CHAPTER 13. #TBLTheLust Tama ba ang desisyon ko? Ibibigay ko lahat ng makakapagpasaya sa kaniya basta mananatiling sikreto ang lahat? Ito lang ang paraan para hindi malaman ng lahat ang mga kagagawan namin. Hinatid niya ako pabalik sa inuupahan ko, maayos na ang kalagayan niya at hindi na rin siya umiiyak. Gusto niya akong ligawan, mahal niya raw ako, pero paano dahil hindi ko siya kayang mahalin. Hindi ko kayang marinig ang mga haka-haka ng iba, ano na lang kaya ang masasabi nila? "Maraming salamat," wika niya ng makalabas na ako sa kotse niya. Nilingon ko pa ang paligid kong may tao bang nakatingin sa amin o wala. Mas mabuting walang may makakita para iwas isyu at gulo. Mahirap na, isang kilalang tao, bilyonaryo ang kasama ko, magtataka talaga silang lahat pag nakita nila kaming

