ang hihilingin ko, huwag kang bibitaw sa mga pangarap mo." sabi pa ng dalaga. "Oo naman dahil kasama ka sa pangarap ko," sagot n'ya kay Emilia. Niyakap n'ya ito ng mahigpit. "Wala ako'ng maibibigay pa sa'yo, kundi isang bukod at natatanging pagmamahal," lambing n'ya sa dalaga. Hinalikan n'ya ito sa noo, pababa ng pisngi at sa mga labi. "Naadik na ako sa iyong halik ah," usal ng dalaga at hinawakan n'ya ang baba ng nobyo saka hinalikan ito sa bibig hanggang naging malalim ang pagtugon nito. "Ssssh! Tama na muna, bago pa tayo tuluyang makalimot," putol ng binata sa nadadarang na pakiramdam. Tumawa ng mahina ang dalaga at sinabayan naman ito ng binata. "Sa pagtatapos ko, magiging maayos din ang lahat. Gagawin ko ang makakaya ko upang maging proud ka sa akin at maging katanggap tanggap ako sa pamilya mo," pangako ni Miguel. "Ngayon pa lang proud na ako sa'yo and I know you'll go farther in life." Nakangiting saad ng dalaga at hinilig ang ulo sa balikat ng binata. "Oo naman, para sa'yo at para sa atin ang lahat ng gagawin ko," sagot ng nangangarap na binata. Hindi na alintana sa mukha takot at pangamba. Napalitan ito ng pag-asa at pagmamahal dahil iyon ang kailangan n'ya upang makausad. "Ano'ng pangarap mo'ng maging?" tanong ng dalaga. "Maging doctor ng mga hayop, magkaroon ng sariling negosyo at syempre pamilya kasama ka. Gusto ko ng simple ngunit tahimik na buhay kasama ka at anim na mga chikiting," pagkukwento ng binata. "Anim lang? Hindi pa ginawang isang dosena," natatawang biro ng dalaga. "Bakit kaya mo isang dosena?" sakay ng binata sa pagbibiro ng nobya. "Sige, ganito na lang. Depende sa ipagkakaloob sa atin ng Maykapal ay s'yang maluwag nating tatanggapin," sagot ng dalaga sabay kindat sa binata na nakatitig sa kanyang maamong mukha. "Huwag mo ako'ng kindatan ng ganyan baka ako makalimot," pagbabanta ng binata. "Bakit? Wala ako'ng ginagawa ah," natatawang sagot ng dalaga. "Huwag mo ako'ng tinutukso baka totohanin ko lagot ka sa akin, baka umuwi kang nakaliyad na," pagbibiro ng binata. Walang humpay sa katatawanan ang dalawa at hindi napansin ang oras. Tinuruan n'ya si Miguel pa'no ang paggamit ng bagong cellphone. "Ingatan mo 'yan ha para kahit sa malayo ka magkakatawagan pa din tayo," paalala ng dalaga. "Oo naman gaya ng pag-iingat ko sa'yo," pambobola ng binata. Saka lamang napansin ni Emilia na mag-alas kwatro na. Nagmamadaling niligpit nila ang mga gamit at nauna na si Miguel dahil kailangan na nito bumalik sa trabaho. "Ambilis ng oras," reklamo ng dalaga. "Hayaan mo madami pang mga araw at taon na maging magkasama tayo, mauuna na ako at hinhintay na ako ng mga alaga ko" sagot ng binata, bumalik ito saka tuluyang naglaho sa kanyang paningin. Masaya na naglakad pauwi ang dalaga. Hindi n'ya namalayan ang isang sasakyan na nakasunod sa kanya. "Hey, saan ka galing?" sigaw ng driver ng sasakyan. Nilingon ito ni Emilia at napag-alaman na si Loyd ang driver. "Nag-ikot lang, ikaw ano'ng ginagawa mo dito?" tanong n'ya sa binata. "Papunta ako sa inyo, inanyayahan ako ng Papa mo eh wala naman ako gagawin sa bahay kaya pumarito ako," sagot ni Loyd. "Sakay na!" utos sa kanya. "Okay lang ako, malapit na ang mansion mauna ka na baka kanina pa naghihintay sa'yo 'yun," sagot ng dalaga kay Loyd. "Sumabay ka na sa akin, hindi ako aalis dito nang hindi ka sumasakay," pangungulit ng binata. Tumalima naman ang dalaga at sumakay sa sasakyan nito. Walang imikan ang dalawa habang nasa sasakyan hanggang makarating ng kanilang bakuran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD