Loaded ang araw na ito kay Miguel dahil opening ng kanyang clinic at mamayang gabi ay imbitado s'ya sa isang gathering. Wala s'yang alam sa mangyayari mamaya dahil abala na ang kanyang utak sa kanyang bagong clinic. Basta pupunta s'ya sa address na binigay nito. "Congratulations, Miguel!" bati ng mga kakilala at kapitbahay nila na dumalo sa kanyang opening. Nagpamisa s'ya at nagpa-cater para sa mga bisita. Alas otso nagsimula ang misa at mag-alas dyes na nag-ribbon cutting. Nagsimula na din s'ya tumanggap ng free consultation at thirty percent discount sa panggagamot na magtatagal ng tatlong araw. "Kaya pa, anak?" bulong ng ina. "Kakayanin," natatawang tugon ng binata. "Congrats, sobrang ipinagmamalaki kita!" pahabol pa ng ina bago s'ya bumalik sa loob ng kanyang opisina. Lumi

