Chapter 40 Danica Pagdating namin sa loob ng condo ay naupo ako sa sofa at sumandal sa upuan. "Magpa-deliver na lang siguro tayo ng tanghalian natin. Alanganin na kung magluluto pa ako. Ano ang gusto mong kainin, Babe? tanong niya sa akin. "Gusto ko ng sinigang na baboy, tapos maasim," sabi ko. ''Sige, mag-order na lang ako," naman niya sa akin at dinaial niya ang telepono at nag-order ito ng makakain namin. Ilang saglit pa ay may tumatawag sa cellphone niya. Nakapatong ang cellphone niya sa lamesita tiningnan ko iyon at nakita ko na ang tumatawag ay My Love. Gusto ko abutin ang cellhphone niya at ibato sa kaniya ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Nang matapos niya ng makipag-usap sa telepono ay kinuha niya ang cellphone niya at lumabas ng condo at doon niya sa labas sinagot ang

