Chapter 6

1650 Words
Payapang nagmamaneho si Loyd nang mapansin ang isang pamilyar na pigura ng babae na naglalakad mula sa malayo. Si Emilia. "Ano'ng ginagawa ni Emilia sa kanilang bukirin sa ganitong oras?" tanong n'ya sa sarili. Huminto s'ya upang hintayin ang babaeng naglalakad mula sa malayo. Hinayaan n'ya itong lumagpas sa kanyang kinalalagyan saka ito sinundan. Hindi s'ya nito napansin at nakilala kung hindi n'ya tinawag ang pansin nito. Ayaw pa sana nito sumabay kung hindi lang s'ya naging makulit. Tahimik na binabaybay nila ang kalsada papasok ng bakuran ng mga Montezillo. Mula sa veranda nakikita ang mag-asawang Don Carlos at Donya Luisa. Magiliw na sumalubong ang mga ito at mas gumanda ang ngiti ng dalawang matanda nang mapansin na magkasama sina Emilia at Loyd. "Mabuti at nakarating ka, Loyd!" bungad ng ama. Binuksan ng binata ang pintuan ng sasakyan. Makahulugang na nagkatinginan ang dalawang matanda. "Syempre naman po, sino ba naman ako para tumanggi," masayang sagot ni Loyd. "Magkasama pa pala kayo nitong unica iha ko," sabat ng maybahay ng Don. "Yes Ma, Pa! Maglalaro pa kayo so mas maiging simulan n'yo na ang paglalaro at mapahanda na din sa kusinera ang ihahain mamaya," mabilis na sagot ng dalaga sa mga magulang. Ayaw n'ya na makahalata ang mga ito. "Ano'ng gusto n'yong meryenda?" tanong n'ya sa mga ito. "Busog pa ako, salamat," magalang na sabi ng bisita. "Oh sige, doon tayo!" Paanyaya ng Don kay Loyd. Magiliw at masigla ang Don kung ang kasama at kausap ay si Loyd. Halatang gusto ng mga ito ang binata para sa kanilang dalaga. Umakyat ang dalaga sa kanyang silid, nag-shower at nagbihis. Sumilip s'ya mula sa bintana ng kanyang silid. Nalulungkot s'ya madalas kung mag-isa sa tuwing maiisip n'ya ang tungkol sa karelasyon at sa nais ng ama. Wala pang pormal na sinasabi ang mga ito ngunit nararamdaman n'ya. Sa madalas na pagdalaw ni Loyd sa kanilang mansion, alam n'ya na may pahintulot ito sa ama anuman ang nais nito. Bumaba ang dalaga at nagpunta sa komedor. Busy ang mga katulong sa paghahanda para sa hapunan at ang iba ay hindi magkukumahog sa gawain lalo at nasa mansion ang Don. Maliban kung may inaaasikaso o may lakad ito laking pasalamat ng mga tao. "Nak, nanliligaw ba si Loyd sa'yo?" biglang tanong ni Manang Pacing. "Hindi po, sino nagsabi naman n'yan? Magkaibigan lang kami ni Loyd," nakasimangot na sagot n'ya rito. "Wala naman, napapansin kasi namin mas madalas na s'ya dito at kasama s'ya ng Don sa mga lakad," pagkukwento ng mayordoma. "Nay, walang namamagitan sa amin at hindi s'ya nanliligaw," giit n'ya sa matanda. "Pa'no kung manligaw sa'yo 'yung tao? Tatanggapin mo ba?" tanong pa nito. "Wala sa isip ko yan nay, hanggang kaibigan lang po ang tingin ko kay Loyd," tahasang sagot n'ya rito. "May nagustuhan ka bang iba? Pa'no kung gusto s'ya ng ama mo?" pangungulit ni Pacing. "Nay, that's nonsense. Ayoko ng ganyan, tigilan mo na yan," naiiritang sabi n'ya sa matanda upang matigil na ito. "Pasensya na napasobra yata ako" paghingi ng dispensa ng matanda. Umalis na ang dalaga at bumalik sa kanyang kwarto. Maya maya ay tumunog ang kanyang telepono. "Hi, Mahal. Sana okay ka, salamat sa regalo mo, love Miguel" sabi sa text. "Wow, nagamit mo na agad. Very good. Kamusta araw mo?" reply n'ya rito. "Eto masaya kahit pagod pero napawi naman lahat dahil nakasama kita ng matagal," sagot sa kanya ng kausap. Kinikilig ang dalaga. Ewan ba n'ya sobrang saya at kuntento s'ya sa tuwing kausap o kasama n'ya ang binata. Hindi pa ito nagreply kaya nagpasya s'yang bumaba ng silid. "Malamang may ginawa na naman ito kaya hindi kaagad nakasagot," sabi n'ya sa sarili. "Anong balak mo, iho?" tanong ng Don sa kalaro. Nais n'yang malaman ang plano nito. Obvious naman na ito ang gusto n'ya para sa anak na si Emilia. Para sa kanya walang masama kung tatanggap na ng ligaw ang anak basta eh may approval sa kanya. "Tungkol po saan Don Carlos?" balik tanong ng binata sa matanda. "Don't call me Don Carlos, it's too formal. Call me Tito," utos nito kay Loyd. "About Emilia, kailan mo balak manligaw sa kanya?" diretsong tanong ng Don. "Po?" gulat ang reaksyon ng binata sa sinabi ng kausap. "Don't you like my daughter?" patuloy na kwestiyon ni Don Carlos. "Of course, I do like her. Kaya lang I'm not sure if she's ready for it," pagtatapat ni Loyd. "How will you know kung hindi mo susubukan? Besides, you got me. You have my support. Ikaw ang napipisil ko na mapapangasawa ng aking unica hija," walang pagdadalawang isip na sabi ng Don. "What if she likes someone else?" paninigurado ng binata na sa kanya ang papabor ang mabagsik na Don Carlos. "Then he has to deal with me first, anyway we're talking about you and Emilia so when do you plan to start working on it?" Nakakunot ang noo na tiningnan ang kausap na binata. Gwapo ito, matikas, matalino at higit sa lahat galing sa isang prominenteng pamilya. Nag-iisang anak ng alkalde sa kanilang bayan. Kaya nga noon pa ito na ang nais n'yang kapares ng nag-iisang anak na babae simula pagkabata. Naging magkaibigan ang dalawa dahil din sa kanya. Ang ama ni Loyd at ang Don ay magkasama sa fraternity noong college. Hanggang sa kanilang pagtanda ay matindi ang kanilang brotherhood. Pati ang kanilang mga asawa ay naging mabuting magkaibigan na din noong nabubuhay pa ang ina ni Loyd. "Soon, I'll be very honest with her. You know, since day one that I liked her. Do you think she will like me too?" tanong ni Loyd na halatang hindi sigurado sa susunod na mangyayari. Natatakot s'ya na baka iwasan s'ya ng dalaga sakali na magtapat s'ya. "Oo naman, sino ba ang aayaw sa isang Villader. Ako ang bahala sa'yo," pangongonsola ng Don. Nakahinga ng maluwag ang bisita. Alam n'ya na hanggang kaibigan lang ang turing sa kanya ng dalaga subalit malaking tulong kung mismo ang ama nito ang gagawa ng paraan upang sila ay magkaroon ng pag-uunawaan. Gagawin n'ya ang lahat upang makuha ang buong puso at pagmamahal ng sinisinta. "Mga Ginoo, handa na ang hapunan." pagbibigay-alam ng Ginang. Tumayo ang dalawang lalaki at sumunod sa komedor kung saan nakahain na ang mga masasarap na pagkain. Sariwa ang inihahandang pagkain na galing din sa sariling farm. Hindi alam ng dalawa na narinig ng dalaga ang kanilang pag-uusap. Gustong sumama ang loob n'ya sa ama ngunit kailangan n'ya magpigil na parang wala s'yang alam. Kailangan n'yang mas mag-ingat sa mga ito upang maprotektahan ang relasyon nila ni