CHAPTER 38. #TBLGoodbyeSirSky SKY POV. Hindi ko alam kung magagalit ba ako, hindi ko alam kung iiyak ba ako. Kaya pala hindi ako paborito kasi ampon ako. Kaya pala wala akong kakampi kasi ampon ako. Ni hindi ko rin narananasan na ipagtanggol, mahalin at maging priority. Pero nagpapasalamat ako na hindi ako kapatid nila Sky, natupad na rin ang isa sa mga pangarap ko. Hindi ako magtatanim ng galit kay Skylar, i will let karma punch him and realize that he lost a worthy person in his life. Sa ngayon iisipin ko na wala akong kapatid, wala akong responsibilidad. Minahal ko sila, tinuring ko silang kapatid pero ako tinuring ba nila akong kapatid? Mahal ba nila ako? Mahalaga ba ako sa kanila? Hindi. Nagpapasalamat ako kay Mommy na nagparanas sa akin kung gaano ako kahalaga, kung gaano ak

