Nakaalis na si Ellaine saka sinimulang buksan ni Emilia ang mga pinamili upang mailagay sa tamang pwesto sa tulong ng kapatid. Sinamahan ulit s'ya ni Albert sa pamimili sa mga kulang na kagamitan na kailanganin n'ya. Sa labas na din sila nananghalian dahil doon na sila inabutan ng gutom. "Kaya mo na ba mag-isa?" tanong ni Albert sa kapatid pagkadating nila ng bahay. "Oo naman Kuya. I can take it from here," nakangiting tugon n'ya sa kapatid. Nagpaalam na ito upang makapagpahinga at makabalik sa opisina kinabukasan. Sa Friday na ulit sila magkikita upang samahan s'ya sa condominium unit. Matagal na itong nabigay sa kanya ngunit hindi pa n'ya ito nasisilip maliban sa mga larawan na pinakita ng mga kapatid. "Salamat, Lord! Sa wakas ay may kalayaan na ako na gawin ang nararapat para sa sa

