Chapter 7

1529 Words
Araw ng sabado. Walang nagawa ang dalaga kundi pagbigyan ang ama. Wala s'yang lusot sa mga ito dahil ginawa ni Loyd ang lahat upang tulungan s'ya matapos ang kanyang school works. Naghahanda sila upang dumalo sa inauguration ng isang planta na isa sa mga proyekto ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor na ama ni Loyd. Hindi ito nakadalo sa kanyang kaarawan dahil sa dumalo ito sa isang convention sa Cebu. "Hal, aalis kami nila Mama at Papa para dadalo sa isang event sa bayan. Inimbitahan kasi kmi ni Mayor, babawi ako sa susunod. Promise!" paalam n'ya sa boyfriend gamit ang kanyang telepono.  Madalang na makapag-usap sila gamit ang cellphone kung nasa mansion s'ya. Malaya lang n'ya na nagagawa ang gusto ko kung sa labas s'ya ng kanilang bakuran. Walang sagot mula sa binata. "Are you ready, Emilia?" tawag ng ina mula sa pintuan ng kanyang silid. "Yes, ma. Susunod po ako sa ibaba," pagbibigay alam n'ya. Nakasuot s'ya ng simpleng floral dress at flat shoes na terno sa kanyang kasuotan. Bigay ito ng ina. "You look fresh and lovely on that dress, hija," puri ng ina. "Thank you Ma, ikaw din you look younger on your pink dress. Nagmukha kayong teenager," napabungisngis na puna n'ya sa ina.  Napakaganda ng ina at hindi kita sa mukha ang ilang taon na pangangalaga nito sa pamilya. "Let's go. Tama na ang bolahan. Mahirap na malate tayo sa ating pupuntahan." Pagyaya ng ama na nakasuot ng white polo shirt na naka-tucked in sa blue pants nito na binagayan ng kanyang black leather shoes at hat.  Ang ama n'ya ang nagmaneho ng sasakyan. Dumating sila sa destinasyon ng maaga. Isa itong malaking planta para sa dairy farm project ng lungsod. Napili ang kanilang bayan na paglagakan ng ganitong proyekto dahil sa nakikitang potential sa lugar. Pagpasok ng mag-anak ay iilan pa lang ang mga nakaupo at karamihan ay mga organizer ng okasyon. Simple ngunit maganda at bagay sa okasyon ang dekorasyon. May oras pa upang makapag-ikot. Sinalubong sila ng mainit na pagbati mula sa entablado. Si Loyd, as usual s'ya ang announcer ng event. Mahilig ito sa mga parties at madalas ito nakukuhang host dahil sa famous at magaling naman talaga ito. Pumalakpak ang mga naroon bilang pagsalubong sa Don na isang espesyal na bisita. "Buti, nakarating ka," bungad ni Loyd sa kanya sabay halik sa pisngi bilang pagbati. "Oo, wala naman na gagawin pa na school papers," matipid na sagot n'ya. Lumapit ito at nagbeso-beso sa ina at simpleng pagwelcome sa ama. Nakaupo sila sa harapan malapit sa entablado. Nagsimula na ang programa at walang naiintindihan ang dalaga dahil nakaabang s'ya sa message ng nobyo. Mabuti at nasa likuran s'ya ng mga magulang kaya hindi s'ya napapansin ng mga ito. Busy sila sa pakikipag-usap sa mga kaibigan at kakilala."Pasensya na, kagagaling ko lang sa mga alaga," sabi sa text. "Ah ganun ba, naiinip ako rito. Wala lang ako choice," reply n'ya sa nobyo. "Okay lang 'yan, ienjoy mo na lang. Isipin mo na may matutunan ka din naman sa okasyon. Kita na lang tayo kailan ka hindi busy, andito lang ako. Okay? Ingat kayo dyan!" last message mula sa binata. Napabuntong-hininga ang dalaga at inikot ang paningin. Nakikita n'ya na nakatitig sa kanya si Loyd. Ngumiti ito kaya sinuklian din n'ya ito ng ngiti. "Salamat, tapos na. Gusto ko ng umuwi at makita si Miguel," pabulong na sabi n'ya. "Hija, kumusta ka na? Nice to see you again! Wow, look at you now!" bulalas ng Mayor.  Hindi s'ya aware na nasa harapan na n'ya ito. "Hello po, okay naman ako. Kumusta po, mayor?" nag-aalinlangang tanong n'ya. Nakakausap at nakikita naman n'ya ito noon pa ngunit dahil sa madalas ay busy ito, never pa n'ya naka one on one ang isa sa kilalang personalidad sa kanilang bayan. "Ang ganda mo na, I guess bagay talaga kayo ng binata ko," diretsong sabi nito kahit na marami ang nakakarinig ay wala itong pakialam. Ngumiti lang s'ya ng bahagya at hindi na nagkomento pa. "Of course, kumpadre. Alam mo kung magkaka-boyfriend itong anak ko, gusto ko ay gaya ni Loyd kung hindi man dapat ay mas higit pa," sabat naman ng kanyang ama. "Pa, ano'ng pinagsasabi n'yo," nakasimagot na saad ng dalaga. "We we're just joking, but you can consider it hija," sagot ng Mayor. "Hija, come let's go and get some food muna. I know you're hungry." Pag-iwas ng ina. "Ma, do you agree on what they're saying? That wasn't funny," pagrereklamo ng dalaga sa ina. "Hey, calm down. Hayaan mo na sila, okay? Huwag mo masyadong bigyan ng pansin ang mga ganyang bagay. Just focus on yourself," pakiusap ng ina sa kanya upang hindi na humaba pa ang usapin. "Do you like Loyd too?" tanong n'ya rito. "Who wouldn't like such a nice guy?" matipid ngunit makahulugang sagot nito. Hindi na sumagot ang dalaga habang kumakain. Alam n'yang matatalo lang s'ya. Kailangan mag-ingat s'ya sa lahat ng galaw at sasabihin n'ya. "Hey, come with me. I would like to show you around." Offer ni Loyd.  