Chapter 35

1518 Words

"Ellaine, salamat dahil gising ka pa. Pwede mo ba ako'ng tulungan?" humihikbing tanong n'ya sa kaibigan.  "Ano ba ang nangyari? Pano kita matutulungan?" bungad ng kaibigan.  "Kailangan ko ng matutuluyan kahit pansamantala lang saka na ako lilipat ulit kung makahanap na ako ng panibagong matitirhan at trabaho," pagbibigay alam n'ya sa kaibigan. "Saan ka ba ngayon ha?" nag-aalalang usig nito. "Nasa bus ako papuntang Manila, doon na ako titira. Baka may alam ka na makakatulong sa akin, please! Saka na tayo mag-usap sa nangyari kailangan ko lang ng matutuluyan." Pagmamakaawa ni Emilia. "Hay naku friend. Siya sige basta mag-iingat ka ha. Tatawagan ko ang pinsan ko na Cubao para sunduin ka. Doon ka muna sa kanila, bukas pupuntahan kita para makapag-usap tayo bago ka makahanap ng bahay,"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD