Chapter 34 ALP Iniwan ko si Danica kina Mommy at Yaya. Hindi ako sa opisina dumaretso kundi sa bahay nila Sheena. Pagkatapos namin mag-love making ni Danica sa kusina ay nakatanggap ako ng tawag mula sa magulang ni Sheena na si Tita Lorena. Sinabi nito na nagwawala si Sheena at hindi umaalis sa silid niya at nakiusap si Tita na puntahan ko muna ito sa bahay nila sa Makati. Wala si Tito Dominic sa bahay nila, dahil nasa ibang bansa ito. Pagdating ko sa Makati sa bahay ni Sheena sa Evangelista ay agad akong pinagbuksan ng gate ng katulong nila. Dalidali akong bumaba sa aking sasakyan at pumasok sa loob ng bahay. Agad naman akong sinalubong ni Tita. "Alp, mabuti at dumating ka na. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa anak kong 'yan. Kagabi pa 'yan nagwawala," kabadong wika ni Ti

