Chapter.17 The Reasoning
"Isabelle Clavio" POV
Matapos ang pagkikita namin ni sebastian ay mabilis akong nagtungo sa condo unit ni ellaine,batid kong subra siya nahihirapan ngayon,lalo nasa nangyari sa daddy niya.
Naka-ilang katok na ako ng pintuan niya pero hindi pa din nito binukbuksan...kaya naman malakas na boses ang aking isinigaw kasabay ng malalakas na katok sa condo niya.
"ellaine..ano ba....? buksan mo nga itong pinto ...paki-usap nag-aalala na ako sa sitwasyon mo baka kung ano na naman ang gawin mo sa sarili mo...ellaine...!!!!! ellaine!!!! si isabelle ito...ellaine...!!!!! please...mga tawag at pagkatok ang ginagawa ni isabelle...ilang sandali ay bumukas na ang pintuan nito at bumungad kay isabelle ang itsura ni ellaine na halos hindi na makilala dahil sa amoy ng alak na bumabalot sa katawan nito.
"ellaine ...ano ba...?umayos ka nga,ganyan ka nalang ba ha....at isa pa tingnan mo nga itong condo mo....halos puro alak nalang ang iniinom mo...!!!! gusto mo ba talagang magpakamatay...ha...!!!! habang pag-yugyog naman ang ginagawa ni isabelle sa balikat ni ellaine at ang mga buhok nitong halos magulo na.
"ellaine...!!!!! pag-sigaw ni isabelle ...
"kung gusto mong magpakamatay...tumalon ka nalang sa building na'to..kasi sa ginagawa mo para mo na din pinapatay unti-unti ang sarili mo..!!!!..walang ibang narinig si isabelle kay ellaine kundi ang malalakas na pag-iyak nito sa kanyang harapan..
"huhuhu.....huhuhu...tama ka isabelle bakit nga ba?,hindi na lang ako tumalon sa napaka-taas na building na ito..nang sa ganun...mawala na ako sa mundo....huhuhu...
ellaine....alam ko ang nararamdaman mo,nasasaktan ka dahil isinisisi mo sa sarili mo ang nangyari sa daddy mo...
"Ou...!!!!! tama ka isabelle...pero bakit hindi nila ako maintindihan...magpapakasal ako sa lalaking ni hindi ko nga lubusang kilala....kasalanan ko bang malugi ang kumpanya ni daddy..bakit palagi nalang ako..
palagi na lang ako ang sinisisi nila...paano kung mawala si dad,tapos ngayon hindi ko na makausap si mom..halos tulala siya sa lahat ng mga nalaman niya about kay dad.kaya pala ganun na lang kailap si mom nung nakaraang araw...huhuhuhu....isabelle...hindi ko na alam pa ang gagawin ko...!!!
tama na ...wag kanang umiyak...sino pa ba ang magdadamayan kundi tayo lang dalawa di ba...hindi ba sabi mo sa akin nuon kailangan nating lumaban sa bawat hamon ng buhay...kaya nga ako nagiging matatag dahil sayo...dahil sa bawat payo na ibinibigay mo sa akin...halos lahat alam mo ang bawat takbo ng buhay ko....ellaine....
"siguro...nga isabelle...kailangan kong harapin ang antipatikong lalaki na yun...alam mo sumosubra na siya..napaka-walang modo niyang tao...tapos balak pa niyang kuhanin lahat ng meron kami isabelle....kung hindi ako magpapakasal sa kanya...ahmmmm ganun na ba siya ka baliw...wala siyang paki-alam kay dad..ang isip ng lalaking yun puro nalang pera...hindi siya marunong maawa...nakakainis..!!!! kasunod ng pagyakap mi isabelle sa kanyang kaibigan at pagayos ng gulo-gulo nitong buhok...
"ahmmm...maligo kana nga...ellaine tingnan mo oh ...ang baho-baho muna..mabuti nalang ...pinayagan ako sa kumpanya.
"ahmmm...kumpanya...sandali lang isabelle....hangang ngayon ba may ugnayan pa kayo ng abnormal na lalaking yun..."alam mo naman di ba na ikakasal na siya sa long time girlfriend niya...kasabay ng pagtahimik ni ellaine sa kanyang paghikbi at pagpahid ng kanyang mga luha sa namumugto nitong mga mata.
"alam ko...pero..mahal ko siya ellaine...mariing tinig ni isabelle..
"yes...mahal mo siya...pero kaya ka nga ba niyang ipaglaban hangang huli...lalo na't naibigay muna sa kanya ang p********e mo.please....isabelle...."alam mo napapahamak tayo sa mga lalaking yan...dapat sa mga yan sinisilaban ng buo..tapos itinatapon sa malalim na lugar....oh kaya ibinabaon ng buhay...!!!!
"ha...grabe ka naman ellaine...kailan ka pa naging mamatay tao ha...!!!...
"papatay talaga ako,lalo sa impakto at antipatikong lalaki na 'yun....
