Episode 56

2297 Words

 CHAPTER 56 Danica Hindi ko na nagawang lumingon kina Shiela nang hilahin na ni Alp ang pulsuhan ko upang umuwi na. ''Alp, ano ba! Bitiwan mo nga ako!'' bawi ko sa kaniya ng aking kamay. Binitiwan niya ako at masakit ang tingin na ipinnukol niya sa akin. ''Akin na nga 'yang batya!'' wika ko na lang nang hindi ko masalubong ang mga titig niya sa akin. Ngunit iniwas niya naman iyon sa akin. ''"Di ba ang sabi ko bantayan mo si Alexa?'' galit niyang wika sa akin. ''Si Inang naman ang nagbantay kay Alexa, dahil naglaba ako ng marumi naming damit!" ''Huwag mong idahilan 'yang marumi mong damit dahil makapaghintay naman 'yan! Ang sabihin mo nakikipagtagpo ka sa lalaking 'yon!'' Napanga-nga ako nang ibagsak niya ang batya sa lupa at walang ano man ay hinawakan niya ako at ipinasok

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD