CHAPTER 39. #TBLUmaarawUmuulan "Andrew," pagtawag ko sa pangalan niya. Hindi ko inaasahan na si Andrew pala ang may-ari ng pinakamagandang bahay na 'to. Mayaman na pala siya at bilyonaryo. "Magkakilala kayo?" kunot noong tanong ni Nanay. Naabot na ni Andrew ang mga pangarap niya, nahanap niya ang pamilya niya ngunit namatay naman ang papa niya. Pero masuwerte siya dahil bago pa man namatay ang Papa niya ay nakita na siya, kaya naibigay at naiwan sa kaniya ang yaman. "Nanang! Hindi ko tatanggapin ang isang katulad niyan," biglang sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. "Nak teka, kailangan niya ng tulong," wika ni Nanang. "Andrew," tumigil siya ng muli kong tinawag ang pangalan niya. "Naabot mo na pala nag mga pangarap mo, masaya ako sa 'yo," hindi ko inasahan ng biglang paglabas n

