"What have you done? What were you saying? Pinahiya mo ako sa harapan ng pamilya ko," sita ni Don Carlos sa kaibigan. Dalawa na lang sila na natira sa silid dahil naglabasan na ang lahat ng bisita. "Patawad, nais ko ituwid ang naging pagkakamali ko at pagkukulang ko sa anak ko. He suffered a lot simula bata pa. Mahal ko ang mga anak ko kaya hindi madali sa akin ang magdesisyon na gawin ito," sabi ni Arthur sa kaibigan. Hindi s'ya natatakot rito at kilala n'ya ito na higit pa sa kapatid ang turing nito sa kanya. Mapagkumbaba ang kanyang boses habang nagpapaliwanag sa mayamang kaibigan. Ayaw n'yang masira ang kanilang pagkakaibigan ngunit hindi habambuhay ay maitago n'ya ang totoo. "I can't believe you did this to me at sa buong pamilya ko. You betrayed me," galit na saad ng Don na d

