Chapter 42 DANICA Umalis si Alp nang umagang iyon na hindi nagpapaalam sa akin. Parang hindi niya ako asawa. Hinayaan niya na nga lang ako na matulog sa sofa kagabi hindi man lang niya ako pinansin bago siya umalis. Ano na naman kaya ang mahalagang bagay ang puntahan niya? Nakaupo ako sa labas at nagbabasa ng online reading novel. Hindi naman ako makapag-concenrate sa binabasa ko dahil ang nasa isip ko ay na kay Alp. Gusto ko sana na sumama kay Julie sa grocery pero may stiff neck pa ako. Habang nagbabasa naman ako ay lumapit sa akin si Mommy Helen. "Iha, hindi ka ba inaantok?" tanong nito sa akin. "Hindi po, Mom. Masakit kasi ang leeg ko, kaya gusto ko igalaw-galaw ang leeg ko," sabi ko naman sa kaniya. "Danica, may hindi ba kayo pagkakaintindihan ni Alp?" seryoso naman tanong

