Chapter 39 Nang nasa silid na kami ni Alp hindi ito umiimik. Hindi ko rin siya inimik. Ang baliw kong asawa panay ang tingin sa cellphone at panay ang pindot parang may kausap ito sa text. Malamang ay si Sheena iyon. "Sana hindi ka na lang bumalik rito sa hotel kung kailang ka pa ng girlfriend mo!" naiinis kong wika sa kaniya. "Matulog ka na riyan at ano oras na! Makakasama 'yan sa baby kapag hindi ka matulog sa tamang oras," walang emosyon niyang wika sa akin. Bakit kung kailan na kasal kami ay wala yata siyang balak na tabihan ako. Nakaupo siya sa sofa at humiga at nagdotdot ng cellphone niya. "Doon ako matulog sa room ni Julie," nainis kong wika sa kaniya at akmang lalabas ng silid namin. "May isip ka ba, Danica? Kung gusto mo pala matulog katabi ni Julie, e 'di sana kanina pagkat