Miguel. "Sorry Loyd, ngunit si Miguel ang mahal ko at hindi na magbabago pa ang nararamdaman ko sa kanya," mahinang usal ng dalaga habang pababa na ng komedor. "Oh, andito na pala ang ating prinsesa. Halika na at makakain na tayo ng sabay," aya ng ina. Umupo ang dalaga sa katapat na upuan ni Loyd. "Hija, saan ka ngayong sabado?" tanong ng ama. "Hindi ko pa po alam baka may mga school works ako eh," pagdadahilan n'ya sa ama. "Ganun ba, kung wala kang gagawin sa sabado. Pupunta tayo sa mga Villader, gusto ko makita ang bagong project ni Mayor," dagdag pa ng ama. "If I know, you're just finding ways para mapalapit ako kay Loyd," naiisip ng dalaga. "Sasabihin ko po kayo kung pwede ako," balewala na sagot n'ya sa ama. "Tutulungan kita sa school works if ever para mabilis matapos so you can join sa Saturday," suhestiyon ng bisita. "I think that's a very good idea," sumasang-ayon na sabat ng Don sa sinabi ng binata. Masyadong obvious na ang dalawa. "Let's see, sila kuya ba ay tumawag na?" pag-iiba n'ya ng usapan. Iyon ang ang naisip n'yang sabihin upang maligaw ang kausap. "Oo, kanina tumawag na sila. Maayos naman ang naging byahe nila pauwi. Sabi pa ay tayo naman daw ang magbakasyon sana sa kanila sa susunod," sagot ng ina. Madalas ito ang kausap ng mga kapatid pagka tumatawag ng mansion. "Umuwi ba sila right after the party Donya Luisa?" pang-uusisa ni Loyd. "No, nag stay pa sila ng two days saka nauwi. Nakapag-ikot pa ng farm kaming mag-anak. And just call my wife Tita, okay?" dagdag pa ng ama sa naunang sinabi nito bilang sagot sa tanong ni Loyd. "Okay po, Tito!" Nakangiting saad ng binata. Pagkatapos nila kumain ay naupo pa sila sa may veranda upang magpahangin at makapagkuwentuhan. Subalit wala sa mood ang dalaga. Hinihintay nya ang reply ng binata. "Mahal, pasensya na madami pa ako ginawa at katatapos lang. Kumain ka na ba?" Sa wakas sumagot na ito. "Oo, kumain na ako. Ikaw kumain ka na upang makapagpahinga ka na pagkatapos," sabi pa ng dalaga sa text. Gumaan ang pakiramdam n'ya dahil sumagot ang binata. Habang busy sa pakikipag-usap ang tatlo, s'ya naman ay abala sa pakikipag-text kay Miguel. "Iha, sino ang kausap mo at puro cellphone ka dyan?" curious na tanong nga ama. "Mga makukulit na kaklase ko lang po," nakangiting sagot n'ya rito. "Don't bother to reply, nag-uusap tayo," utos ng ama. "Okay po," kagat ang labi na binitawan ni Emilia ang cellphone at nilagay sa kanyang bulsa. "I think it's getting late na din, I have to go. Next time na lang po ulit," paalam ng bisita. "Sige iho, mag-ingat ka sa daan. Emilia hatid mo si Loyd sa garahe." utos ng ama sa dalaga. Sinamahan n'ya si Loyd hanggang sa garahe. "I hope you will think about the tour package that I gave you as my present. Let me know kailan mo s'ya gagamitin so I can help you with the booking arrangements," pagpapaalala ng binata. "Sure, thank you. Sana magamit ko s'ya soon. Ingat sa pagmamaneho and goodnight!" paalam n'ya sa binata. Kung may isasama s'ya sa tour na 'yun, walang iba kundi si Miguel. "Pwede! 'Yun na lang ang panreregalo ko sa graduation n'ya," bulalas n'ya. Natuwa s'ya sa naisip. Kailangan maayos n'ya ang schedule para doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD