Gabi na nakauwi ang mag-ama mula sa katatapos lang na inauguration. Naging successful ito at ang lahat ay masaya sa panibagong proyekto. Marahil dahil sa marami ang makikinabang sa nasabing project.
"Kakain na po ba ka'yo, sir?" bungad na tanong ng katulong nila na si Aling Emma.
"Huwag na kayong mag-abala pa Manang, busog pa kami. Magpahinga na lang po kayo, kukuha ako ng makakain sa ref kung magugutom ako," mahinahon na bilin n'ya sa matandang kasambahay.
Isa ito sa loyal na tauhan ng ama. Hindi pa s'ya naisisilang ay nagsisilbi na ito sa kanilang pamilya. Dinig n'ya ay may naging kasama din ito noon na nag-alsa balutan sa hindi malaman na dahilan.
"Sige, mauna na ako sa aking silid. Magpahinga ka na din ha," paalam ni Aling Emma.
Tumango lamang ang binata saka kumuha ng wine. Gusto n'ya i-relax ang sarili.
"Kailangan ko magbakasyon, pero gusto ko kasama ka." Naisip ni Loyd.
Magiging sulit ang bakasyon n'ya kung makakasama n'ya ay ang babaeng noon pa man ay kanyang pinakatatangi. Si Emilia. Bata pa lang sila ay madalas na sila magkasama. Sabay lumaki at makapag-aral. Lagi silang tinutukso saan man sila magpunta at nagiging matchmaker ang lahat ng nakakasama nila sa grupo. Maganda, matalino, hindi maarte at hindi s'ya mahihirapan na sumuyo rito dahil simula't sapul at pinapahiwatig ng pamilya nito na boto sila sa binata. Binuksan n'ya ang kanyang cellphone at halos lahat ng naroon sa kanyang gallery ay mukha ng dalaga. Karamihan sa mga photos and videos ay stolen. Ang iba naman ay nakuha nya sa social media nito.
"Sino ba ang hindi maghuhumaling sa kagaya mo, Emilia?" natanong n'ya sa sarili.
Naalala n'ya ang naging pag-uusap ng Don.
"Pa'no nga ba kung may ibang napupusuan ang dalaga?" pinilig n'ya ang ulo sa naisip.
"Hindi ko matatanggap na may ibang magugustuhan si Emilia.
Ako lang ang nababagay sa kanya. Gagawin ko ang lahat upang magustuhan n'ya," mariin ang mga salitang binitawan ng binata. Kabisado n'ya ang bawat kwento ng buhay ng dalaga dahil present s'ya sa lahat ng kabanata nito. Kaya hindi maitatanggi nito kung may naililihim ito. This past few days, napapansin n'ya na laging masaya ito. Madalas ay masigla ang dalaga. Wala naman nanliligaw dito at walang maglalakas loob dahil bantay sarado n'ya ito. Nararamdaman n'ya na may pagkakataong naiilang na ito sa kanya kaya dumidistansya s'ya sa mga ganoong instances.
"Ikaw ang pupuno ng buhay ko at katuparan ng mga pangarap ko, Emilia," bulong n'ya habang nakatitig sa litrato nito.
"Hanggang ngayon ba ay sa litrato mo lang nasasabi ang nararamdaman mo sa kanya?" sabi ng ama n'ya na nasa likuran na n'ya na hindi n'ya napapansin.
"I'm going to propose to her dad, soon!" pangako n'ya sa ama.
"Dapat lang, bago ka pa maunahan ng iba," sabi ng alkalde bilang pagsuporta sa kanya.
"Walang naglalakas loob na makalapit kay Emilia, dahil nasa paligid ako," malakas ang tiwalang sagot ni Loyd sa ama.
"Don't be too over confident son, you can't guard her in twenty four hours. Hindi mo alam kung sino mga nakakasama n'ya after school," untag nito.
"I got you, no worries. I can manage," nakangiting paggarantiya n'ya na sa kanya mapupunta si Emilia.
"You know, you two were just months old noong napagkasunduan namin ni Carlos na kayo ang ikakasal pagdating sa tamang panahon. Ngunit mas matibay at masarap ang isang pagsasama kung pagmamahal ang nagtataguyod dito." mahabang paliwanag ng ama.