"Ano ok kana ba...? ahmmm nailabas muna ba ang lahat ng sama ng loob mo sa mga alak na yan...
"kulang pa yan...hindi pa kami tapos ng walang modo na lalaking yun...makikita niya talaga..gusto niya ng laro..."pwes...makikipag-laro ako sa kanya isabelle....at kapag na huli ko siya sa bitag..ko...ahmmm...tsk...magsisi siya kung sino ang nilaro niya...
"anong ibig mong sabihin ...ellaine...saad ni isabelle na halong pagtataka sa mukha ni ellaine...
"isabelle...mapag-laro ang mga lalaki...kaya naman makikipag-laro din ako sa kanya hangang sa mabawi ko ang kumpanya ni dad...hindi...ba maganda yun....
parang kinakabahan ako sa binabalak mo...ellaine...
salamat sayo...mahal kong kaibigan...ngayong ok na ako...magsisimula na ako ng laro namin...
ahmmmm...ako kaya si ellaine..Madrigal...tsk..
Walang ibang ginawa si isabelle at ellaine kung hindi linisin ang mga alak na nagkalat sa loob ng condo nito.at kasunod ng pagluluto ni isabelle ng adobong manok..
"pano ba yan..natapos na natin..ngayon kumain na tayo ng matanggal ang stress natin...sambit ni isabelle habang naghahain sa lamesa.
"alam mo....ano kaya kung umuwi tayo ng batangas ...tutal..naman mag-celebrate si sister ara ng birthday niya...
"ou ellaine..nakapag-file na din ako ng leave..ng tatlong araw..kaya pupunta tayo...
"mabuti kung ganun...nakaka-stress dito sa manila...duon sariwang hangin pa ang iyung malalanghap hindi tulad dito...hindi na nga sariwa ang hangin minsan...sinamahan pa ng mga demomyong kalalakihan...ahmmm....
"bakit ayaw mo nalang siya kausapin at paki-usapan ellaine..malay mo..sumang-ayon siya kung ano man ang mapag-kasunduan niyo.
"ahmmm sa itsura palang ng lalaking yun..hindi muna mapagkakatiwalaan isabelle..kung makikilala at makikita mo lang siya..nakaka-umay ang mukha niya..
"ibig mo bang sabihin ....pangit siya...sambit ni isabelle habang nagsasandok ng ulam sa lamesa nito.
"Ou..subra...napaka-pangit na nga...pangit pa ang ugali...
"talaga...grabe..pala ellaine...nakakatakot...mas ok na yung kilala mo siya...hehehe...kaysa makilala ko pa...baka tumakbo ako..nun eh...
"Oh..ikaw ano balak mo...hihiwalayan muna ba si Mr.Alejandro sebastian..your One night stand..ganun ba...tsk...
Mahal ko siya ..ellaine nangako siya sa akin...kailangan ko lang maghintay ng panahon...
"what...!!!! panahon..eh hangang kailan...please isabelle...paano kung ikasal na siya maghihintay ka pa din ba...my god...!!!!hindi tayo ipinanganak ng martir sa pagmamahal...
"ellaine...salamat sa pagiging kaibigan mo ...pero mahal ko talaga siya...at mahal niya din ako...
"ok kung yan ang nararamdaman mo hindi ako hahadlang..pero sana lang handa ka...isabelle...may mga pangyayari na dumadating ng hindi natin inaasahan...oh siya kailangan na nating magready ...dahil ngayon tayo aalis papuntang batangas...
"Ano ka ba..may pasok pa ako bukas .tugon ni isabelle...
Sus...bukas ka lang naman hindi papasok di ba at next day leave muna...sige liligo lang ako..ng madali tapos...dadaan tayo kay aling mel para makapag-ready ka..
Hindi ko maintindihan sa sarili kung bakit..bigla na lamang ako kinabahan...pero kailangan kong umuwi dahil sabik na akong makita ang mga taong nag-alaga at kumopkop sa akin.
"Alejandro Sebastian" POV
Halos masaya ako ng may nangyari ulit sa amin ni isabelle,nangako ako sa sarili ko na siya ang magiging ina ng mga anak ko.at wala akong ibang mamahalin kundi siya lang...kinuha ko ang bath towel ko,upang itapis sa aking baywang,
kaagad kong kinuha ang telepono ko at tinawagan si isabelle,subalit out of coverage area ito,paulit-ulit kong tinatawagan pero wala pa din.
kaya naman tumawag ako sa kumpanya,ko para malaman ko kung naka-dating na ito.ngunit ng mag-salita ang isa kong mga assitant..ay wala raw ito at hindi pumasok.subra akong nag-alala at napa-isip sa kanya.
where are you...isabelle?......sambit ni sebastian sa kanyang isipan.matapos magbihis ni sebastian ay mabilis itong nakasakay ng kotse at pinaharurot ng takbo.at kasunod nun ang pagtapat niya sa harap ng bahay ni aling mel.
