Chapter 55 Danica Bahagya pa kami nagkatitigan ni Alp bago ko siya pinakilala kay Shiela. ''Alp si Shiela nga pala kaibigan ko. ''Hi!'' matamis na ngiting inilahad ni Shiela ang kamay niya kay Alp. Ngunit tumayo lang si Alp at seryosong tumingin sa akin at walang emosyon ang mukha. "Pupunta ako sa sakahan ni Tatay. Bantayan mo ang anak natin at baka kung saan ka naman pupunta! Mag-usap tayong mamaya ng masinsinan,'' aniya sabay talikod. Naiwan sa ere ang kamay ni Shiela na hindi man lang niya tinapunan ng tingin ang kaibigan ko. ''Haysss... Ang sungit naman ng asawa mo. Pero ang guwapo niya, Day!'' kilig pang wika ni Shiela. ''Ewan ko sa 'yo. Wala ka bang gagawin sa inyo?'' tanong ko. ''Mayroon. Maglalaba sana ako yayain sana kita para may kasama ako sa ilog maglaba. Mabilis ka