"I understand, at iyon din naman ang nais ko Dad. Kaya nga liligawan ko at susuyuin ng pormal si Emilia. Ayoko din na lalabas na ipinagpilitan ko ang sarili ko," sabat ng binata.
"That's my boy!" proud na bigkas ni Arthur.
Sa lahat ng ginagawa ng anak alam n'ya na iniaalay nito sa kanya. Ayaw nito na ma-disappoint s'ya lalo at nag-iisang anak lamang n'ya ito.
"Dad, minsan ba minahal mo si Mom?" paghahalungkat ng anak.
Ever since he was child they never had a chance to talk a little deeper about sa Mommy n'ya. All he can remember was the memories as shown on their old gallery.
"What happened between me and Krista ain't gonna happen to you. Hindi ko hahayaan na mangyari 'yun. Yes, she loves me but I can't afford to give it back to her. Kaya kami nagtagal ay dahil sa'yo. Because we both love you, you must always remember that," paglalahad ng ama.
Alam n'ya na sobrang mahal s'ya ng ama at kailanman ay s'ya ang naging priority nito simula ng mawala ang kanyang ina. Apat na taon s'ya ng matagpuan na wala na itong buhay. Namatay ang ina sa depression ayon sa mga doctor at sa mga taong nakakaalam sa tunay na relasyon ng kanyang mga magulang. Hindi nito matanggap na hindi s'ya kayang mahalin ng buo ng alkalde. He never loved her. He just cared for because of his son, Loyd.
"Salamat dad," maiksing sagot n'ya sa ama.
Nagpaalam na s'ya rito saka pumanhik sa kanyang kwarto. Ang kanilang bahay ang isa sa pinakamatanda at pinakamatibay na tahanan sa lugar. Ilang henerasyon na ang nagdaan sa pamamahay ng Villader. Naaalagaan ito ng maayos, napa-renovate at napa-extend ang ilang area upang mas maging maluwang at kaaya-aya sa sino man na papasok sa kanilang bahay. Ang mga muwebles ay mula pa sa kanilang mga ninuno. Napapaikutan ang kanilang bahay ng mga prutas at puno ng dwarf coconuts kaya naman maaliwalas ang bakuran. Country style ika nga. Maiksing mensahe ang ipinaabot n'ya sa dalaga bago pa tuluyang magpahinga.
Kinabukasan, maaga s'yang nagising upang pumunta sa mga Montezillo. Nais n'ya ayahin ang dalaga na magsimba at kumain sa labas. Wala s'ya dapat pag-aksayahan ng oras.
"Saan ang lakad?" tanong ni Aling Emma.
"Sa bayan po, kasama si Emilia," pagtatapat ng binata.
"Magdate kayo?" nakangiting tanong ng katulong.
Hindi s'ya sumagot.
"Gusto ko s'ya hijo, kahit hindi na kami madalas magkita eh boto ako sa kanya para sa'yo," saad ng matanda na animo ay kinikilig.
"Did she know na may lakad kayo?" sumingit mula sa kung saan ang Alkalde.
"I texted her last night," confident na sagot n'ya.
"That's nice, did she say yes?" pagkukumpirma ng ama.
"I guess she was asleep already pero sure ako mababasa n'ya paggising n'ya," sagot ng binata.
Hindi na nagsalita pa ang ama. Matikas s'ya tingnan sa suot n'yang fitted polo shirt and pants. Nagpaalam na s'ya sa mga ito. Nabasa ni Emilia ang message ni Loyd ngunit hindi n'ya ito sinagot. Mag alas syete na s'ya ay magising. Mas occupied s'ya sa pakikipagusap sa nobyo. Magkikita sila mamaya sa kanilang tagpuan. Nawala lahat ng antok n'ya dahil kumatok ang ina at sinabing nasa baba si Loyd.
Bumaba s'ya ng hindi pa naghihilamos.
"Good morning, yes?" nagtatakang bati n'ya sa binata. Nakaporma ito at mukhang may lakad.
"We are going to church, right?" nakangiting tanong nito kahit halatang disappointed dahil hindi pa s'ya nakapaghanda.
"Ano'ng oras ba?" Aniya rito.
"In few minutes, I texted you last night," pagpapaalala nito.
Nabasa n'ya ito ngunit hindi n'ya inintindi at hindi n'ya inasahan na totohanin nga nito.
"Sorry, maaga ako nakatulog kagabi and I didn't open may phone hanggang ngayon kaya hindi ko alam," pagpapaumanhin n'ya.
"Sana umuwi na lang ito dahil na-disappoint sa ginawa kong pambabalewala," naiisip ng dalaga.
"It's okay, I can wait. May second mass pa naman," sabi nito.
"S**it!" lihim n'yang namura ito.
Walang magawa ang dalaga kundi ang maligo at kumain ng almusal kasama ito at ang mga magulang. Natutuwa naman ang ama sa nakikitang progress sa ginagawa ng binata. Tinapik pa nito ang binata sa balikat bilang patunay na suportado n'ya ito. Nakahabol sila sa second mass. Sa buong oras na magkasama sila ay naiilang s'ya sa binata. Hindi n'ya alam ano at pa'no ang gagawin n'yang pag-iwas rito. Nakatingin at malalim ang pagkakatitig nito na halatang may nais sabihin. Hinahayaan lang n'ya ito para maipakita na hindi s'ya interesado.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkasama sila ni Loyd na hindi kasama ang mga kaibigan kaya ganun na lang ang kanyang nararamdaman. Sa kalayuan hindi napansin ni Emilia ang pares na mga mata na kanina pa nagmamatyag at nakatanaw sa kanila. Nag-aalala at nagseselos ito. Si Miguel. Sumamba din ito kasama ang pamilya. Ngunit wala itong magawa kundi ang manahimik at magbantay sa sulok ng kanyang mga mata.
Pagkatapos ng misa ay niyaya s'ya ni Loyd na kumain sa isang sosyal na restaurant. Pagpasok ng kainan ay special na ang pagtrato ng mga staff sa kanila. Iginiya sila sa isang sulok na for private functions lang. Reserved na pala ito binata dahil mabilis na na-serve ang kanilang food.
"Ano'ng mayroon?" usisa ng dalaga.
Hindi ito sumagot bagkus ay isang bouquet ng bulaklak ang binigay nito na inabot ng isa sa crew ng naturang kainan.
"What's this all about Loyd?" ulit ni Emilia na hindi maganda ang pakiramdam sa nangyayari.
"I just wanted you to know that I like you. I wanted to propose my feelings for you na since bata pa tayo ay hindi nawala Emilia. Mahal kita. Willing ako na gawin ang lahat upang maging akin ka," pag-amin ng binata.
"My God! I never thought you would do this, for me you're just a friend. I am sorry!" maanghang na sagot ng dalaga.
"I understand if you're upset, but please give me a chance." Pagmamakaawa ng binata.
"I am so sorry. I don't know what to say, I can't," umiiling na sagot n'ya.
"I get it, I know nagulat kita. I'm willing to wait until such time na ready ka na, andito lang ako." Madamdaming pahayag ni Loyd sa dalaga na hindi pa din alam ang gagawin.
"Baka naisip mo lang lahat 'yan dahil sa udyok ng Papa ko," nagdududang tanong n'ya rito.
"Oh no, may sarili akong pag-iisip at damdamin.
Aminado ako na lumakas ang loob ko dahil sa suporta ni Tito Carlos ngunit ako pa rin ang mas nakakaalam ng talagang nararamdaman ko, Emilia." Pagsusumamo nito. Hindi n'ya alam kung tatanggapin o hindi ang bulaklak nito. Upang hindi mapahiya tinanggap n'ya ang bulaklak at nag-aya na umuwi na. Pagdating ng bahay ay masayang mukha ng ama ang sumalubong sa kanila.
"What's with the flowers?" tanong nito sabay halik sa kanyang pisngi.
"Galing po kay Loyd," maiksing sagot ni Emilia na pilit lamang ang ngiti.
"Nay Pacing, pakilagay na lang po sa vase," utos ng dalaga sa mayordoma saka nagpaalam sa ama at sa kanyang bisita.
Nasira na ang araw n'ya.Mamayang hapon ang usapan nila ni Miguel na magkita. Hindi s'ya bumaba hanggang sa nagpaalam na si Loyd na uuwi na ito.
"See you later, Mahal!" pagpapaalala ng dalaga kay Miguel sa pamamagitan ng text. Baka kasi nakalimutan nito na may usapan sila.