Tumango lang ang ina bilang pagsang-ayon. Sumama ang dalaga. Aminado naman s'ya na mabuting tao ito. Naging magkaibigan sila kaya naman mataas ang tingin n'ya rito dahil kilala n'ya na mapagkakatiwalaan n'ya ito. Inikot nila ang bagong gawang planta. Magiging dairy processing plant ito na s'yang magpa-process at magsu-supply ng mga fresh at powdered milk sa bayan ng Nueva Ecija at sa mga lugar na makakaya nitong maabot. Isa ang kanilang farm na kasosyo sa naturang project. Ang kanilang farm ang s'yang main supplier ng mga kambing, baka at kalabaw na pagkukuhanan ng gatas upang ma-process sa nasabing facility. "Great job and congratulations! Napakagandang proyekto ito. Malaking tulong ito sa mga taga rito dahil sa makapagdagdag ng income at trabaho sa mga residente," namamanghang komento ng dalaga. "Thank you, pero hindi sa akin ito kaya huwag ako ang batiin mo hahaha," natatawang sagot ni Loyd. "Maybe, pero he is your father so I guess part ka din ng success n'ya sa bawat projects at programa na pinapatupad n'ya. That's how I see it," dagdag pa ni Emilia. "Oh talaga ba," pagpapacute pa ng binata.  Hindi mapigilan ng dalaga ang matawa sa reaksyon ng mukha nito. Mahilig ito mag-make faces na s'ya namang dahilan kaya magaan din ang loob n'ya rito dahil sa funny side nito. "May balak ka din ba na pumasok sa pulitika?" tanong n'ya sa kaibigan. "Seriously, you're asking me that?" sagot ni Loyd. Kibit balikat ang sinagot ng dalaga sa tanong nito. "Actually, I never thought of that. Mas gusto ko pa din ang kalayaan ko na magawa ang nais ko na walang nanghuhusga o nakaabang sa bawat galaw ko. Anak nga lang ako ng isang mayor but I'm being scrutinized and ayoko na i-look up ako just because of him. I don't like that," umiiling na pahayag nito. "Isang taon na lang at magtatapos na tayo, ano'ng plano mo?" tanong n'ya sa kaibigan. "Plans? I have tons of them. I have to always consider on how to please the Mayor. How about you?" seryosong tanong nito sa kanya. "Gusto ko makapagtapos ng pag-aaral so my family would be very proud of me. I wanted to be successful in business. Ayoko mamuhay sa anino ng mga magulang ko," mahabang pahayag n'ya. "When do you plan on having a boyfriend?" pang-aarok nito sa kung ano ang isasagot n'ya. "If I'll be having one, gusto ko simple lang pero loyal, masigasig sa buhay kahit hindi mayaman," walang anuman na sagot n'ya sa tanong nito. "Do you like someone?" pangungulit nito. "Hahahaha, I'm too young for that." Hindi n'ya napigilan ang matawa. "So, wala nga?" giit pa nito. Hindi na n'ya ito sinagot. "Baka naman ,babae din ang gusto mo, Oh my God, Emillia" bulalas nito. "Baliw!" natatawa s'ya rito kaya hindi n'ya napigilan na mahampas ito sa balikat. Umiling na lang ang binata at hinawakan ang kanyang braso upang alalayan pabalik sa grupo. "Look at them, they look good together huh!" nakangiting pamumuna ng Don. "Yeah, mukhang hindi tayo mahihirapan sa kanila. They look happier, and compatible I would say," pangsang-ayon ni Arthur. Nakikinig lang ang Ginang sa usapan nila. "Kumusta ang pag-iikot nyo?" tanong ng Mayor sa dalawa na nakabalik na sa kanilang upuan. "I'm amazed, congrats po sa napakagandang programa. Everyone would benefit from this," masayang pagbati mula sa dalaga. "Salamat at nagustuhan mo din Hija. You are smart and beautiful kaya gusto kita eh."nakangiti ito. Masyado itong prangka at sinasabi ang nais sabihin. "You're very much welcome po Mayor, salamat sa paanyaya today!" nasagot na lamang ni Emilia. "Kumpadre sa susunod doon ulit tayo sa bahay ninyo, mas masaya 'yun," panggagatong ng ama. "Salamat sa masarap na pagkain at napakaganda ang araw na ito para sa ating lahat," pagpupugay ng inang si Luisa. "Kayo ba ay uuwi na at mukhang nagpapaalam na kayo the way you sounded," pagbibiro ng Mayor. "Sad to say, yes. Alam mo naman madami din kami inaasikaso," ang Don na ang sumagot. "S'ya sige, sa susunod sa bahay tayo kahit pa magdamagan, okay lang" sabi pa ng alkalde. "Okay, sige. Set natin 'yan para walang palag," pagsang-ayon ni Don Carlos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD