Chapter.20 The Nightmare
"Isabelle Clavio"POV
Paggising ko sa aking kinahihigaan ay wala na si sebastian sa aking tabi,Tinungo ko ang bathroom at kinuha ko sa isang rack ang aking Robe..para ipangtakip sa aking hubad na katawan..malamig ang simoy ng hangin dahil sa walang humpay na malakas na pag-ulan sa labas,Tanaw ko ang bawat agos ng tubig na nagmumula sa taas ng labas ng aming tinutuluyang hotel..
Naisipan ko na lamang maligo para pagdating ni sebastian ay handa na ako sa pupuntahan naming lugar.hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na kasal na ako sa lalaking nuon pa man ay minahal ko na.akala ko nanaginip pa din ako..pero kahit ilang beses kong tapikin ang aking pisngi totoo nga.habang naliligo ako ay nakaramdam ako ng pagkirot sa aking ulo na halos mahilo na ako..pinatay ko ang shower nito at marahan akong umupo pansamantala sa gilid ng bathtub....hindi ko alam wala naman akong sakit hindi naman ako nilalagnat subalit isang pakiramdam sa sikmura ko ang aking naramdaman kaya't kaagad akong nagtungo sa toilet bowl na kalapit ko lamang,halos maisuka ko na ang lahat kahit tanging laway ko lamang ang aking nakikita.walang mailabas ang sikmura ko..kahit patulay pa din ako sa aking pagsuka.dahan-dahan akong tumayo upang buksan muli ang shower dahil sa mga natitira pang sabon sa aking ulo at katawan.
Matapos kong maligo ay mabilis akong nagbihis ,pero bakit magpa-hangang ngayon ay wala pa din si sebastian..sabayan pa ng pagsakit ng ulo ko at pagsusuka.pabalik-balik ako sa banyo,Napatigil na lamang ako nang maramdaman ko ang pagbagsak ko sa sahig..habang nakasuot ako ng above the knee na floral blue dress na binili sa akin ni sebastian nuong nakaraang araw.hangang sa unti-unting nagdilim ang aking paligid.
Nagkamalay na lamang ako pero tanging madilim ang aking nakikita hanggang sa isang malakas na hangin ang nagbukas mula sa pintuan ng balkonahe sa aking tinutuluyang silid sa isang hotel.pinilit kong bumangon at tinungo ito para aking saraduhan dahil na din sa ampiyas ng ulan na nanggagaling sa labas.
sandali..kanina ang aga-aga pa pero bakit ngayon subrang dilim na..sambit ko na lamang sa aking isipan hanggang sa napabaling na lamang ako sa orasan na aking nakita.mag-aalas otso (8:00pm) na nang-gabi.
ganun na ba..katagal ang naitulog ko sa banyo..kaya hindi ko na namalayan ang oras...binuhay ko ang ilaw sa tinutuluyan kong silid at ang pagkalam ng aking sikmura ang tangi kong naramdaman.
hindi pa nga pala ako ..kumakain buhat kaninang umaga..pero bakit bigla na lamang akong iniwan ni sebastian na saan siya..bakit magpahanggang ngayon ay wpa pa din siya.
Kinuha ko ang aking telepono sa aking bag at dali-dali kong kinontak ang kanyang numero subalit..out of coverage area ito oh di kaya busy..
sebastian..na saan kana ba...halos subra ang kaba ng aking naramdaman...patakbo kong tinungo ang hagdan pababa dahil nasa
ikatlong- palapag lang naman ako..ayoko naman sumakay sa lift dahil lalo lang akong makakaramdam ng pagkahilo.
Isang staff ang aking nakita sa mismong hotel.
at kaagad ko itong tinanong.
gusto ko lang sana magtanong kung tumawag ba dito ang asawa ko.
ah mam..maaari ko po bang malaman kung sino ang pangalan saad sa akin ng babae.
si Mr.Alejandro Sebastian po..tugon ko naman sa kanya..
Naku..mam pasensya na pero wala pong tawag na nanggaling po sa kanya..
wala ba siyang ibang sinabi nung umalis siya dito sa hotel..magkasama kasi kaming nag check-in dito kagabi kakasal lang namin..hanggang ngayon kasi hindi pa siya tumatawag sa akin tinatawagan ko siya pero out of coverage ang phone niya.
Ganun po ba mam subalit wala naman po kasi siyang ibinilin sa amin bago po siya umalis..hayaan niyo po if ever man po na tumawag siya patatawagin na lamang namin po kayo sa isa naming staff dito.
Wala akong nagawa kundi ang magpasalamat sa babaeng kausap ko..at maghintay ng text oh kanyang tawag.
sebastian na saan kana ba ...bakit wala ka pa..hindi ko alam ang aking gagawin at hangang kailan ako maghihintay sa kanya..malapit lang naman itong hotel kana Sister Ara,isang sakay lamang ito mula dito hangang sa orphanage..
Napagisipan ko na lamang umakyat sa itaas at magimpake ng aking mga kaunting gamit na dinala ko buhat ng kasama ko si sebastian..hindi naman ako kaagad makakaalis dahil sa lakas ng ulan.nito.kaya naman ipinagpa-bukas ko na lamang.
wala man lang akong gustong kainin kundi maasim na mangga ang aking hinahanap hindi ko maintindihan sa sarili ko pero..yun ang gusto ko.
saan naman ako..makakabili ng ganitong oras..na saan kana ba sebastian bakit wala pa din akong tawag na tatanggap galing sayo.
Bumaba na lamang ako at umorder ng pagkain bago kasi umalis si seb ay iniwan niya ang card nito sa tabi ng higaan ko ngunit bakit hindi man lang siya tumatawag sa akin.
Dahil sa sarap ng aking kinakain ay naubos ko ito sweet and sour na tilapia ang aking napili sa menu.kasama ng isang platitong panghimagas na letche flan.kinawayan ko ang waiter at inaabot ang card ni sebastian na kanyang iniwan habang paginom ko naman ng malamig na tubig.
matapos nun ay iniabot na ito sa akin ng isang lalaki at umakyat na ako paitaas ng silid.
habang hindi pa ako dinaaluyan ng pagkaantok ay nanuod muna ako ng t.v halos mapatawa ako sa aking mga napapanuod may comedy at kung ano pang palabas.subalit nang inilipat ko ito sa isang palabas ay may kung ano akong takot na aking naramdaman takot na hindi ko matandaan ,kinakabahan ako at nanlalamig ang aking mga kamay...pinatay ko kaagad ang t.v at nagtalukbong ako ng aking kumot...nanganagatal ang buong katawan ko..na halos hindi ko alam kung bakit ..kung bakit ako natatakot...kinuha ko ang aking telepono at mabilis kong tinawagan si sister Ara..
Halos hingalin ako..bago pa ako nakapagsalita..
"sister...A..Ara..natatakot po ako..hindi ko alam kung saan ...huhu...may nagsasabi sa isip ko na huwag..huwag....sister Ara...malakas na hagulhol na pagiyak ni isabelle..hindi niya alam kung saan nanggagaling ang takot niya...
isabelle...relax..uminom ka muna ng tubig...sandali..na saan ba si sebastian kasama mo ba siya ngayon...
ahmmm..sister...hindi po wala po siya dito...sister ....natatakot ako...
please..isabelle maging mahinahon ka lang..wag kang padadaig sa takot mo,hindi ba yan ang palaging sinasabi ko sayo...
Pero..sister hindi ko po kaya ..hindi ko po kaya...paulit-ulit niyang saad..
ok sige ...pupuntahan ka namin dyan sa hotel gagamitin na lamang namin ang sasakyan ni kakang manoy para makaon ka namin dyan wag kang aalis ha..
"sige po sister..marami pong salamat..
ok ..iha..good...dyan ka lang ha...pagkatapos ka naming kaunin tatawagan namin ang asawa mo.
hindi malaman ni isabelle kung ano ang nangyayari sa kanya..kung bakit ganun na lamang ang pagkatakot niya ng mapanuod niya at makita niya ang babaeng halos tinatakbo ang madilim na kakahuyan..
Narinig na lamang niya ang pagbukas ng kanyang silid habang nakabalot siya ng kanyang kumot...
dyos ko...isabelle...anong nangyayari sayo...? tanging pangamba ni sister Ara at ng ilang mga kasama nito.
Sistee..please alisin nyo po ako dito...ayoko dito natatakot po ako....pagmamakaawa ni isabelle ...habang yakap-yakap naman siya ni sister Ara..
sige ..iha...kung yun ang gusto mo....halika na kakang manoy ... dalhin muna ang ibang gamit niya.at kailangn na nating umalis...bago pa maabutan tayo ng malakas na bagyo.
Pangangatal lamang ang tanging nararamdaman ni isabelle...habang yakap siya patungong sasakyan ng mga ito.
habang boses ....ang kanyang naririnig sa kanyang tenga...boses ng isang babae...
.....tama....tama na....pakiusap...tama na....kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha.