Dalawang araw bago ang nakatakdang biyahe ni Miguel ay nakahanda na ang kanyang mga dadalhin. Binenta n'ya ang kanyang kotse sa isang kasamahan sa trabaho upang pandagdag sa kanyang budget bago pa ito mabulok na hindi nagagamit. "Wow, hindi masyadong pinaghandaan," puna ni Leo dahil nadatnan s'ya na nilalabas na n'ya ang mga dadalhing gamit. "Oo naman para sigurado na walang maiiwan." Excited na sagot ni Miguel. Kasama n'ya ito sa kanyang pag-uwi at mamamalagi ito doon ng isang linggo upang alalayan s'ya sa pagsisimula. Dahil mabait ang kanilang Boss ay pinayagan din ito na magbakasyon ng dalawang linggo. "We wish you goodluck, Miguel! Masaya kami para sa'yo. Anytime ay maari kang bumalik rito." Bilin ng mabait na Ina ni Leo. Maaga pa ay nasa airport na ang binata. Mga isang buo