Kaagad ko naman tinungo ang bahay ni Aling mel habang dala ko ang isang plastik na puno ng ibat-ibang klase ng prutas.
Aling mel..pagtawag ko sa labas ng pinto ng bahay niya pero ang sadya ko at gusto kong makita ay ang babaeng minamahal ko.na si isabelle...
Nabigla naman si Aling mel ng masilayan niya ako sa labas ng kanyang bahay.
Oh..anak...bakit bigla ka nalang napabisita..dapat tumawag ka muna sa akin,para naman naipagluto kita.
sambit ni Aling mel...
"kahit hindi na po...kaya lang ako nagpunta para maka-musta si isabelle,hindi kasi siya pumasok kaya naman naisip kong dumaan dito..para malaman ko ang dahilan.
"Teka ...nga anak hindi mo ba alam,hindi ba siya nagpaalam sayo ang alam ko nuong isang araw pa siya nagpaalam na mag-leave siya.
"Mag-leave....po...bakit aling mel?pagtatakang tanong ni sebastian at kasabay ang pagupo nito sa sopa..habang marahan niyang ibinaba sa lamesa ang mga dala nitong prutas.
"naku...talagang bata na yun...tiyak ay hindi siya nagpa-alam sayo..dahil hindi mo alam eh...
umuwi siya sa batangas,para umattend ng birthday party ng mga nag-alaga sa kanya noong bata pa siya.kaya pagpasensyahan muna kung hindi man niya nasabi sayo.
"wala lang po yun ....Aling mel ...sige po kailangan ko na pong umalis at marami pa po akong kailangang gawin sa kumpanya.
"ah ..ganun ba...oh sige...anak..magiingat ka at salamat sa mga dala mo.tanging ngiti lamang ang naisagot ni sebastian kay aling mel.at kasunod ng pagsakay nito ng kanyang sasakyan.
Napa-isip na lamang ako at napa-tanong sa aking sarili ng maalala ko,ang pagbangit ni aling mel kung na saan si isabelle.Mahigpit kong hinawakan ang aking manubela...habang mabilis ko naman minamaneho ang aking sasakyan.Tinawagan ko si Ms.jane para malaman ko ang exact- location ni isabelle sa batangas.
Maka-ilang minuto lang ay narating ko ang lugar kung saan nakatira si isabelle,pero laking pagtataka ko dahil hindi ito isang ordinaryong bahay...maraming mga bata ang aking nakikita,nasa tingin ko ay mga dalawang taon at hangang limang taon ang mga ito.
Natuwa naman ako dahil may isang bata ang lumapit sa akin at nakayakap sa kanang binti ko kaagad naman akong umupo para magpantay kaming dalawa.maganda ito at may pagka-kulot ang kanyang mahabang buhok.isama pa ang lumilitaw na dimple nito.
"Hi..po...batet..andito po eyo...kunen niyo na po ba ako...habang nilalaro niya ang aking pisngi at hinahawakan ang aking mga mata...kasabay ng pagkurot nito sa aking mukha.."ang wapo niyo po...hehheeh....
Subalit isang tinig mula sa aking likuran ang aking narinig..."carmela...halika na...kakain na..sino ba ang kausap mo...ha..tinig mula sa aking likuran,kasabay ng aking pagtayo ay ang pagtakbo ng bata sa kinaroroonan ng babaeng nagsalita.."Sister iya po..si wapo po...sister...kaagad naman akong lumingon sa kanila at laking pagtataka ko ng makita ko ang dalawang madre na matagal ko nang kilala.
"Mr.Alejandro Sebastian...Ano pong saad niyo at bigla po kayong naparito dito?....hindi po namin akalain na kayo po mismo ang bibisita sa amin..isa pa marami pong salamat dahil magpa-hanggang ngayon ay tumutulong pa din po kayo sa mga batang nandito.
"wala po yun...sister hanggat makakatulong kami para sa inyo.hindi ko lubos akalain na nandito na pala kayo sa batangas..ang alam ko nasa palawan po kayo nung huli ko po kayong nakita.
"naku..subra nga kami nagpapasalamat dahil kung hindi po sa inyo ay baka hanggang ngayon nasa lansangan pa din sila.
"tamang-tama po at may kaunting salo-salo po kami ...kaarawan ko po kasi..kaya naman ay nakapaghanda po ako.Mr.Alejandro..ngunit hidi naman po ito para sa akin..kundi sa mga batang gusto kong pasayahin..
"Dont worry ,po sister Ara...ganting ngiti ko sa mga madreng matagal ko nang hinahanap...isa kasi sila sa mga taong tumulong din sa akin nuon ng akoy...makuha nila sa mga taong nagtangkang kumuha sa akin at gawan ako ng masama.
papasok na sana ako..sa loob ng biglang mabungaran ko ang babaeng hinahanap ko kanina pa."isabelle...saad ko na lang sa kanya..
"sebastian....habang pagkatitig naman ang iginawad niya sa akin...
"