CHAPTER 14. #TBLRevelation Ilang buwan na ang nakalipas, halos magdadalawang taon na rin ako dito sa Maynila. Ilang buwan na rin akong nagtatrabaho dito sa hotel. Ilang buwan na rin naming tinatago ang mga nangyayari sa amin ni Clifton. Tinupad niya rin ang pinangako niya na walang may makakaalam at ngayon ay may tiwala na ako sa kaniya. Hanggang ngayon nanliligaw siya sa akin, ayoko siyang sagutin, ayoko ng gulo. Kagaya nga ng sinabi ko ibibigay ko ang makakapagpasaya sa kaniya pero hindi ko siya kayang mahalin. Aware naman siya, pero kahit na alam niya na posibleng maging kami umaasa pa rin siya. Umaasa na baka isang araw magbago ang lahat, na mahulog ako sa kaniya at suklian ko ang pagmamahal niya. Kahit na anong gawin niya hinding-hindi ako mahuhulog sa isang mayaman na katulad

