Araw ng lunes kaya alas singko pa lang ay gising na si Emilia. Naghahanda s'ya para sa unang check up n'ya. Nagluto s'ya ng almusal at mag-isang kumain. Nasanay na s'ya sa kanyang bagong tirahan at proud s'ya sa araw araw na kanyang ginagawa dahil marami s'yang natutunang gawin. Alas syete pa lang ng umaga at katatapos lang n'ya maligo ng may kumatok sa kanyang pintuan. Nagtatakang pinagbuksan n'ya ito. "Kuya? Ano'ng ginagawa mo rito? Ang aga pa ah," takang tanong n'ya sa kapatid. "Syempre, sasamahan kita sa doctor." Maiksing tugon ng binata. "Ganun? Eh malapit lang naman dito ang clinic na pupuntahan ko," pagdadahilan n'ya. "I don't care kung malapit o malayo. If I feel like you need me, I'll come," sagot nito na ikinatuwa naman n'ya. "Ang corny but it works. Kumain ka muna may na

