Chapter 51 Alp after 1 day Hindi ko akalain na magagawa kaming iwan ni Danica ng mga oras na iyon. Sinuong niya talaga ang ulan at walang lingon-lingon na iniwan niya kami ng anak namin. Paano niya nagawang iiwan ang anak niya dahil sa kagustuhan niya lang makapaghiwalay sa akin? Sana kahit hindi niya man lang tiningnan niya ang kalagayan ng anak namin bago siya magdesisyon Gusto ko siyang habulin ngunit bitbit ko si Baby, kaya hinayaan ko na lang siya na umalis. Kung iyon ang makapagpasaya sa kaniya wala akong magagawa kundi ang alagaan na lang ang anak namin. Nasa ospital ako ngayon kasama si Baby Alexa. Dinala ko siya rito upang dahil walang mag-aalaga sa kaniya. Hindi na ako nakapasok sa opisina dahil sa nangyari. Naghanap rin ako ng gatas ni Baby sa nursery dahil kailangan pa rin

