Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Emilia kasama ang kaibigang si Ellaine at kapatid na si Albert. Kinabukasan ay agad na naghanda sa kanyang paglipat ang dalaga. Nagpasalamat s'ya sa magkapatid na kumupkop sa kanya at lulan ng sasakyan ng kanyang Kuya Albert ay hinatid s'ya nito sa bagong titirhan. Hindi ito umalis hanggang hindi nagiging maayos ang kanyang kalagayan sa bagong tahanan. Nagpatulong s'ya sa dalawa sa paglilinis ng bagong apartment at pamimili ng ilang importanteng gamit. "Meryenda muna kayo," sabi ni Ellaine na nagtimpla ng maiinom at gumawa pa ito ng sandwich. "Bakit kasi ayaw mo tirahan ang condominium unit na binigay sa'yo?" tanong ni Albert. "Ayoko makarinig ng hindi maganda sa kanila." Nakasimangot na tugon ng dalaga. "Sa iyo na ang unit kaya wala na silang mag

