Episode 35

1465 Words

Chapter 35 DANICA Nakauwi na kami ni Yaya, sa condo ni Alp. Alasingko pa nga lang ay gusto ko na bumalik sa condo. Ngunit hinintay ko na lang ang pag-out ni Julie Ann. Tuwang-tuwa pa ito nang makita ako na nasa bahay ni Ma'am Helen. At ang bruha kong kaibigan ay may pupuntahan din daw. May ka-date daw siya kaya nagpaalam siya kay Mrs. Damerkan na bukas ng umaga makakauwi. Kung hindi ko pa siya pinilit na sabihin kung sino ang ka date niya ay hindi ko pa malalaman. Walang iba lang naman ang kinababaliwan ng kaibigan ko kundi ang kaibigan ni Alp na si Mark. Mukhang tinamaan na talaga siya ng husto kay Mark, kaya pagsapit ng ala-sais ay nagyaya na ako na umuwi sa condo unit ni Alp. Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang naisipan na paglutuan si Alp . Gusto ko matikman niya ang luto ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD